CHAPTER 2

161 52 96
                                    

"What are you doing there, lady?" Kagaya kahapon ay nanigas ako sa aking kinatatayuan, mabilis din ang kabog ng aking puso na para bang may humahabol dito.

Hindi ko pa rin nililingon ang intercom o ni-alisin ang paningin sa bike ay hindi ko magawa. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Ano bang ikinahihiya mo, Antheia? Go, harapin mo ang pinasukan mong kalokohan.

Huminga ako nang malalim saka hinarap ang intercom. May pinindot ako ro'n upang marinig ng taong nasa kabila ang aking sasabihin.

"Uhm, hmm. Yah." Napasapo ako sa aking noo at parang ewan na tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Ano bang nangyayari sa akin?

"So, is there something you want to discuss?" Bahagya akong umatras at sinilip ang bintana, nakasarado pa rin ito.

"Anong sinisilip mo riyan?" Napapahiya akong ngumiti, lumapit na lang ako sa intercom.

Kung nakita niya akong nakasilip, ibigsabihin ay nakatingin siya rito sa labas at nakikita ng taong iyon ang pinaggagagawa ko.

Should I say sorry dahil sa ginawa naming magkakaibigan kahapon?

"Lady——"

"Don't call me Lady, its too formal. Just call me Antheia," pagputol ko sa balak nitong sabihin. I heard his okay kaya napangiti ako.

"Kahapon nga pala. Pasensya na kung doorbell niyo ang napagtripan namin." Napakamot ako sa aking kilay ng walang marinig na sagot. Galit pa rin ata.

"Oy, sorry na. Nasira ba namin 'yong doorbell niyo? Hindi na ba natunog?" tanong ko sabay pindot sa doorbell. Nagulat ako ng marinig ang tunog nito.

"Hala, sorry. . .Oy, sumagot ka naman." Natigilan ako ng marinig ang pag-ubo sa kabilang linya at ilang segundo lang ay narinig ko ang isang bagay na nabasag.

"Oy, ayos ka lang? Anong nangyayari?" Ilan pang ubo ang narinig ko bago ulit siya magsalita.

"Yah, I'm okay. Nasamid lang dahil sa kinakain. And, about what happened yesterday, ayos na 'yon." Napangiti ako dahil sa aking narinig. Siguro naman ay matatahimik na ako, siguro naman ay patutulugin na ako ng aking isip.

"Oh, by the way. What's your name?" I asked at muling sinilip ang bintana, may nakikita ako roong tao. Naaninag kong nakatayo siya at nakatingin dito.

"Nathaniel, but you can call me Nath."

Kinagabihan ay maaga akong nakatulog. Siguro nga ay kinailangan ko lang talagang humingi ng pasensya lalo pa't bagong lipat sila tapos ganoon agad ang mangyayari.

Ala-sais ako nagising, mas maaga sa normal kong oras ng pagtayo. Nagulat pa nga si Kuya ng makita akong bumababa ng hagdan.

"Oh, Antheia'ng panget. Maaga ka ata?" Inirapan ko lang siya at nilampasan. Dumiretso ako sa kusina upang magluto ng itlog, hotdog, tocino at sinangag para sa umagahan namin.

Once in a blue moon ko lang ginagawa ang pagluluto ng aming umagahan dahil na rin sa oras ng aking paggising. Kung hihintayin pa nila ako ay baka maging pananghalian na ang dapat na umagahan.

Between The IntercomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon