Isa't kalahating buwan na kaming nag-uusap ni Nathaniel sa intercom. Sa loob ng mga araw na iyon ay ni-minsan ay hindi ko pa nakita ang kaniya mukha, ni-sulyap ay hindi ko magawa.
Alam kong may mali. Ramdam kong may mas mabigat pang dahilan kung bakit ayaw niyang lumabas subalit kung ano man iyon ay hindi ko alam.
Tuwing tatanungin ko ay ang sagot niya'y tinatamad ako, may ginagawa ako, at iba't iba pang palusot para lang hindi ko na siya pilitin.
Nakatatampo. . . minsan nga'y tinatanong ko sa aking sarili kung bakit ako nananatili sa ganitong set-up.
Kung gugustuhin kong huwag ng pumunta ay magagawa ko pero may pumipigil sa aking kalooban.
"Hey, are you alright? I keep asking you kung kumain ka na ba? but you're not kumikibo." Pilit akong tumawa at sinagot ang kaniyang tanong.
"You're being conyo again, Nath," natatawa kong saad kaya naman pati siya ay natawa. Minsan daw ay hindi niya talaga maiwasang paghaluin ang tagalog word at english words.
Nai-kuwento niya sa aking noong 3 years old to 10 years old niya ay sa America siya nag-aral kaya naman hindi na rin maiwasang maghalo-halo ang tagalog at english.
"How's your day?" I asked bago umupo sa semento. Nakinig lang ako habang siya ay nagkwekwento. Imbes na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya dahil 'di ko man nakikita ay alam kong masaya siya, ramdam ko.
Kagaya ng mga nakalipas na linggo. Bibisita ako sa kanila ng alas-syete nang umaga at uuwi bago mag-tanghalian o minsan naman ay hapon ako pumupunta.
Umuwi ako ng bahay na bagsak na bagsak ang balikat. Naabutan ko si Kuya na nanonood ng TV.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kuya. Bumuntong-hininga ako at pabagsak na umupo sa sofa, I faced Kuya with a serious face. Nilingon naman ako nito habang nakakunot ang noo.
"What's with that face? Problema mo?" Tama bang tanungin ko ito?
Wait, mali ang tanong ko dapat ay tama bang kay Kuya ko ito itanong knowing him?
Well, its now or never. Siguro naman ay kahit ngayong oras lang ay magawa niyang magbigay ng sagot na seryoso't walang halong biro.
"Kuya, I'll ask you something but promised me sasagutin mo ito ng maayos?" Sandali ako nitong tinitigan na para bang kinakalkula ang buo kong pagmumukha bago tumango.
"Na-inlove ka na ba?"
*****
"Good afternoon, Antheia." Binati ko rin siya bago umupo sa lagi kong pwinepwestuhang semento. Mabuti na lang talaga't hindi ito nadadapuan ng init dahil sa halamang nasa likuran kundi ay sobrang ngalay ang mararamdam ko habang nakikipag-usap sa kaniya. Bawal pa naman umupo kung mainit ang semento.
"Nathaniel, can you sing?" Sandaling katahimikan ang nabalot sa aming dalawa. Balak ko na sanang bawian ang aking tanong ng bigla kong marinig ang pag-strum na sigurado akong nanggagaling sa gitara.
Napahawak ako sa aking dibdib. Normal lang ang tibok niyon. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hindi naman ako kinikilig.
I love you 'til the last of snow disappears
Dahil do'n ay napatayo ako at tinignan ang bintana. Ramdam ko ang paninigas ng aking katawan nang makita siyang nakatayo sa likod ng kurtinang puti.
Nathaniel. . .
Why are you doing this to me?
Gabi-gabi ay ikaw ang laman ng isip ko. Tuwing titingin ako sa salamin ay ini-imagine kong kasama kita; blurd nga lang ang mukha. Isa pa sa malupit ay inutusan na ako nga ako ni Kuya na maghugas ng mga plato ay nakangiti pa ako.
BINABASA MO ANG
Between The Intercom
Short Story"Hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na." ***** Noong una ay paghingi lamang ng tawad ang dahilan ng kaniyang pagbalik. Subalit mapaglaro ang t...