Chapter 3

4 4 1
                                    

Wendell's Point Of View

Maaga pa pero gusto ko ng pumunta sa paaralan. Hindi naman sa may paki ako sa pag-aaral, gusto ko lang talagang makita ang mga kaibigan ko at para tanungin narin kung anong nangyari kahapon. Nakakainis lang kasi 'di ako nakasama. Ang sarap manapak. Naka-ka-bad trip

Lakad lang ako ng lakad, palingon-lingon sa paligid. Alam ko namang sinusundan ako nitong kapit-bahay kong si Cybelle at naiinis na ako sa ini-a-akto n'ya.

Ano bang nasa utak ng babaeng 'to!

Napabuga ako ng hangin dahil sa naiinis na talaga ako. Hindi na ako nakapagpigil at huminto na talaga ako sa paglalakad ramdam ko rin namang huminto rin siya.

Napangise ako at pahagyang napayuko.

Patay ka sa 'kin ngayon Cybelle.

***
Cybelle's Point Of View

Parang may kakaiba talaga kay Wendell ngayon. Katulad ng inakto n'ya kahapon ay ganon din siya ngayon. Ang bilis-bilis n'yang maglakad na para bang may hinahabol siya kaya 'di ko rin mapigilang mapatakbo ng bahagya.

Tatakbo pa sana ako ng bigla na lang siyang huminto at bahagyang yumuko. Pakiramdam ko'y ngumise siya at... at hindi ko alam kung bakit... pero parang kinakabahan ako. H-hindi n'ya naman siguro ako sasaktan.

Inurong ko ang isa kong paa para sana umatras pero ng makalingon na siya sa akin ay bigla na lang nag-iba ang aura niya. Mula sa parang galit ay nagbago ito.

Hindi ko mapigilang mapakunot ng nuo habang tinitingnan ang ina-akto niya sa ngayon... ang... ang... hindi ko ma-ipaliwanag.

Bahagyang nakatagilid ang kanyang ulo na para bang basang sisiw habang ang mga kamay n'ya naman ay nakababa lang na para bang walang buhay. Tinitigan ko siya mula paa hangang ulo at nang magtama ang paningin namin ay bigla siyang nag-iwas at mabilis na tumakbo habang nakalupay-pay ang kanyang mga kamay sa hangin.

Naiwan akong nakangite.

Tsk! hindi siya magaling umarte.

Lunch break na at nandito na ako sa cafeteria. Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko kay Wendell. Okay lang naman siya ngayon, hindi na siya katulad kanina na ang wierdo. Mag-isa lang siyang kumain sa gilid at parang tulala pa, malalim ang kanyang iniisip na para bang napaka-problemado n'ya kaya 'di ko rin maiwasang malungkot.  Kung pwedi lang sanang lapitan ko siya at damayan... pero 'di ko kaya... wala akong lakas ng loob.

Kring! Kring!

Agad na nagsitayuan ang mga istudyanteng narito sa cafeteria at ganon din naman ako. Si Wendell ay matamlay lang na tumayo na para bang walang gana at nakisabay sa mga istudyanteng lumabas.

Inayus ko muna ang sarili ko at tsaka binitbit ang aking bag. Sakto't magka-klase pala kami sa first period.

Hihihihi! excited na ako kaya mabilis akong naglakad para masubay-bayan ko na naman siya.

"Alam n'yo naman siguro ang pinagkaiba ng realidad sa imahinasyon. Maraming mga bagay ang nangyayari sa buhay ng tao. Who else here believed in reincarnation? Just hands up!"

Nakikinig naman ako sa sinasabi ng guro pero hindi ko talaga mapigilang 'wag tingnan si Wendell. Lutang na naman siya. Nakatitig lang s'ya sa kawalan at 'di man lang kumikirap.

Mukhang napansin rin yata ni Miss Galie.
Gosh! Huwag n'ya naman sanang pagalitan si Wendell. 'Wag please.

Halos lahat kami ay natahimik at hinihintay ang sasabihin ni Miss pero parang wala parin si Wendell sa sarili n'ya... nakatitig parin siya sa pader.

5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon