Nathaniel's POV
"A-Anak." Nilingon ko si mom, kanina pa siya iyak nang iyak lalo nang marinig ang gusto kong mangyari.
"Huwag mong gawin 'yon." Umiling ako. Tumingin ako sa kisame para sana pigilan ang luha pero hindi. Imbes na pigilan ay mas lalong namasa ang gilid ng aking mata.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa kaniya. Kung hindi ko 'yon gagawin, buong buhay ko iyong pagsisisihan.
"Mom, hayaan mo akong sumaya kahit sa huling yugto ng buhay ko. Hayaan mong makita ko ang mukha ni Antheia kahit pa sa malayo." Umiling-iling siya, hindi alam kung papayag ba o hindi. Pero kahit hindi niya ako payagan ay gagawin ko ang gusto.
Kahit naman magkulong ako sa kuwartong ito.
Kahit pa araw-araw akong pinupuntahan ng doctor ko rito which is my dad, my dad is my doctor kaya lagi siyang pumupunta rito.
Kahit pa anong gawin ko, I know ganoon pa rin ang mangyayari.Sa oras na lumabas ako ay siguradong iyon na rin ang huling oras na makikita ko ang kaniyang mukha.
Mamatay ako. Mawawala ako rito sa mundo.
Chronic obstructive pulmonary disease ang aking sakit. Bawal sa akin ang makalanghap ng sigarilyo o ano pang hangin na makakasama sa aking lungs. Ngayon ko lang pinagsisihang sinubukan kong manigarilyo, kung hindi sana ay baka iba ang nangyari.
Pero iniisip ko rin. Kung iba ang nangyari, makikilala ko kay si Antheia?
Kung wala akong sakit, lilipat kaya kami sa lugar na ito?
Kung wala akong sakit, iibig kaya ako ng ganito?"Mom, hindi mo naman ako gustong mawala ng malungkot, 'di ba?" Umiling-iling ito habang naluluha, ayokong nakikitang ganito si mom. Isa sa mga ipinangako ko sa aking sarili ay hindi ko paiiyakin si mom pero anong ginagawa ko ngayon?
Mali bang gustuhin ko siyang makita?
"Gusto kitang maging masaya pero ayokong mawala ka, A-Anak. Magpagaling ka muna, please." Nandoon sa kaniyang boses ang pagmamakaawa pero buo na ang loob ko. Tanggap ko ng mawawala ako kaya bago pa mangyari 'yon ay lalabas ako rito sa apat na sulok na ito.
Tinuruan niya akong lumaban. Tinuruan niya akong huwag matakot sa kung ano ang mangyayari.
"You know, Nath. Lahat ng tao rito ay mawawala, walang permanente. Malay mo bukas wala na ako, hindi natin alam kaya hangga't gumigising ka sa umaga ay i-cherish mo ito. Every morning is a blessing."
Napangiti ako ng maalala ang kaniyang sinabi isang araw nang nagkausap kami.
"I love you, Anak. I always do. Kung iyan na talaga ang desisyon mo, tatanggapin ko." Hindi ako nagdalawang isip na yakapin si Mom. Simula ng araw na pumayag siya ay lagi ko ng binubuksan ang bintana pero hindi ko itinataas ang kurtina.
Pasimple ko siyang kinukuhanan ng litrato. Napaka-ganda niya kahit saang anggulo.
Lahat ng litrato ay iniipon ko sa isang portfolio. Nilalagay ko rin kung kailan 'yon kinuhanan.
Ilang beses ko na rin siyang sinusundan sa ibang lugar, I know its scary dahil para akong stalker na may binabalak gawing masama. Balot na balot ang katawan at naka-mask.
Tuloy tuwing uuwi ay pawisan.
Wala akong lakas ng loob na magpakita sa kaniya kaya dinaan ko na lang sa pagsunod-sunod hanggang sa isang araw ay tuluyang ng nanghina ang aking katawan.
Matamlay na ang boses at parang gulay na nakaratay sa kama. Sa gilid ng kama ay may kung ano-anong gamit para sa aking pangpapagaling pero ano pang kuwenta niyon.
"Mom, siguro bago pa sila bumalik dito galing sa probinsiya ay wala na ako." Tumitig ako sa kisame ng kuwarto, gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi nang maalala ang una naming magkikita.
I'm sorry. I need to go now. I'm so happy dahil nakilala kita, masaya ako dahil minahal ko ang tulad mo.
"I love you, Mom." Nakatitig pa rin ako sa kisame at ramdam ko ang unti-unting paghina nang tibok ng aking puso.
"I love you, Nathaniel, anak. . so much." Pilit akong ngumiti.
"Until soon, Antheia. I will find you."
Ilang segundo lang ay onti-onti ng binabalot ng dilim ang buong paligid. Isang luha ang tumulo sa aking mata bago tuluyang mawala.
Soon. . . my Antheia.
ANTHEIA'S POV
Bawat lipat ko ng pahina sa portfolio ay siyang patak din ng luha.
He's always there, malapit lang siya sa akin pero hindi ko alam.
Kung alam ko lang ay hindi ganito ang mangyayari.
Pero wala na akong magagawa, nangyari na ang dapat mangyari.
Binabasa ko ang bawat nakasulat. Pati kung kailan ito nakuhanan.
Don't forget to eat.
Always smile.
Chase your dream.
Alam na alam niya kung paano ako mapapangiti at mapapagaan ang loob.
In another life, I'll find you.
Tinignan ko ang kaniyang mukha sa loob ng kabaong. Hinaplos ko ang salamin saka ngumiti kahit ang luha ay tumutulo sa aking pisnge.
Yeah, in another life. We will find each other and soon we'll watch the sunset together.
Siguro hindi ngayon ang tamang panahon.
Tinitigan ko ang salamin at bumalik ang lahat sa akin. Kung saan nagsimula ang lahat. Kung anong pakiramdam ang gumapang sa aking sistema nang marinig ko ang boses niya sa unang pagkakataon.
Hindi ko inalis ang aking paningin sa kaniyang mukhang mahimbing na natutulog. Ang guwapo niya kahit nakapikit.
"I love you."
•••••
03-24-2021END
BINABASA MO ANG
Between The Intercom
Short Story"Hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na." ***** Noong una ay paghingi lamang ng tawad ang dahilan ng kaniyang pagbalik. Subalit mapaglaro ang t...