CHAPTER EIGHTEEN

1.2K 141 19
                                    

Nagising si Tonyang sa naamoy niyang pamilyar na scent. Kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata, napaubo siya't napaduwal. Puro tubig ang lumabas sa kanyang bunganga. Nakita niya si Arkim na nakaluhod na ngayon sa harapan niya. Basa ang mukha nito at may tumutulo pang tubig mula sa crew cut nitong buhok. Ang pantalon niyang maong saka ang suot na dirty white hoodie ay tila binabad sa tubig. He was dripping wet.

"Ms. Cabrera! Thank God!" At nayakap siya agad ni Arkim. "I thought I lost you! I was so scared!" ang dugtong pa nito. He sounded so out of breath.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya rito sabay pilig-pilig sa ulo para matanggal ang tubig sa tainga.

"Tinangay ka ng current. I almost lost you. Buti na lang at nahabol pa kita."

Napaupo bigla si Tonyang nang maalala kung bakit sila naroroon. Ang mga ginto't perlas sa kabibe! Sinipat niya ang mukha ni Arkim. Humukot ang mga balikat nito.

"I lost them," malungkot nitong sabi. Nahulaan ang katanungan sa kanyang isipan. He looked like he was about to cry. Gumalaw-galaw ang kanyang Adam's apple sa pagpipigil sa emosyong kumawala.

"Ano ang ibig mong sabihin?" medyo natatakot na tanong niya sa binata. Hindi nila kasi puwedeng iwala ang mga iyon. Or else. Kinilabutan siya sa naisip.

"No'ng bigla kang tangayin ng malakas na daloy ng tubig, hinabol kita. Nabitawan ko ang kabibe kung kaya kasamang natangay ng agos ang mga ginto't perlas," malungkot nitong sabi.

Kasabay ng pag-amin nitong naiwala ang pinapabaon sa kanyang kayamanan ay gumalaw ang lupa. Noong una'y bahagya lamang iyon. Subalit makaraan ang ilang segundo'y tumindi ang pag-alog niyon. Pinilit siyang itayo ni Arkim kahit na hirap itong ibalanse ang sarili. Sinabihan siya nitong dapat na silang tumakbo sa itaas na bahagi ng bundok. Ang alps na tanaw-tanaw lamang kanina ay kaharap na niya. Paglingon niya naman sa kabilang ibayo, ang luntiang burol at iyong nag-iisang wooden house doon ay dahan-dahang nilalamon ng lupa. Napanganga siya sa nasaksihan.

"Ms. Cabrera, let's go! We cannot stop or else we will be drowned by the raging waves."

Pagtingin niya sa lawa nanlaki ang kanyang mga mata. Ang kanina'y payapa at mukhang harmless na ilog ay biglang nagngangalit. Daig pa nito ang karagatan sa tuwing may malakas na bagyo. At kitang-kita niya kung paano ang malilit na ripples ng tubig ay dahan-dahan naging dambuhala at mukhang sila ang pinupuntirya.

Mabilis siyang napatakbo papunta kay Arkim ngunit nadulas siya. Buti na lamang at maagap ang binata. Nahawakan nito ang hood ng kanyang sweater at hinila siya nito pataas. Ang alon ay halos ilang metro na lang ang layo sa kanila. Nang humampas ito sa lupa'y nakatakbo na sila sa itaas na bahagi ng bundok. Pero kasabay ng paghampas ng tubig sa alps, mabilis na nalusaw ang namuong yelo roon at tila talon itong bumuhos sa kanila ni Arkim. Saglit silang natigilan. Saka lang sila dali-daling bumaba nang may matanaw na isang malaking tipak ng yelo na natanggal sa pinakatuktok ng bundok at ngayo'y pabagsak sa kinaroroonan nila. Naging slow motion ang galaw no'n na para bagang ninanamnam ang takot na nararamdaman nilang dalawa.

"Bumaba tayo!" sigaw ni Tonyang sa binata.

Hindi na hinintay ng dalagang sumagot ito. Basta na lang niya itong hinila pababa. At nakita niyang namuo na naman ang isang malaking alon at tila raragasa na naman sa kanila ni Arkim.

"Can you swim, Ms. Cabrera?" tanong ni Arkim sa kanya.

Bago siya makasagot may isang kumikinang na bagay na bigla na lang pumuslit sa higanteng alon at umikot-ikot ito sa ere. Napatakip sila ng kanya-kanyang braso sa mga mata. Dahil wala na silang kawala sa pabagsak na tipak ng malaking yelo na halos kasing laki ng bahay at sa dambuhalang alon, napayakap na lamang sila sa isa't isa. Nang bahagyang idilat ni Tonyang ang mga mata sa direksiyon ng umiikot na liwanag nakita niya na isa pala iyong gintong espada. Sa hawakan nito ay may nakapaikot na maliliit na kulay rosas na perlas. Napanganga siya sa nasaksihan. Tingin niya nakita rin ito ni Arkim dahil pareho sila ng naging reaksiyon doon. As if na-mesmerize din ang alon at iyong natibag na yelo dahil bigla na lamang na natigil ang mga ito sa paggalaw. Tanging espada lamang ang umiikit ngayon at sila ang pinupuntirya. Huli na para makatakbo pa't umiwas kung kaya inikot ni Tonyang ang binata para iiwas ito sa sandata. Hindi na baleng siya ang tamaan nito. Total naman siya ang may kasalanan. Tinanggap-tanggap pa kasi niya iyong mga ginto't perlas. Pero sadya yatang magkarugtong ang utak nila ni Arkim. Pareho sila ng iniisip kung kaya naghilahan lang sila pareho. Each one of them dared to save the other.

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon