CHAPTER THIRTEEN

1.3K 133 24
                                    

Nang ibaling ni Tonyang ang paningin sa misteryosong hardin, namangha siya sa nakita. Wala na ang mga dambuhalang bulaklak. Wala na ring exotic na kadena de amor na bumabalot sa bakod. Dahil bumagsak ang bandang harapan, nakita niyang naglaho rin pala ang hile-hilerang naggagandahang mga bulaklak! Ang nandoon na lang ngayon ay mga halamang kulay berde. Malamig nga sa mga mata, pero ang boring nang tingnan.

"I cannot believe that you, of all people, dismissed the warning signs," pahayag ni Arkim. Mahina ang kanyang tinig at tila pagod na pagod pa rin. "Why the fvck did you get in?"

"Hindi ko naman alam! If I knew, tutuloy ba ako?" asik niya rito.

Arkim opened one of his eyes. At first blangko ang ekspresyon nito sa mukha. Pero later on, he looked at her like she was the most stupid person on earth. Sinimangutan niya ito.

"Sino ba naman ang maniniwalang nagsasalita ang mga bulaklak, aber?"

"After what you have experienced in this campus, hindi ka pa rin convinced that there are mythical creatures living with us here?" tila hindi makapaniwalang pahayag ni Arkim. Napailing-iling ito.

Hindi na siya sumagot. May punto ang kumag. Kaso nadaig talaga siya ng kanyang kuryusidad. Pero after what she went through today, sigurado siyang hindi na siya magpapadalus-dalos.

"The warning signs around here are posted for a reason. Take them seriously," patuloy pa nito saka tumayo na at naglakad palapit sa kabayo na nakahimlay din sa hindi kalayuan. Mukhang hapung-hapo rin ito. Poor horse. Na-guilty si Tonyang.

"Hamo't hindi na ako uulit," pahabol niya rito.

Umikot ang kabayo para makaharap si Arkim sa kanya sa huling pagkakataon. Inisip niyang hindi narinig ng lalaki ang sinabi niya kung kaya't inulit niya ito.

"I heard you loud and clear. But I doubted it. Siguradong sa susunod ay madadaig ka pa rin ng kuryusidad mo. Pero ito lang ang masasabi ko. Ingat ka lang dahil baka wala nang sasagip sa iyo next time." Pagkasabi niyon ay pinatakbo na nito ang kabayo.

Napakurap-kurap si Tonyan. Iniwan siya roon? Hindi man lang ito nag-alok na isabay siyang ibalik sa staff house? Napahalukipkip siya. At sinundan niya ng nagmamaktol na tingin ang papalayong binata. Nag-umpisa na rin siyang maglakad palayo roon. Pero bago siya magtuluy-tuloy, sinulyapan niya one last time ang hardin. May naulinigan siyang panaghoy. Tinig ng isang babaeng tila naghihinagpis. Kumurap-kurap siyang muli. Ang luntiang hardin ay biglang naging tila tanawin sa panahon ng tag-lamig. Wala nang dahon ang mga pananim. At kahit tirik na tirik na ang araw dahil halos ay mag-aalas-dies na ng umaga, madilim ang sa banda roon. Bago pa siya matuksong mang-usyuso sa nasaksikahang misteryo ay tumakbo na siya palayo roon. May narinig siyang nakaririnding halakhak na sinundan ng nakakabibinging iyak ng isang babae. Binilisan pa niya ang pagtakbo. Dahil sa panay ang lingon niya sa pinanggalingan, hindi niya napansin ang kasalubong.

"Jesus Christ! Watch where you're going! Asshole!"

Nagulat si Tonyang. Hindi sa sigaw nito sa kanya kundi sa hitsura ng lalaki. Naka-hoodie ito ng kulay gray at may nakasiksik na earphones sa kanyang tainga. Saglit na nagtama ang kanilang paningin. Ito ang Arabo na nakita niya noong mag-implode ang Martial Arts Building. He sounded British this time. Not that it is unusual. Marami namang Arab-looking British. Kaso, pamilyar ang boses ng kumag. Saan ba niya narinig iyon noon?

May mga eksenang lumitaw sa kanyang balintataw. Hindi siya maaaring magkamali! Kaboses nito ang isang red-haired Irish guy na nagpahayag noong nakaraang araw na hindi sila safe sa campus. Tama! Bakit mukhang Arabo na siya this time? Hmn.

Pinaningkitan siya ng Arabo. Tila kinikilatis mula sa baggy maong pants niya hanggang sa kulay itim na hoodie na ngayo'y hinahapit niya lalo sa mukha para hindi nito mabistahang mabuti ang kanyang hitsura. Mahirap nang mabisto. Ang alam ng lahat, isang middle-aged woman ang katangi-tanging babae sa campus. At iyon ay ang propesor sa English ng mga Knights. Mahirap nang mabisto nito na non-existent ang naturang matrona.

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon