"Paalam!" pagpapalam ko kina Yenna at tiya bago pumasok sa van. Nakalulungkot dahil kailangan na naming umuwi but at the same time ay masaya rin dahil makikita ko na ulit si Nathaniel. Tatlong araw lang kaming hindi nagkita pero pakiramdam ko ay mahigit ilang taon 'yon.
Miss na miss ko na siya.
Natulog lang ako buong byahe, ayokong makigulo kina kuya at mommy.
Naubos ang energy ko dahil umakyat kami ng bundok kahapon, ta's noong isang araw ay nagbeach kami. Masayang nakapapagod.
Tatlong araw lang pero ang dami naming nagawa.
Nagising ako dahil sa biglaang preno na ginawa ni Papa. Mahinang tumama ang aking ulo sa salaming nasa gilid kaya napatingin ako sa labas, itim na pusa ang aking nakita. Biglang nanindig ang aking balahibo sapagkat alam kong nakatitig ito sa akin. Umiling na lamang ako at mayamaya lang ay tumakbo na palayo ang pusa.
Muling pinaandar ni papa ang van, sabi niya ay may muntikan daw siyang masagasaang pusa kaya naman prumeno ito. Umiling ako nang umiling, malas daw kapag nakakita ka nang itim na pusa. Weird. Bakit nakatingin sa akin ang pusa?
Buong byahe ay tahimik ako, hindi na rin ako nakatulog dahil sa kung ano-anu ang aking naiisip.
Nagulat na lang ako nang nasa tapat na kami ng bahay. Lumabas ako ng van sabay inat ng katawan. Nilingon ko ang daan patungo sa subdivision nina Nathaniel. Mamaya ay pupunta ako.
Kinuha ko sa loob ng sasakyan ang aking bag saka sumunod kina papa. Pagpasok ng bahay ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto. Thirty minutes muna akong nagpahinga bago naligo.
Pagkatapos maligo ay sinuot ko ang binili naming t-shirt sa probinsya. Khaki color na tokong pants naman ang suot ko pambaba.
Naabutan kong kumakain si kuya ng candy na binili namin. Marami ang binili namin dahil sa mura lang ay masarap pa. Iyon talaga ang isa sa mga gusto ko tuwing uuwi sa probinsiya, ang candy na iyon.
Kumuha ako ng isang jar. Balak ko itong ibigay kay Nathaniel.
Nagpaalam muna ako kina Mommy na aalis ako. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa garahe, iyong bisikleta ulit ang aking gagamitin.
Nakita kong lumabas si Eliza sa kanilang bahay. Nang mapadapo ang tingin sa akin ay kumaway ito saka naglakad patungo rito.
"Oy, pasalubong ko?" tanong niya ng makalapit sa akin. Tinuro kong pumasok na lang siya sa bahay at sina mommy na ang magbibigay.
"Saan ka ba pupunta?" Tinuro ko ang daan papuntang kabilang subdivision. Nawala ang kaninang may ngiti niyang mukha saka nag-iwas ng tingin.
"Huwag ka ng pumunta. Samahan mo muna ako sa mall, bibili akong bagong bag." Naguguluhan ko siyang tinignan bago tumango.
"Sige, sasamahan kita pero mamaya na kapag nakapunta na ako kina Nath. Ibibigay ko sa kaniya itong candy. Okay?" Ipinakita ko sa kaniya ang dalang jar ng candy. Hindi ko na hinintay na siya ay sumagot bagkus ay nagsimula na akong mag-pedal. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan pero hindi na ako lumingon o tumigil sa pag-pedal.
Nang makarating sa tapat bahay ay nagtaka ako ng makitang nakabukas ang kanilang gate. Anong meron dito? May party ba?
May pailan-ilang tao ang naglalakad sa bakuran. Lumapit ako upang makita pa ng maayos, pati ang pinto nila ay nakabukas din.
"Nath!" sigaw ko sa intercom ngunit walang sumagot.
"Nathaniel!" Tinignan ko ang bintana ng kuwarto niya, nakabukas iyon. Nakikita ko galing dito ang kulay light blue niyang dingding.
Napatingin ako sa taong naglalakad palabas ng pinto. Nakasuot ito ng itim na jeans at puting t-shirt.
Ikinagulat ko ang bigla niyang pagyakap ng siya ay makalapit sa aking kinatatayuan. Gulat pa rin ako kahit pa ilang segundo na ang nakalilipas ng humiwalay siya sa akin.
"Si Nath po?" tanong ko ng maalala ang ipinunta. Hindi ako nito sinagot ngunit hinila niya ako papasok ng kanilang bahay.
Ramdam ko ang kabang bumabalot sa buo kong sistema lalo nang malapit na kami sa tapat ng pinto.
May mga taong napalingon sa akin nang tuluyan ng makapasok. Nanginginig ang dalawa kong kamay, parang hinahabol ng kabayo ang pintig ng aking puso at ayoko ng pakiramdam na ito. May mali.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang nangyayari. Alam ko ang nagaganap, hindi ko lang tinatanggap. I can't.
Binitiwan ni Tita ang pagkakahawak sa akin ng nasa tapat na kami ng isang pinto.
"Tita, I just want to see Nathaniel." Nilingon ako nito at malungkot na nginitian.
Ang daming pumasok sa aking utak ng makita ang ngiting iyon. It can't be! Mali, no, mali ang iniisip ko.
"He's here, Iha. Naghihintay siya sa 'yo sa loob." Hinawakan niya ang doorknob at pinihit ito upang mabuksan ang pinto.
Mabilis kong inayos ang sarili para magmukhang presentable kapag nagkita kaming dalawa. Ang panget naman kung mukha akong ewan sa unang pagkikita namin.
Tuluyan ng bumukas ang pinto. Larawan niya agad ang unang dinapuan ng aking paningin. Ang guwapo niya sa ngiting iyon.
Itim na itim ang buhok niya. Ang gupit niya ay katulad sa mga buhok ng mga leading man sa korean movie or series.
Nakangiti kong tinignan ang larawan ngunit ang luha ay ramdam kong tumutulo na sa pisnge.
Dapat ay masaya ako. Nandito na siya, kaharap ko na!
"Hey, N-Nathaniel." Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan ng sabihin ko ang kaniyang pangalan.
Ayokong alisin ang paningin sa larawang nasa harapan ngunit kahit pa tutok sa larawan ay nakikita ko sa gilid ng mata ang puting parihaba.
No, don't look, Antheia.
Hindi ko na napigilan pa at tuluyan iyong nilingon habang naglalakad palapit do'n.
Pakiramdam ko ay nauubos ang lakas ko habang lumalapit sa kaniya.
Bago sumilip ay huminga ako ng malalim. Kaya mo 'to, Antheia.
"Bakit naman sa ganitong paraan kita makikita, Nathaniel?"
Napatakip ako sa aking bibig, hindi na napigilang umiyak.
"B-Bakit sa ganitong paraan ko makikita ang iyong mukha?"
"Bakit sa paraang nakahiga't nakapikit ka na? Nath, bakit mo ako. . .iniwan?" Napaupo ako sa sahig at hinayaan ang sariling humagulgol. Hawak-hawak ko pa rin ang candy na balak ko sanang ibigay sa kaniya pero paano?
Paano ko ito ibibigay kung wala na siya?
Tatlong araw lang akong nawala tapos ganito na agad? Hindi ganito ang inaasahan kong aabutan pagbalik.
Nath, why?
"Iha." Nakaupo pa rin ako nang lingunin ko si Tita. May hawak-hawak siyang portfolio.
"Nath's love you, Antheia. He tried to fight againts his illness pero. . ." Nilingon niya ang kabaong na kinaroroonan ni Nath. Gano'n din ang aking ginawa na muling nagpaluha sa akin. Masakit!
"Ipinabibigay ito ng aking anak," aniya sabay abot ng hawak-hawak na portfolio. Tinignan ko ang cover na kung saan pangalan ko ang nakasulat.
Antheia (Antonina) Perez.
•••••
03-23-2021NEXT IS THE EPILOGUE
Salamat sa mga umabot dito! Salamat sa inyo, Iloveyou.
BINABASA MO ANG
Between The Intercom
Short Story"Hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na." ***** Noong una ay paghingi lamang ng tawad ang dahilan ng kaniyang pagbalik. Subalit mapaglaro ang t...