Third Person Point Of View
Isang mumunting liwanag ang pumasok sa madilim na kwarto sa pamamagitan ng nakabukas na bintana kong saan nakatayo ang isang babaeng may gulo-gulong buhok at walang tigil sa pag-iyak, ngunit walang tunog na ginagawa.
Mangitim-ngitim na ang kanyang namumugtong mata at ang dungis narin nitong tingnan. Hindi niya man lang alintana ang nabubulok na amoy sa kanyang magulong kwarto.
"W-wendell" sambit niya ng hindi man lang inaalis ang tingin sa labas ng bintana.
Unti-unting lumilitaw ang kanyang mga hagulhol at kapansin-pasin din ang mahigpit nitong paghawak sa kanyang sariling leeg na para bang sinasakal ang sarili.
"Pa... patawarin mo ak-ako... Ma-mahal na mahal kita ka-kaya ko ito gagawin p-para na rin sa atin."
Halos lumuwa na ang kanyang mga mata pero patuloy parin siya sa pagsakal sa kanyang sarili pero hindi rin nagtagal ay kanya itong itinigil at ang kanyang kamay na naman ang kanyang ginagat na nagdulot ng pagdugo. Halos mangisay siya sa sakit pero pinagpatuloy niya parin ang pagkagat.
Ilang saglit pa ay para siyang may narinig na ingay. Mabilis niyang binawi ang pagkakakagat sa sarili at malikot na sinuri ng kanyang mga mata ang madilim na kwarto.
Kakaibang-kakaiba na siya ngayon kumpara kanina. Mas naging agrisibo siya at mas tumalim din ang tingin. Talagang nakakatakot ang kanyang itsura sa ngayon, ibang-iba sa Cybelle na kilala ng lahat.
Nang medyo tumagal ay muli siyang tumalikod at aktong isasara na ang bintanang kanyang binuksan pero hindi pa man niya ito nagagawa nang muli na naman siyang makarinig ng kakaibang tunog.
Mabilis siyang napabitaw sa bintana at gulat na sinalubong ng tingin ang lalaking nasa kanyang likuran.
Cybelle Blackwell Point Of View
"We-wendell... A-anong ginagawa mo rito"
Muntik na ako!
Bakit siya nandito! Bakit siya pumasok sa kwarto ko! A-alam na kaya niya?!
Hi-hindi pwedi! Hindi pwedi Wendell! Hindi!Hindi siya nasagut at talagang napakakakaiba ng kanyang mga tingin. A-akala ko ba tulog na siya! Akala ko ba–
Bigla bumababa ang kanyang tingin sa akin. Shit! Hindi niya pwedi makita ang kamay ko. Kahit na medyo masakit pa ay mabilis ko itong iginalaw at itinago sa aking likod. Napasulyap ako sa sahig at nakita ko ang mga nagkalat na dugo na galing sa aking kamay. Para akong natauhan. Mabilis pa sa kidlat ang paggapang ng kaba sa aking dibdib.
Bakit ko nagawang sugatan ang sarili ko? Nababaliw na ba ako?
Tutuo ba?!Muli kong binalik ang tingin kay Wendell na ngayo'y nakatingin na rin sa sahig. Nanlalaki ang mata kong tinitigan siya.
Hi-hindi!
Dahan-dahan akong umatras.
Hindi... hindi Wendell... hindi pa ito ang tamang oras...
"Umalis ka!" sigaw ko sa kanya habang pilit na ginagawang galit ang aking tuno. Utang na loob Wendell umalis ka!
Balak ko pa sanang hawakan siya at itulak palabas para paalisin sa aking kwarto pero hindi ko na nagawa nang bigla na namang bumalik ang napakatinding sakit. Narito na naman siya. Alam kong nandito siya. H-hindi...
Mas lalong naglandasan ang aking mga luha sa pisnge. Hindi ko na kaya para akong masisirain ng bait dahil sa sakit na sumasakup sa akin.
Tuluyan na ngang bumigay ang aking mga tuhod kasabay ng malakas na pagbagsak nito sa sahig. Dinig na dinig ko ang pagtama ng buto sa simento na mas lalong nagpadagdag ng sakit. Pinipilit kong lumingon sa itaas para lang masilatang muli ang maamong mukha ni Wendell pero bakit kay hirap gawin. Sobrabg bigat! Hindi ko na kayang igalaw pa ang aking katawan at unti-unti naring nanlalabo ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
5:04
Mystery / Thriller"Take me to The Lakes where all the poets went to die"... Cybelle