Tuwing umaga ay pumupunta ako sa bahay nina Nathaniel. Hindi dahil ito ang kaniyang hiling kundi ginugusto ko rin.
Isang linggo na rin ang nakalilipas noong una kong marinig ang kaniyang boses.
Isang linggo. . . ngunit hindi ko pa rin nakikita ang kaniyang mukha.
Wala namang problema sa akin kung ayaw niya talagang lumabas pero syempre gusto ko rin siyang makausap ng personalan hindi lang sa intercom.
"Labas ka na kasi," pamimilit ko pero isang tawa lang ang kaniyang isinagot. Bukod sa tinatamad daw siyang lumabas ay nahihiya rin. Gusto niya raw kapag nagkita kami ay iyong maayos siya.
Nasabi rin niya sa aking mommy niya lang ang kaniyang kasama. Iyong daddy niya nandoon sa unang asawa. Pangalawa lang sila sa madaling salita pero wala naman daw siyang hinanakit. Siguro noong una raw ay nagalit siya ngunit sa huli'y naunawaan din.
Magkasundo sila ng Daddy niya dahil minsan-minsan ay bumibisita raw ito.
"Ba't kayo lumipat?" tanong ko saka sumipsip sa dala-dalang chocolate drink.
"Its kinda weird pero ang dahilan ay nagsasawa na raw si Mommy sa mga mukha ng kapitbahay namin. Gusto niya raw ng bagong kachismisan." Natawa ako sa narinig na dahilan. Napaka-weird naman kasi talaga.
"Asan si Tita?" I asked ng dumapo ang tingin sa loob ng kanilang garden, hindi kalayuan sa garden ay nandoon ang garahe. Wala ro'n ang kotse nila.
"Namili ata ng. . . supplies?" Bakas sa boses niyang hindi siya sure sa kaniyang isinagot.
Isang beses ko pa lang nakita ang mommy ni Nathaniel. Hindi ito katangkaran ngunit maputi, shoulder length ang brown na buhok. Hindi mo agad mahahalatang may anak na ito kung hindi mo pa tatanungin. Para lang kasi siyang nasa mid 20's.
Gusto kong mainggit dahil mas mukha siyang teen keysa sa akin.
Nang mapansing wala ng nagsasalita ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sabay kaming natawa. Dahil do'n ay muli akong natawa.
May koneksyon talaga sa aming dalawa.
Muli ay nagbukas siya ng topic. Sasagot siya sa tuwing may itatanong ako, kapag siya naman ang nagtatanong ay sasagutin ko.
"Bukas ulit." Nagpaalam na kami sa isa't isa. Nilapitan ko ang bisikleta saka sinilip ang bintana, napangiti ako ng makitang may istatwa sa likod ng kurtina. Kinawayan ko ito pero hindi siya kumaway pabalik.
Nagkibit-balikat na lang ako sabay sakay sa bike. Habang nagbibisikleta palabas ng kanilang subdivision ay nakasalubong ko ang pamilyar na kotse.
"Si Tita," bulong ko at nilingon iyon. Nanlaki ang aking mata nang huminto ito at ibinababa ang bintana. Sumilip do'n ang Mommy ni Nathaniel.
Nilingon ako nito saka nginitian. Sumenyas siyang lumapit ako kaya ganoon ang aking ginawa.
"You're Antheia, right?" Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumango ako't pilit na ngumiti.
"Don't be too nervous, Iha. I just want to say thank you. . . for everything. . . for making my son happy. Hindi mo alam kung gaano ko ikinagagalak na makitang tumatawa si Nathaniel." Nahihiya akong ngumiti. Hindi ko alam kung ano gagawin kaya walang salita na lumabas sa aking bibig. Nahihiya ako.
"Mag-ingat ka sa pagbibisikleta," nakangiti nitong paalala bago isinarado ang bintana. Parang biglang nawala ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kinabahan ako ro'n.
Pagkauwi ko ng bahay ay si Kuya lang ang aking naabutan. Nagdeliver daw si Mommy at mamayang 7:00 pa ng gabi ang uwi ni Papa.
"Saan ka galing, panget kong kapatid?" Inirapan ko siya at umupo sa single sofa. Nasa double sofa siya nakaupo habang may nakapatong na popcorn sa kaniyang binti.
BINABASA MO ANG
Between The Intercom
Short Story"Hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na." ***** Noong una ay paghingi lamang ng tawad ang dahilan ng kaniyang pagbalik. Subalit mapaglaro ang t...