Chapter 5

2 2 0
                                    

Mabilis kong naisara ang notebook na binabasa ko. Ghad! Hahahahaha, natawa ako sa mga pinagsusulat niya. Lalo na 'don sa asong si Pinky. Hahaha lol.

Pero maging ako'y may napapansin din sa mga sulat niya. Base sa mga nabasa ko, sinasabi niyang may kakaiba sa kanya. Hindi ako gaanong pamilyar sa kanya pero natatandaan ko pa siya' nong mga oras na nakita ko siya dito mismo sa park at tama nga! Natatandaan ko pang palagi nga niyang dala ang NB na ito. Hmm... Interesting

*****
Cybelle's Point of View

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako rito sa gilid ng puno habang pinagmamasdan ang dalawang tao. Unang dumating ang babaeng may kulay kayumanging buhok, sumunod naman ang lalaki  na may dala-dala pang kahon.

Pagkarating na pagkarating ni Boy ay kaagad na tumayo si Girl at masayang inabot ang isang bagay.

Shit!
Paano napunta sa kanya ang notebook na 'yon?!

Mas lalo akong nainis.

Tinangap naman ni Boy ang notebook at masaya ring ngumiti. Panandalian pa silang nag-usap. Unti-unting napalitan ng pagkaseryoso ang mga mukha nila.

Ano ba kasing pinag-uusapan nila. Hindi ko marinig.
Bahagya kong nasabunutan ang sarili ko dahil sa inis ng muli na namang sumilay sa labi ng babae ang ngite.

Bwesit!

Masayang niyakap ni Wendell ang babae at ganon din ang ginawa ng babae sa kanya. Kapwa sila nagyayakapan at kapwa rin masaya.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang dinudurog ang puso ko. Tangina! 'bat siya pa, nandito naman ako... matagal na.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli kong nilukot ang love letter na para sana sa kanya.

Nabasa na ng luha ko ang papel at sa pagkakataong ito desperada na ako... kakayanin kong gawin ang bagay na' yon sa kanya alang-alang narin sa pagmamahalan namin.

Wendell... patawarin mo ako p-pero gagawin ko 'to alang-alang narin sa atin.

Mahal na mahal kita.

*****

Kasalukuyan akong naglalakad rito sa napakatahimik na daan patungo sa bahay ko. Masaya ako ngayon. Akalain mo' yon, akala ko talaga nawala ko na ng tuluyan ang dairy ko pero hindi pa pala. Sa kabutihan palad na kay Nancy lang pala. May napag-usapan kaming seryosong bagay kanina at masaya akong malaman na welling siyang tulungan ako. Nayakap ko pa nga siya dahil sa saya, masaya talaga ako.

Nakapa ko ang katawan ko dahil sa lamig. Bigla bigla na lang lumalamig ang paligid at hindi ko pa pala nadala ang hoddie ko. Mas binilisan ko na lang ang aking paglalakad habang yakap-yakap ang sarili. Para kasing may nakamasid sa akin. Dahil na rin siguro sa lamig ay bigla na lang nagsitaasan ang mga balhibo ko.

Woo..

Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil kung kanina'y pakiramdam ko lang na may nagmamasid... ngayo'y ramdam ko na talaga. Naririnig ko ang suot niyang sapatos na gumagawa ng tunog sa aking may likuran.

Bakit ba ako kinakabahan.. Malay ko, kapit-bahay ko lang pala 'yan. Huminto ako sa paglalakad, balak kong lingunin ang kubg sino mang nasa likod ko. Hangang ngayo'y naririnig ko parin ang tunog ng sapatus niya at papalapit ng papalapit ito sa akin.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at saka nilingon ang aking likuran.

Hindi ako palamura pero ngayo'y kusa na lang lumabas sa aking bibig ang...

"Fuck!"

Pano nangyari 'yon?!

A-akala ko ba... akala ko ba' y may nakasunid sa akin p-pero... pero bakit wala namang tao.

Dahan-dahan ng gumapang sa akin ang kakaibang pangingilabot. Parang mas lumamig ang hangin at mas dumilim ang paligid.

Wala pang dalawang segundo mula nang ako'y tumalikod ulit ay mabilis na akong tumakbo. Takbo lang ako ng takbo at hindi na talaga ako lumingon. Halos magka-dapa-dapa na ako sa daan pero hindi parin ako lumilingon. Mga limang segundo rin ang lumipas at kasabay ko ng naririnig ang malakas na tunog ng tumatakbong sapatos.

Grabe na ang kabang nararamdaman ko ngayon, hindi lang kaba kundi pagud rin. Nang madaan ko ang bahay ni Manong G ay nandoon parin si Pinky at tumatahol sa akin, mabuti na lang at nakatali na siya.

Parang mawawalan na ako ng lakas sa aking mga tuhod pero parang nabuhayan ulit ako nang makita ang kinakalawang kong gate.

Pinagkakalampag ko ito para bumukas pero hindi gumagana. Fucking Shit! 'Bat ngayon pa!

Gumawa lang ng malakas na ingay abg pagkalampag ko sa gate. Lakas na parang mabibingi na ako.

Narinig ko ang paghinto ng sapatos sakto sa likuran ko. Dahil sa sobrang takot ay no choice na ako kundi umakyat pero hindi ko pa' 'yon nagagawa ay kusa na lang bumukas ang pinto dahilan para mahulog ako at malutong na bumagsak sa simento.

Paika-ika akong nagtatakbo papasok ng bahay. Nang mabuksan ang pinto at kaagad ko na itong isinara.

Ha!

Nanghihinang napasandal ako sa pinto. Salamat sa Diyos at makahihinga na ako ng maluwag.

Ha!

Dahan-dahan akong sumilip sa bintana na gawa sa makapal na salamin. Kinakabahan ako alisin ang kurtina dahil baka bigla na lang magpakita ang kung sino man pero kahit na ganon ay ginawa ko parin.

Wala akong nakita kundi nakabukas na gate at mga nagliliparang dahon sa paligid.

Ha!
Mukhang wala na ang kung sino mang humahabol sa akin

5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon