First Upload: May 17, 2020
**********
Ang St. George Academy ay isang prestihiyosong paaralan sa isang liblib na isla sa Pilipinas na kung tawagin ay Isla Savannah. Malayo man ang naturang pulo sa kabihasnan, masasabing hindi naman ito pahuhuli sa teknolohiyang tinatamasa ng mga nasa mauunlad na lungsod ng bansa sa kadahilanang nasa kanila ang pinakamahal at sikat na finishing school ng mga anak ng mayayamang angkan sa Asya. Hindi basta-basta ang pagpasok sa eskwelahang iyon. Bukod sa dapat manggaling ang ninumang nais pumasok doon sa isang mayamang pamilya para makayanan ang lampas-langit na matrikula, kailangan ding maipasa nila ang isang pagsubok na nahahati sa tatlo: pisikal, mental at sining. Kada taon libo-libong aplikante mula sa iba't ibang panig ng mundo ang sumusubok makapasok doon ngunit sa pisikal na aspeto ng pagsubok pa lamang ay lagpas kalahati na ang bumabagsak. Paano kasi, kailangan nilang languyin mula sa pulo ng Gigantes hanggang sa Isla Savannah na halos tatlong kilometro ang layo. Kung swerteng maipasa ito ng isang aplikante kailangang mahigitan niya ang mga katunggali sa dalawa pang pagsubok para mapabilang sa unang tatlumpong kalahok dahil iyon lamang ang bilang ng estudyanteng tinatanggap kada taon. Bagamat parang dumadaan sa butas ng karayom ang bawat aplikante ng St. George Academy, hindi iyon hadlang para naisin ninuman na mapabilang sa mga nagsipagtapos sa naturang eskwelahan. Lahat kasi ng grumadweyt doon ay mayroong sinumpaan na habang-buhay na magbigay suporta sa kahit anumang larangan piliin ng tinatawag nilang Adelfos o brother. Usap-usapang ng marami na lalo pang yumayaman o nagiging tanyag sa larangang napiling tahakin ang sino mang alumnus ng St. George Academy.
Sa isang daang mag-aaral ng St. George, namumukod-tangi ang pitong magkakaibigan. Kinabibilangan ito ng dalawang magkapatid na sina Bjorn at Thorin Madsen, anak ng may-ari ng pinakamalaking shipbuilding company sa Scandinavia; ang magpinsang sina Hagen at Gael Ricci na kabilang naman sa angkan ng mga hotelier sa Europa; si Rolf Forsberg, natatanging tagapagmana ng multi-billion dollar car manufacturing firm sa Germany; Adriel Nordin, nag-iisang apo ng may-ari ng Nordin winery sa California na kilala sa paggawa ng mamahaling vino para sa mga royal families, at si Arkim Romano, ang natatanging Pinoy sa grupo na kadugo naman ng isa sa mga pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kilala ang pamilya Romano sa construction business at pamilya nila ang nagmamay-ari ng mga mayayamang exclusive villages sa buong kapuluan.
**********
Copyright © 2020 by Ms. G./Gretisbored
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.**********
A/N:
Savannah island does not exist, baka hanapin nyo. Sinabi ko pa namang malapit siya sa Gigantes. Hahaha!
BINABASA MO ANG
THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)
General FictionInspired by Chang'an Youth, a CDrama, Gokusen, and Mei-chan no Shitsuji. **********