Chapter 4

4 3 0
                                    

May kadiliman ang silid na tanging liwanag lang ng buwan sa labas ang nagbibigay ng katiting na liwanag sa loob. Sa loob ng kwarto'y naroon ang isang babaeng humahagulhol habang nakamuk-mok lang sa gilid. Magulo ang kanyang buhok at ang kanyang mga mata'y nakapalikot, nagmumukha itong nakakatakot.

Wala siyabg tigil sa paghagulhol hangang sa bigla na lang siyang tumayo at lumapit sa pader na wala man lang kadise-disenyo. Balak niya sana itong haplosin at damhin pero sa hindi malamang rason ay agad siyang napalayo sa pader at nanlalaking matang naiyak.

"H-hindi!" matigas niyabg turan na may halong kaba.

Mula sa plain na pader kanina'y bigla na lang lumabas ang mga kulay pulang letra hangang sa makabuo ito ng mensahe.

Kinakabahan siyang lumayo sa pader at saka na naman nagsisigaw.

"Hindi! Hindi ko kayang gawin 'yan sa kanya!" Malakas niyang inihagis sa pader ang isang flower base kaya nagkanda basag ito sa sahig. Halos mapunit na ang kanyang bibig sa pagsisigaw  habang hawak ang isang kulay itim na libro na may simbolong anim na gilid ng tala.

"Hindi..." biglang kumalma ang kanyang boses hangang sa muli na naman siyang napaluhid sa sahig.

Tudo iyak lang siya. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa mga larawan niyang nakasabit sa pader. Ang kanyang hikbi ay bumagal ng bumagal... Unti-unting tumahimik ang lahat. Ang kaninang mahinang tunog ng air-condition ay hindi niya na naririnig.. tanging mga patak lang ng kanyang mga luha sa sahig. Kanya itong napansin kaya unti-unti siyang lumingon sa paligid.

Tanging pagkagulat at pagkatakot ang mababakas sa kanyang maputlang mukha. Gulat na gulat siya sa nakita. Kung kanina'y nakaupo lang siya sa malamig na sahig ngayo'y nasa ibabaw na siya ng dingging at kasalukuyang mahigpit na kumakapit sa lumang chandelier.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso at tanging iyon lang ang naririnig niya na halos bingihin na siya sa lakas. Para bang 'yon na lang ang nakasaksak sa kanyang dalawang tenga.

"T-tigil.." nasubukan niya pang takpan ang isa niyang tenga gamit ang kaliwa niyang kamay pero hindi rin nagtagal ay nawalan siya ng lakas at tuluyan siyang nahulog. Sa mga oras. Na' yon ay hindi pa siya handang mamatay pero wala na siyang magagawa kundi tangapin na lang na ito na ang huli niyang sandali.

Minuto ang lumipas at nakapikit parin siya. Hindi tugma ang kanyang nararamdaman sa ngayon sa kanyang inaasahan kanina. Inaasahan niyang siya ay babagsak sa matigas na sahig at mababalian ng buto pero hindi iyon nangyari.
Lamig lang ang bumabalot sa kanya, tanging lamig na dala ng tubig sa bath tub na kanya ngayong kinalubluban.

Kataka-taka ang pangyayari at hindi siya halos makapaniwala. Mariin niya na lang ipinikit ang kanyang mata saka muling nagmulat. Hubo't hubad siyang umahon at mabilis na tinungo ang kanyang kwarto para maghanda sa kanyang pagpasok

Kasalukuyan siyang naglalakad patungo na sa kaniyang paaralan pero hindi siya mapakali...parang may kung anong bumulong sa kanya at nagsabing buksan ang kanyang dalang bag. Kinalkal niya ito ng kinalkal at tama nga ang hinala niya. Muli na naman siyang bumalik sa lobb ng kanyang bahay. Agad niyang tinungo ang ika-tatlong palapag kung saan ang kanyang kwarto. Pawis na pawis siya pero hindi niya na lang ito inalintana. Malakas niyang itinulak ang mabigat na pinto at kaagad naman nitong inilantad ang magulo niyang silid. Puro mga papel ang nagkalat sa sahig, may mga bubong din ng basag na flower base at mga tunaw na kandila. Parang dinaanan ng unos ang silid.

Nang makuha na niya ang bagay na naiwan ay mabilis na naman siyang tumakbo pababa ng hagdan. Kailangan talaga niyang magmadali dahil malapit na siyang ma-late pero nang nasa ika-dalawang palalag na siya ay bigla na lang huminto ang lahat. Ang malamig na hangin kanina'y hindi na niya ramdam maging ang paghinga niya ay tumigil din.

5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon