CHAPTER TWENTY-FIVE

1.5K 114 12
                                    

Napabalikwas sa kanyang higaan si Tonyang. Narinig niya ang boses ng dati niyang hepe. Tiningnan nga niya ang kanyang radyo kung galing iyon doon. Naka-off iyon. Maging ang body camera na sinusuot niya sa tuwing aalis sa silid na iyon ay hindi rin naka-on. Subalit, bakit parang ang linaw-linaw at ang lapit-lapit?

"Nagha-hallucinate lang ba ako?" tanong niya sa sarili.

Hindi na siya natulog pa. Nakiramdam siya sa paligid. Mayamaya pa'y may narinig siyang kalabog. Hudyat na iyon para tuluyan siyang bumangon at magbihis. All set na siya para harapin ang sino mang pangahas na pumasok sa kanyang bahay nang biglang may sumabog. Napadapa siya agad sa sahig at napahawak siya sa ulo bilang proteksiyon nang may nagtalsikang bubog ng kristal na mula sa bintana. Ibig sabihin, nasa malapit lang iyon. Ang kasunod no'n ay ang kung ilang yabag ng taong tumatakbo. Kinapkap niya ang baril sa baywang saka gumapang palabas ng kanyang pintuan. Babangon na lang sana siya nang may sumipa ng hawak niyang armas. Natapon ito sa bandang hagdanan. Tama nga ang sapantaha niya. Ang dati niyang hepe na kamukha na ngayon ni Josh Hartnett ang nanloob sa bahay niya! Buhay pa pala ang hinayupak!

"So this is where you stay," nakangisi nitong bati habang nagpapakawala ng isang malakas na sipa. Nailagan niya iyon. Siya naman ang nagpakawala ng isang flying kick. Natamaan ng slight ang hambog niyang hepe. Nagmuntik-muntikanang mabuwal ito, pero mabilis ding naka-recover. May hinugot ito sa kanyang tagiliran. Nang makita ni Tonyang ang sobrang talas na patalim, bigla siyang may naalala. Katulad niyon ang ginamit sa kanya ni Adriel noong isang araw.

"Ilang buhay ba mayroon ka, ha, Cabrera? Ang hirap mong matodas!" asik nito sa kanya. "But don't worry. This time, I promise you, you will see God in heaven."

Tumawa ito na parang nababaliw bago sumugod sa kanya. Mabilis niyang nailagan ang patalim, subalit sumubok na naman ito. Sa pangalawang pagkakataon, nahagip ng dulo ng kutsilyo ang kanyang balikat. Mabuti't medyo makapal ang suot niyang sweater. Ganunpaman, may pumuswit na dugo mula roon. Nasugatan siya!

Humalakhak ang kanyang hepe. Winasiwas na naman nito ang patalim at hahantingin na sana siya nang biglang may taling humuli sa patalim. Nilingon ni Tonyang kung sino ang cowboy na nagligtas sa kanya. Si Mr. Ferrer! Matalim ang tinging tinitigan nito ang kanyang hepe saka sinipa nang ubod-lakas. Nahulog ito sa hagdan. Nagpagulung-gulong pa. Kaso, pagdating sa ibaba, buhay pa rin! Punyemas! Imbes na lumaban sa kanila'y paika-ika itong tumakbo palabas.

"Are you all right, Ms. Cabrera?"

Tumango si Tonyang kahit na kumikirot ang kanyang balikat.

"I'll take you to the clinic."

Hindi na tumanggi ang dalaga. Sobrang hapdi kasi ng sugat niya. Parang nanumbalik ang nangyari sa kanya noong araw na tinulungan niya si Arkim sa harapan ng forbidden garden.

Hindi kaya ang Adriel na nagpakita sa amin doon ay iyong pesteng chiep ko?

"Do not worry about those guys. They are known mercenaries in this town. From time to time they come here in search of the hidden treasure that they always say was buried by the kyojin here. They used to stay away from our buildings. However, recently, they were emboldened. I do not know why. I also noticed, they seemed to be familiar with the in and out of this cottage," pahayag pa ni Mr. Ferrer.

Alam ni Tonyang na wala iyong pakahulugang iba, pero feeling niya para siya ang pinatatamaaan. Kung bakit naman kasi, nakuwento niya lahat ang bawat sulok ng bahay na iyon sa dati niyang hepe. Idagdag pa ang mga impormasyong naibahagi niya rin dito tungkol sa pasikot-sikot sa St. George's Academy.

Tumikhim si Tonyang sabay turo sa kanyang balikat. Napangiwi pa siya kunwari para ipahiwatig ditong sobrang sakit na ng nararamdaman niya.

"Oh, I'm sorry, Ms. Cabrera. C'mon, follow me."

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon