CHAPTER TWENTY-NINE

1.1K 109 15
                                    

Nanlaki sa takot at kabiglaanan ang mga mata ni Tonyang nang pagtingala niya sa dati nilang headquarters ay wala na siyang makitang istruktura kundi isang makapal na usok lamang.

"Corporal De Guzman," naibulong niya nang tila wala sa sarili. "Shit! Police Sargeant Reyes!" naisigaw niya nang tumimo na sa kanyang isipan ang dalawang kasamahan na nasa loob pa ng police station.

Bigla siyang napabangon at tumakbo papunta sa dating kinatitirikan ng kanilang opisina. Ilang hakbang na lamang sana at mararating na niya iyon nang biglang may dumamba sa kanya. Kasabay ng pagbagsak niya sa lupa, may umalingawngaw na tunog ng putukan. Naramdaman na lamang niyang pagulong-gulong sila hanggang sa napalayo na nang husto sa kanilang headquartes.

Nang malingunan niya si Arkim, siniko niya ito. Nang mga oras na iyon ay nakadapa na siya sa lupa at ito'y nasa ibabaw niya. Yakap-yakap pa rin siya.

"Ano ka ba, Archimedes Faustos Romano!" asik niya rito. "Hindi ako makahinga!"

No'n lang lumuwag ang hawak sa kanya ng binata at gumulong papunta sa kanyang tagiliran. Nakayakap naman ngayon ito sa kanya. Half of his upper body was lying on her back.

"Ano ba? Sabi ko nga hindi ako makahinga!" singhal pa ulit niya rito. Sinalubong nito ang tingin niya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito.

"You are so stubborn, Ms. Cabrera. You could have died," sabi nito. Mahinang-mahina ang tinig. Tapos umiwas ito ng tingin at nakita ni Tonyang na pinangiliran ng luha ang binata. Natigilan siya. Tapos napalingon sa pinanggalingan. Maraming basyo ng bala ang nakakalat sa semento. Pinanlamigan siya. Kung hindi pala siya dinambahan ni Arkim at iniwas doon ay malamang kasama siya sa mga nasawi.

"We should get out of here. I'm sure they are just around the corner. We'll get killed if we just stay here. We need to get going."

May naramdamang mainit na kung ano si Tonyang sa kanyang dibdib. Naalala niya agad ang kulay rosas na perlas. Ganoon din iyon noon nang siya'y mapasabak sa sagupaan. At napuruhan siya sa mga iyon! Ang ibig sabihin ay---! Hindi siya mamamatay! Mayroon siyang anting-anting!

"Okay lang ako. Hindi ako maaano," buong tiwala niyang sabi sa binata.

Nagpumiglas siyang makahulagpos sa pagkakayakap nito ngunit sadyang malakas si Arkim. Inangilan na naman niya ito. This time gustung-gusto na niyang kagatin ang braso nitong nakaakbay sa kanyang balikat.

"Stop moving, Ms. Cabrera. They're coming here," anas nito. "We need to crawl to my motorbike. Can you do it?"

Napalingon na naman siya sa direksiyon ng pinanggalingan nila. Dahan-dahan naman siyang hinila ni Arkim pataas para hindi lumampas ang kanyang mga paa sa gulong ng pinagkukublian nilang sasakyan. Nasisilip nga niya mula sa kinaroroonan nila ang kung ilang lalaking maingat na nagtsi-tsek ng mga likuran ng nakaparadang sasakyan at motorsiklo kung naroroon sila. Nakatago ang kanilang mukha sa maitim na bonnet at mayroon silang hawak na armalite. Nakakwintas sa kanilang leeg ang dala-dala nilang bala.

"Sino sila?" tanong niya sa binata nang hindi ito tinitingnan.

"They are members of the Dragon Group, the syndicate my grandfather organized."

Bumalik sa alaala ni Tonyang ang kung ilang miyembro na nakasagupaan niya sa Isla Savannah. Sa pagkakatanda niya'y halos nasa singkwenta ang naitumba niya sa kota pa lang ng mga ito. Tapos siguro'y ganoon din ang bilang ng mga nasawi nang magkasagupaan uli sila on her way out of the jungle. Tapos mayroon pa palang natira?

"Ilan ba sila talaga? Ang alam ko---"

"There's no time for small talks, Ms. Cabrera. We have to go. When I say run, you got to run. Understood?" putol sa kanya ni Arkim.

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon