Chapter 2

4 4 4
                                    

Thursday at normal lang ang araw.
Mabilis akong naglalakad habang 'di inaalis ang titig sa lalaking naka-upo sa ilalim ng puno. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko kasi baka bigla na lang siyang umalis at 'di ko na siya makita pa.

"Aray naman Cy! tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ng isang babaeng may kulay asul na buhok na nagkataong clasamate ko. Hindi ko na muna siya pinansin at nilagpasan na lang, sa susunod na lang ako hihingi ng pasensya.

Yieeee

Hindi ko mapigilang mapangite tuwing na-i-imagine ko ang pagngite ni Wendell sa akin 'nong isang araw. Hangang ngayon ay kinikilig pa rin ko kaya nga ngayon ko na napagpasyahang lapitan at kausapin siya, sakto kasi't siya lang mag-isa ang naka-upo sa ilalim ng puno.

Ito na. Huminto muna ako sa paglalakad dahil ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya. Aayusin ko muna ang sarili ko para 'di naman siya ma turn off at 'di ako mapahiya.

Gosh!

Inhale...
Exhale...

Yeah... tama nga Cybelle
Hinga muna

Minulat ko na ang mga mata ko dahil medyo narelax na ang aking utak at hindi na ako gaanong kinakabahan.

Ay!
Nakita ko na lang siyang naglalakad palabas ng gate na para bang nagmamadali.

Hayst...
Pinaghandaan ko pa naman ang pagkakataong 'to. Nakakalungkot.

Malungkot akong bumalik mula sa aking dinaanan kanina. Wala na akong sigla, kung kanina masaya akong mabilis na naglalakad ngayon nama'y baliktad. Sobrang bagal ko ng lumakad at nakadungo pa ang aking ulo.

Ilang hakbang palang ang nagawa ko'y bigla na naman akong nabuhayan. Iniangat ko ang aking ulo at mabilis na tumakbo kung saan ko man nakita si Wendell kanina. Wala naman sigurong masama kung kahit sa ngayon lang ay sirain ko muna ang rule na tinayo ko. I have one rule, ito 'yung rule kung saan nagba-bawal sa aking -e-stalk si Wendell sa labas ng school. I respect Wendell's privacy pero... hayst... bahala na nga, ngayon lang naman ito.

Mas binilisan ko na ang aking pagtakbo at sa wakas na kita ko na siya. Hingal na hingal na ako kaya huminto muna ako sandali.

Ang bilis n'yang maglakad at parang may kakaiba sa kanya. Muli ko na namang binuhay ang sarili ko at mabilis na namang tumakbo papunta sa kanya kung pwedi lang sanang sigawan ko siya't sabihing hinaan ang paglalakad pero 'di ko kaya... nakakahiya.

Ha! Ha! Ha!
Habol-habol ko ang aking hinga habang ako ngayo'y nakatago na sa likod ng trash bin, medyo may amoy dito pero bahala na. First time ko itong gawin.

Sumilip ako ng bahagya sakto lang para 'di n'ya ko makita. Nakatayo lang siya sa gilid ng kalsada na para bang may pinagmamasdan sa unahan kaya maski ako ay napatingin narin sa kung ano man ang tinititigan n'ya pero wala naman akong nakita kundi mga nagliliparang tuyong dahon.

Mas inigihan ko pa ang pagtitig sa deriksiyon ng tinititigan n'ya pero wala talaga akong makita.

Ano ba kasing tinititigan n'ya?

Muli ko na lang binalik ang tingin ko kay Wendell baka mawala na naman siya.

Para akong nasimento sa kinalalagyan ko, napa-awang pa ng kaunti ang aking bibig.

G-gosh!
P-parang sa akin yata siya nakatingin.
Deritso ang titig n'ya sa kinalalagyan ko na para bang alam n'yang nandito ako. Bahagya ko pang itinago ang sarili ko pero 'di kalaunay sumilip na rin ako. Baka umalis na siya minuto na rin ang lumipas kaya posibleng wala na siya... pero mali ako. Nakita ko siyang nakatayo parin sa pwesto kung saan siya nakatayo kanina pero hindi na sa akin nakaharap, nakaharap s'ya sa daan. Kitang-kita ko ang pagbabago n'ya. Mula sa mapupungay na mata at masasayang mga labi ay bigla na lang itong nanlisik na para bang galit na galit at maski ang mga labi n'ya nagbago rin... nakangise na s'ya na para bang nakadrugs.

"H-hindi. Hindi siya si Wendell... isa siyang impostor." madiin kong nalukot ang hawak-hawak kong love letter na para sana sa kanya.

Nang makaalis na s'ya ay doon na ako lumabas at mabilis na tinakbo ang daan pauwi sa bahay ko.

***
Wendell's Point Of View

Ka-u-uwi ko lang mula sa klase namin kanina at excited na naman akong isulat ang naging araw ko. Ibinaba ko na ang hawak-hawak kong baso na may lamang tubig at tsaka mabilis na tinungo ang aking kwarto. Pagkabukas ko pa lang ay sinalubong na ako ng paborito kung amoy, siguro para sa iba masama ang amoy na 'to pero komportable ako sa ganitong amoy.

Marahan kong sinara ang pinto na gumawa ng kakaibang ingay dahil na rin sa kinakalawang na ito, hindi ko pa pala napapalitan.

Umupo muna ako sa kama. Wala akong ibang magawa pagnandito ako sa bahay, kung hindi nagsusulat ay nakatulala lang. Parang naging habit ko na ang ganito na lang, nasanay na ako na sa tuwing uupo ako rito sa tabi ng binta ay nagsusulat ako. Sakto rin kasing may nakahulmang parang upuan at sulatan kaya nakaka-relax sa pakiramdam lalo na tuwing taglagas.

Kinuha ko na ang bag ko kung saan nakalagay ang paborito kong notebook. Kunti lang naman ang laman kaya mabilis ko lang nahanap ang kulay berdeng notebook ko. Ang baklang pakinggan pero ang notebook na ito ay diary ko. Dito ko nilalagay lahat ng nangyayari sa buhay ko lalo na ang mga mahahalagang pangyayari at kung bored ako ay kung ano-ano na lang ang naiisip kong isulat dito.

Binuksan ko muna ang makapal na salamin ng bintana medyo nahirapan ako dahil sa may kabigatan din.

Hah... sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Halos lahat ng pahina ay may mga nakasulat na, kakaunti na lang ang wala pa.

July 23, 2020
Pagsisimula ko ng sulat.

Ang araw na ito ay isa lang sa mga normal kong araw. Pumasok ako sa school at ginawa ang mga parati ko ng ginagawa pero sa araw na ito may nadiskubre akong...

Huminto muna ako sa pagsusulat at bahagyang napatitig sa ibabaw. Dito ko nakita ang salamin na nakataas at nakita ko ang repleksiyon ko. Ganon pa rin naman ang kulay ng buhok ko; kulay kayumangi pa rin pati na rin ang kabuuhan ko ay wala paring nagbago. Inigihan ko pa ang pagtitig sa aking repleksiyon kasi parang may kakaiba. Napakunot na lang ang aking noo pero nagtaka ako ng wala man lang nagbago sa repleksiyon ko para pa itong nakangite samantalang hindi naman ako ngum-

"Ahhhhhhh!"

Naalerto ako sa sigaw na 'yon. Kaagad akong napatayo at kung 'di ako nagkakamali nangaling 'yon sa bahay ni Cybelle na kaharap lang nitong sa akin.

Maraming nagsibasagan na mga kagamitan at naririnig ko rin ang kanyang hagulhol. Ano bang nangyayari sa kanya... baka lasing na naman siya.

Gusto ko sana siyang puntahan sa kanyang bahay para malaman kung ayus lang ba siya pero nag-aalangan ako baka kung ano pang isipin ng mga makakakita sa akin.

Sana lang talaga okay siya.

***
Cybelle's Point Of View

Nakakainis! Nakaka-asar!

Pano nangyari 'yon!

Hindi maaari! Hindi pweding mangyari 'yon!

Nagsisisigaw na ako ngayon dito sa kwarto ko. Hindi ko na alam kung paano at kung ano. Naguguluhan ako. Nakakabaliw.

Kanina pa ako rito sa kwarto ko habang palihim na pinagmamasdan si Wendell. Nakikita ko siya mula rito pero 'di n'ya ko nakikita. Matagal ko na 'tong ginagawa at nag-e-enjoy naman ako. Makita lang siya ay okay na... pero kung minsan nakikita ko rin siyang parang lungkot na lungkot habang nagsusulat sa kanyang diary. Alam kong may diary siya dahil minsan ko na rin 'yung nabuklat kaso 'di ko lang mabasa ng maayus dahil ayaw kong galawin 'yon. Privacy n'ya ang notebook at nire-respeto ko 'yon.

Wendell, kailan mo ba ako mapapansin?
Kailan mo ba ako papansinin... ang lapit-lapit lang natin sa isa't-isa pero para bang 'di naman tayo nagkikita.

Malungkot akong bumaba mula sa aking kina-uupuan. Kinuha ko ang aking pabiritong libro na nakalagay parati sa bag ko. Matapus makuha ay muli na naman akong bumalik sa itaas.
Binuklat-buklat ko ito at nagbasa ng nagbasa.

Ilang minuto lang ang lumipas at napangite na lang ako ng matamis. Hahahha sabi ko na nga ba eh!

Magiging akin ka rin.




5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon