"ELIZA, bilisan mo!" sabay naming sigaw ng kaibigan kong si Maddy. Kanina pa kasi kami rito naghihintay sa labas ng bahay nina Eliza. Siya ang may sabing ganitong oras pero siya pala itong hindi pa prepared.
Balak naming maglakad-lakad sa kabilang subdivision, doon rin kasi nakatira ang crush ni Maddy.
"Mabuti naman at lumabas ka na." Naka-peace sign itong naglalakad palabas ng kanilang gate. Nang makalabas ay nagsimula na kaming maglakad-lakad.
5th grade pa lang ay magkakaibigan na kaming tatlo. Magkakalapit lang din ang mga bahay namin kaya madaling gumawa ng kalokohan. Tamang takas sa tuwing naiisipang mag-gala.
"May bagong lipat, Girls," ani Eliza kaya nagkatinginan kaming tatlo sabay pakawala ng malokong ngiti. Masaya 'to!
Si Eliza ang pinaka-maliit sa aming tatlo pero maloko. Iyong pabilog niyang mukha ang nagiging dahilan para maging adorable ito.
Dahil nga pabilog ay gustong-gusto naming kinukurot ang kaniyang pisnge.Ako at si Maddy ay hindi nagkakalayo ang taas. Parehas din kami na mayroong brown wavy hair. Ang pagkakaiba lang ay matangos ang ilong ko at sa kaniya naman ay hindi pinagpala.
Ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa subdivision. Sumalubong sa amin ang napakatahimik na lugar.
Walang tao na naglalakad sa tabing kalsada, wala ring mga bata na nagtatakbuhan hindi kagaya sa amin na may nagbabatuhan pa ng mga plato sa tuwing may nag-aaway na mag-asawa. Hindi ko na tuloy alam kung subdivision pa ba ang tinitirahan namin.
Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad hanggang sa mahinto na lang kami sa tapat ng isang bahay. Kulay puti ang gate na halatang bagong pintura lang.
"Doon, oh." Napalingon ako sa tinuro ni Eliza sabay kamot sa ulo. Akala ko iyong tinititigan kong bahay ang may bagong lipat.
Hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ay nakikita ang light blue na bahay.
Sumunod ako sa dalawa ng maglakad sila palapit sa gate. Ngunit napahinto ako ng maagaw ng atensyon ko ang bintana sa second floor. Wala akong makita lalo pa't nakasarado ito at may takip na kurtina
Weird.
Napailing na lamang ako at lumapit na sa dalawa. Tuwing sabado o sa tuwing maglalakad-lakad kami rito ay nantritrip kami ng bahay, pinipindot namin ang doorbell at hihintaying lumabas ang may-ari ng bahay bago kakaripas nang takbo.
"Ako muna," sabi ni Eliza sabay lapat ng daliri sa doorbell, ilang beses niya itong pinindot na halos ikasira na ata nito.
"Sino 'yan?" Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang malamig na boses. Dumapo ang tingin ko sa intercom na nasa dingding na katabi ng gate, doon nanggaling ang boses.
Hanggang ngayon ay pinipindot pa rin nina Eliza at Maddy ang doorbell, ngunit wala kaming naririnig na pagbukas ng pinto.
"Huwag niyong sirain ang doorbell." Napalunok ako sabay iling. Mabilis din ang kabog nang aking puso, kinakabahan.
"Antheia, tara na nga. Ayaw naman lumabas ng tao." Bumalik ako sa ulirat ng tapikin ni Maddy ang aking balikat. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso at namamawis ang dalawang kamay.
Umalis kami sa harapan ng bahay at naglakad na pero itong makulit kong mata ay hindi napigilan lumingon ulit sa bintana.
Sumingkit ang mga mata ko upang masigurong tama ang nakikita.
Hindi ko maaninag kung anong itsura ngunit sigurado akong may nakasilip na tao.
"Antheia, ayos ka lang?" tanong ni Maddy ng pamansing natigil ako sa paglalakad. Kumamot ako sa aking pisnge sabay tango.
Tinanong ko sa kanila kung narinig ba nila ang boses sa intercom at sabi nila ay oo. Ang weird lang kasi talaga, kinabahan ako kanina.
"Let's go na nga, I'm sure ay nasa labas na ang crush ko. Kailangan kong makita ang mukha niya para naman ganahan ako." Napatawa kami sa tinuran ni Maddy at nagsimula na ulit maglakad.
*****
"ANTHEIA, Antheia, Antheia. Ala una na hindi ka pa rin tulog," pagkakausap ko sa aking sarili habang nakatitig sa kisameng punong-puno ng sticker.
Sa pangalawang pagkakataon ay nasubukan ko na namang magpuyat. Noong 6th grade kasi ako ay nasubukan kong magpuyat para tapusin ang proyekto, alas dos na ako no'n nakatulog kaya kinabukasan ay sumakit ang aking dibdib. Mabigat ang aking mga paghinga na para bang kagagaling lang sa pagtakbo.
Hindi ko iyon sinabi sa aking mga magulang ngunit hindi ko na rin sinubukang ulitin ang pagpupuyat para hindi na maulit, ngunit ngayon.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang boses na narinig ko sa intercom. Kung tutusin ay hindi na bago sa akin ang makarinig ng boses na galing sa intercom lalo pa at hindi na mabilang sa daliri ng kamay at paa ang pangtritrip na ginawa naming tatlo. Sadyang iba lang talaga ang nararamdaman ko sa boses na iyon.
Inabot na ako ng alas tres sa kaiisip. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko pero ramdam ko ang buhol buhol na pakiramdam sa aking dibdib. Hindi ako mapakali.
Bukas. . . Babalik ako sa bahay na iyon para naman manahimik na ang naguguluhan kong isip.
Sigaw ni Mommy ang naging dahilan para ako ay magmulat ng mata. Tinignan ko ang alarm clock sa aking tabi. 8:00 am. Ibigsabihin ay apat na oras pa lang ang aking tulog.
Tamad na tamad akong tumayo saka lumapit sa salamin at tinitigan ang sarili. Tinalo ko pa ang isang buwang hindi nakatulog, maitim ang ilalim ng mga mata, halatang-halata na nagpuyat.
Sinuklay ko ang aking buhok na maihahalintulad sa alambre. Pagkatapos ay nagtungo sa CR upang magsipilyo't maghilamos.
"Antheia, nasa baba sina Eliza at Maddy." Ano na naman kayang naisip ng dalawang 'yon? Lumabas ako ng kuwarto at sumunod kay Mommy na pababa nang hagdan. Pagkababa ay dumiretso ako sala at doon ay nakita ang dalawang kaibigan na nakaupo sa sofa habang kumakain ng strawberry cake. Hindi na rin sila iba sa pamilya ko.
"Mall tayo." Umupo muna ako sa tabi ni Eliza bago umiling. Gulat silang napatingin sa akin, first time ko kasing umayaw sa gala. May gusto akong puntahan at hindi ko puwedeng ipagpabukas 'yon.
"Himala," natatawang sabi ni Maddy.
Sabi ko na lang ay silang dalawa na lang muna, hindi ko na sinabi pa ang dahilan. Ilang minuto pa silang nanatili rito sa bahay bago umalis, inubos muna kasi ang kinakain.
Ako naman ay kumain muna bago bumalik sa kuwarto.
Sinuot ko ang bagong bili na black biker shorts, pinernohan ng cream color oversized shirts at simpleng kulay itim na tsinelas ang pang-ibaba.
Naabutan ko si Mommy na kalalabas lang galing sa kusina, sa kaniya ako nagpa-alam bago lumabas ng bahay.
Nakabike akong nagtungo sa kabilang subdivision. Kagaya kahapon ay walang nagbago, maaliwalas ang hangin ngunit tahimik ang paligid.
Nang makarating sa tapat ay isinandal ko ang bike at bahagyang umatras upang masilip ang bintana. Nakasarado ang mga ito ngunit nakikita ko ang liwanag sa loob. Nilingon ko ang intercom saka iyon nilapitan.
Tama ba talaga ang desisyon kong bumalik dito?
Umiling-iling ako na parang nababaliw. Mali. Mali. Mali.
I need to go back, bakit ba ako naririto? Anong gagawin ko rito?
Tinalikuran ko ang intercom at lumapit sa bike, hahawakan ko na sana ito nang biglang may nagsalita.
"What are you doing there, Lady?"
•••••
03-17-2021
BINABASA MO ANG
Between The Intercom
Short Story"Hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na." ***** Noong una ay paghingi lamang ng tawad ang dahilan ng kaniyang pagbalik. Subalit mapaglaro ang t...