CHAPTER TWELVE

1.3K 117 15
                                    

Napanganga si Tonyang habang pinagmamasdan ang pagmamadali ng kyojin na makalayo sa campus. Bawat hakbang nito'y nagpapayanig sa lupa. Sobrang laki kasi na kahit ang mga gusaling may dalawampong palapag ay taga baywang lang nito.

"Bakit siya nagmadaling lumayo?" tanong ni Tonyang sa katabi.

Napasulyap lang si Arkim sa kanya tapos ay napatingin uli sa halimaw na ngayo'y nakalabas na ng campus at kasalukuyang naglalakbay na sa karagatan patungo sa kung saan man ito naglulungga. Iilang hayop na lang ang natitirang hindi pa nakababalik sa gubat.

"Saan siya galing? At bakit ganoon ang hitsura niya?" tanong niya uli sa lalaki.

"No one knows. But legend has it that he used to be a very handsome prince. He was just cursed by Bathala for being so pompous and arrogant."

Napanganga si Tonyang. "Weh?" sagot niya agad dito.

"Weh?" tila naguguluhang tanong ni Arkim.

Nagulat naman si Tonyang na kahit ang ordinaryong ekspresyong iyon ay hindi alam ng estudyante.

"Ang ibig kong sabihin, kalokohan iyan. Sa panahon ngayon may ganyan pa? Ano ito? Fairy tale?"

"You saw it with your own eyes. What do you think? Saang mundo ka na ba ngayon?"

"Sa mundo ng Pilipinas!" nakangisi niyang sagot tapos nagseryoso nang hindi man lang ngumiti sa kanya si Arkim. Napatikhim siya para maibsan ang pagkaasiwa.

Ang tindi naman nito makatitig. Nanumbalik ang alaala ng halik na pinagsaluhan nilang dalawa kanina. Pinilig-pilig tuloy niya ang ulo para mawala iyon sa isipan. Hindi ba dapat nagagalit siya sa pangahas na ito? Pero bakit gano'n? She didn't feel violated. Ang pakiramdam pa niya may kinalaman iyon kung bakit umatras bigla ang kyojin.

"According to the legend, the kyojin abused his good looks and charm. Ginamit niya ang mga iyon para makapanloko ng babae. One day, he met a goddess of beauty that pretended to be just an ordinary girl. He got infatuated with the goddess. But just like the others before her, he treated her the same way. Nang magsawa ay basta na lang iniwan. Bathala got mad at him because the goddess was one of his precious creations. At first, he wanted him to die to pay for his sins. But the goddess had a better plan. Bathala agreed to it and so He took away the source of his pride and arrogance. He condemned him to an extraordinary ugliness for eternity unless---"

"ALL STUDENTS NEED TO COME TO THE GROUND FLOOR NOW. I REPEAT: ALL STUDENTS NEED TO COME TO THE GROUND FLOOR NOW. THE ELEVATORS ARE STOPPED AND CANNOT BE USED WHILE OUR TECHNICIANS ARE EXAMINING THEM. BE CAREFUL IN USING THE STAIRS. SOME OF THEM ARE HEAVILY DAMAGED AND MAY CRUMBLE ANY MOMENT. WALK ON THEM CAREFULLY."

Hindi na naituloy ni Arkim ang kuwento nito dahil sa narinig nilang announcement sa speaker ng gusali. Pinapababa silang lahat ng security personnel. Mayamaya pa nga'y may pumanhik para mag-guide sa kanila kung saan ang safe daanan.

Napanganga si Tonyang nang makita ang extent ng damage sa building. Halos basag pala lahat ng salamin nitong dingding. At ang sementadong ground sa buong campus ay nag-crack. Daig pang nagkaroon ng malakas na lindol.

"Where the hell have you been?" salubong agad ni Bjorn kay Arkim nang marating na nila ang ibaba. Magkasalubong ang mga kilay nito.

"Oh man. You made us worry," dugtong naman ng kapatid nitong si Thorin.

"Ms. Cabrera!" tawag naman kay Tonyang ni Gael Ricci. Kumaway pa ito sa kanya.

"Oh, hi there, Ms. Cabrera. Are you all right?" tanong naman ng pinsan nitong si Hagen. Nakita pa ni Tonyang na pasimpleng nagpalipat-lipat ng tingin ang huli sa kanilang dalawa ni Arkim.

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon