CHAPTER THIRTY-EIGHT

499 50 9
                                    

It's just not right, naisip ni Nina. Ilang beses na niyang sinabihan ang sarili na kamakailan lang niya nakilala si Archimedes at mukhang chick boy pa. Sa gandang lalaki n'yon, imposibleng hindi iyon taken. Baka nga hindi lang iisa ang girlfriend o fiancee no'n. Gayunman, kahit ilang beses niyang pinapatabang ang imahe ng lalaki sa kanyang isipan parang tukso namang lalo siyang naiintriga rito. It has not happened to her before with any guys she've met. Heto nga at pumayag pa siyang makipagkita ritong muli.

Whew! You're one crazy lady, Nina!

"Hey! Over here!" At kumaway si Archimedes sa kanya mula sa kinaroroonan nito sa dalampasigan ng Isla Savannah. He was only wearing black shorts and a Hawaiian floral short-sleeved polo.

Naalala agad ni Nina si Mayor Atienza sa get up ni Arkim. Pero aminado rin siya na iba ang dating ng binata. He looked more like Gabriel Aubry, the Canadian supermodel sa kasagsagan ng career nito bilang modelo.

Nina controlled her sudden desire to show her legs to attract his attention. Nakasuot kasi siya ng lampas tuhod na light pink sundress. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang sumagi sa kanyang isipan na dapat ay makita siya nitong very attractive kagaya ng tingin niya rito ngayon.

"Thank you for agreeing to see me again though you are busy."

"Naisip ko nga sanang h'wag na lang. But then again, your story's interesting. Baka nga may kinalaman ang kuwento mo sa nangyari rin sa akin."

Nina couldn't help but notice how she wanted to really impress him. Naiintriga na talaga siya sa nangyayari sa kanya. She was never this desperate to get a man's attention. Nakakapagtaka. Oo't gwapo siya. Katunayan, tingin niya'y mas may dating ito kaysa mga nagguguwapuhang male models and actors ng Philippine show business. Maihahanay pa nga sa nagpopogihang Hollywood celebrities. Pero sanay na siya sa mga magagandang lalaki dahil sa nature ng trabaho niya sa corporate world. Araw-araw nga ay may nakakasalubong siyang makalaglag-panties na lalaki.

Nawala ang ngiti sa labi ni Arkim at napatitig ito sa dalaga. Napansin agad ni Nina na tinitigan siya nito nang matiim tapos humarap sa dagat. Then, looked at her again.

"May nararamdaman ka rin ba rito?" bigla na lang ay tanong nito.

Kaharap nila ang dalampasigan na nasa labas lang daw ng eskwelahan na kung tawagin ng mga taga-isla ay SGA, short for St. George's Academy.

Pinangunutan ng noo si Nina sabay iling. How she wanted to say yes to make him more interested in her, pero wala siyang nararamdaman sa lugar na iyon. Para lamang iyong normal na dalampasigan sa kanya.

Tila disappointed si Arkim sa naging kasagutan niya. He let out a heavy sigh.

"Kada gabi when I come here for a walk, lagi akong may naririnig na tila iyak ng babae. Eh wala namang babae malapit dito. Ikaw pa nga lang ang napunta sa lugar na ito. Actually---," And he looked around him. Tila may hinahanap. Then, he hurriedly grabbed her hand and told her to run with him somewhere. May paparating daw.

"Women are not allowed to come near here unless you work for the school. Pero wala kaming professor o staff na babae ngayon. In fact, I was told we never had one in more than half a century now. The last one kasi created havoc in campus daw. May nangyari raw. Somehow, she made some monster come out."

"What? Monster? That's insane!"

Napalingon si Nina sa tunog ng parang tumatakbong kabayo. Papalapit ito. And then she saw someone familiar! Actually, not just one but two!

**********

Napakisap-mata si Arkim pagkakita sa dalawang hindi kilalang nilalang na sakay ng kani-kanilang kabayo. For a horse enthusiast like him, nabatid niya agad na hindi ordinaryong lahi ang dalawang hayop. One looks like Buhawi. Magkakulay din sila. Ganoon din ka itim. Ang isa nama'y kulay puti. Sa pagkakatanda niya walang ganoong kabayo ang mga schoolmates niya.

THE GEORGIAN KNIGHT: ARKIM ROMANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon