CHAPTER 5

111 41 43
                                    

Sa loob ng dalawang buwan ay kilala na namin ang isa't isa. No, I mean kilala na niya ako pero siya ay hindi ko pa rin nakikilala nang lubusan.

Sino ka nga ba Nathaniel?

Bakit pakiramdam ko ay ganoon na lang kahiwaga ang buo niyang pagkatao? Na piling tao lang ang makakikilala sa kaniya ng buong-buo.

Hindi ba ako puwedeng maging isa sa mga piling tao na iyon?

Dumapa ako sa aking kama at paulit-ulit na inuntog ang ulo sa unan. Ano na, Antheia?

Ano nang balak mo sa buhay mo?
Habambuhay ka na lang bang ganito?

Umikot ulit ako, hinarap ang maliwanag na kisame saka bumuntong-hininga.

"You're in love, Antheia? Sa taong ni-minsan ay hindi mo nakita ang mukha?" Napakamot ako sa aking ulo at tumango-tango bilang sagot sa tanong ni Eliza.

Napasinghap ako nang maamoy ang mabangong aroma ng kape na kadadala lang ng waiter sa amin. Isa ang coffee shop na ito sa pinaka-spot ng lugar. Bukod sa masarap ang kape, ay may libre pang malakas na wi-fi pero hindi talaga 'yon ang pinupunta rito kundi ang magandang tanawin na makikita sa third floor nitong coffee shop. Makikita mo ro'n ang dagat.

Dahil sa aroma ay gugustuhin mo talagang bumalik dito.

"Nagsalita ang taong nahulog sa ka-chat. Ni-pangalan, edad, kung saan nakatira ay hindi alam." Seryoso man ang tinig ni Maddy ay alam kong inaasar niya si Eliza.

May naka-chat si Eliza na rp'ier  (iyon ang tawag ni Eliza sa naka-chat niya, hindi ko nga alam kung ano ang meaning no'n). Almost 1 year silang nag-uusap, onti na nga lang ay pagkamalan na silang may relasyon pero wala talaga.

Sa loob ng isang taon na iyon ay hindi pa sila nag-meet. Kahit video call ay walang nangyari, as in chat lang talaga.

Hanggang sa mahulog na nga itong kaibigan namin. Balak niyang umamin pero nag-deact 'yong lalaki. Tandang-tanda ko pa kung papaanong pinilit niya kaming uminom ng alak para daw makalimot, as if naman makatutulong ang alak sa pagkalimot ng sakit, eh, dagdag sakit sa ulo lang 'yon.

"Past is past, Mads," aniya sabay irap kay Maddy. Nilingon ako ng dalawa.

"So, ano? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo kay. . ." Nilingon niya ako na para bang tinatanong kung ano ang pangalan nang taong pinag-uusapan namin.

"Nathaniel kasi, Sis." Si Eliza na ang sumagot.

"Okay. Nath kung Nath. So ano nga?"

"Actually, I'm not. . .sure. Pero sa tuwing kausap ko siya masaya ako. Kahit hindi ko siya nakikita masaya ako. . ." Nilingon ko ang labas ng coffee shop, nakikita ko ro'n ang mga taong naglalakad paroon at parito. May magkakapamilya, couple, magkakaibigan, at mag-isa.

"I realized na, hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na."

"Naks, rhyme 'yon, ah."

Napangiti ako nang maalala ang usapan naming magkakaibigan. Sa mga oras na iyon, alam kong pumasok ako sa isang gera na hindi ko alam kung sa dulo ba'y mananalo ako o hindi.

Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa kung anong nararamdaman ko ngayon.

Kinabukasan ay nagulat ako ng makitang may mga nakahandang maleta sa sala. Nilingon ko mommy na naglalakad palapit dito.

"Mommy, bakit?" Sinabi nitong nagkaroon ng tatlong araw na leave si Papa kaya naman naisipan nilang pupunta raw kami sa probinsiya.

As in now na. Hindi manlang nila sinabi sa akin ng maaga-aga para nakapag-ayos ako. Na'ko talaga.

Between The IntercomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon