CHAPTER ONE

3.2K 147 10
                                    

Si Antonina Karina Cabrera o Ka-Tonyang sa mga ka-tropang pulis ng Sampaloc, Maynila ay hindi isang karaniwang police woman. Sa unang tingin aakalain ng makakakita sa kanya na siya'y ubod ng hinhin at kalambotan dahil sa angking kagandahan na 'ika nga nila'y pang-beauty queen. Matangkad, maputi, balingkinitan ang pangangatawan, may mahabang tuwid na buhok, at mga matang tila'y sa isang anghel. Subalit isang minuto mo pa lang siyang nakakausap malalaman mo agad na iyon ang biggest scam na masasaksihan mo sa tanang buhay mo dahil si Ka-Tonyang ay malayung-malayo sa isang binibini. Masahol pa ito sa barako kung kumilos. Pati pag-upo sa silya ay maton na maton ang dating.

"Ka-Tonyang!" sigaw ng papasok na pulis sa istasyon ng Sampaloc. "Sarge, nandiyan na ba si Ka-Tonyang?" tanong nito sa nadaanang kasamahan.

"Bakit pre? Ano'ng meron?" Sumulyap sa bagong dating si Sarge habang nagkakape sa desk niya.

"Sarge, isinabit na naman ako ng bwisit kong motor. Ipapatingnan ko lang saglit kay Ka-Tonyang."

"O, heto'ng posporo. Baka mas kailangan mo iyan," sagot ng tinawag na Sarge sabay itsa ng posporo sa kasamahan. "Ang aga-aga'y gagambalain mo pa ang tao. Nandoon kay Hepe iyon ngayon. May bago na naman yatang misyon," dugtong pa nito habang nagsasawsaw ng maitim na pandesal sa kapeng malnourished.

Tinapon ng bagong dating na pulis ang natanggap na posporo sa mesa ng isa pa nilang kasamahan at tumayo sa labas ng pinto ng upisina ng Hepe nila. Mayamaya pa'y niluwa ng pintuan ang dalagang nakabusangot ang mukha. Aakalain mong hindi pinasuweldo ng kung ilang buwan.

"Ka-Tonyang! Hulog ka ng langit, beybi!" At nag-astang manliligaw pa ang bwisit na pulis. Pinagdaup nito ang palad at halos magdasal sa harapan ng dalaga.

"Tse! Tigil-tigilan mo ako, Corporal, huh? Baka magawa kitang corpse diyan kapag hindi ako nakapagpigil!" asik ni Tonyang dito.

"Ba't ang init agad ng ulo mo? Ang aga-aga pa naman."

"Paanong hindi iinit ang ulo ko? Gusto ni Hepe na sumali na naman ako sa bagong misyon para hulihin ang kung sino mang hinayupak na nag-iimprenta ng pekeng pera na kumakalat ngayon sa Pilipinas! May nakarating sa kanyang impormasyon na ang hide-out ng mga 'tangina ay nasa Visayas lang!"

Eksaheradong nagtakip kunwari ng dalawang tainga niya ang corporal para ipaalam kay Tonyang na sobra na namang siyang high-pitch kung magsalita. Lalong sumimangot ang dalaga sa lalaki.

"O, ano'ng pinagpuputok ng butse mo riyan? Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na gusto mong nasa field ka? Heto na ang pagkakataon mo! Baka pagbalik mo rito'y promoted ka na naman. Palitson ka pag naging kapitan ka na, ha? Iyong buo. Hindi lang ulo ng baboy!"

Kinutusan ito ni Tonyang dahil inokray pa ang handa niya noong na-promote siyang Lieutenant dalawang taon na ang nakararaan. And to think na pinaghirapan niyang mairaos iyon dahil sa na-promote nga siya noon at nadagdagan ang sweldo, naospital naman ng halos isang buwan ang Tatang niya.

Ang promosyon niyang iyon ay dahil sa matagumpay niyang napasok ang mga kuta ng mga rebelde sa katimogang bahagi ng Luzona at kalauna'y mapasuko ang mga ito. Kasama niya sa misyong iyon ang kung ilang sundalo. Actually, hindi naman sana kasama roon ang isang pulis. Special request lang siya ng nasa itaas dahil napag-alaman nilang expert siyang mag-detonate ng bomba at landmine.

"Hay! Bakit hindi na lang ikaw ang pumunta roon? 'Tangina!" asik uli ni Tonyang sa corporal.

"Nakakapanibago naman yata. Ngayon ka pa naging allergic sa misyon? Akala ko ba gusto mo ng tsalenj? 'Asan na ang matapang na Ka-Tonyang na nakilala ko, ha?" At pabiro pa nitong sinuntok-suntok sa braso ang dalaga. Tinulak ito ng huli. Sapul ang napadaan nilang hepe.

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon