KIERA POV
Pag-uwi ko galing school dumiretso agad ako sa kwarto ko para mag pahinga sana pero hindi pa man ako nakakapag palit ng damit pumasok sa kwarto si Mama may dalang papel at inilagay sa study table ko. Hindi naman na bago sakin ang ganitong eksena kaya alam ko na ang gagawin ko.
"Tapusin mo agad yan tyaka mo turuan ang kapatid mo. Hindi man lang malamangan si Diana, palaging top 2 ang bwisit na batang yan. Sinabi ko na sa kaniya pag-aaral ang atupagin hindi ang mga lalaki. Sayang ang pera kung ipapatutor ko lang yan wala naman malalaman din." pagbubunganga niya agad.
Inilapag ko sa mesa ang bag ko.
"Sige."
"Kaya ikaw ayusin mo 'yang pag-aaral mo. Mag tapos ka sa kursong gusto mo nang maturuan mo ang kapatid mo. Dalawa na nga lang kayo sumasakit pa ulo ko sa inyong dalawa."
Pinakinggan ko lang ito at inilabas sa kabilang tenga ang sinasabi. Ewan ko ba sa kaniya masyadong malaki ang galit saming dalawa ng kapatid ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Kiara na namamaga ang mata. Pustahan sinaktan na naman siya. Hindi nga ako nagkamali dahil halata ang pamumula ng kaliwang pisngi niya at may marka ng kamay.
"Oh, anong iniiyak-iyak mo diyan? Imbes na pag-aaral ang atupagin mo, lalaki inuuna mo. Anong mapapala mo don, aber?"
Tumungo lang ito at nakita ko ang pagbagsak ng mga luha niya.
"Ako na bahala." sagot ko kay Mama.
"Huwag mokong iyakan diyan Kia." aniya bago lumabas sa kwarto.
Pabagsak niyang sinarado ang pinto. Narinig ko naman ang paghikbi ni Kia kaya nilapitan ko ito at yinakap.
"Tumigil kana. Sanay kana diyan umiiyak kapa din sa tuwing kagagalitan ka."
"Ginagawa k-ko naman a-ang b-best ko pero kulang pa din pala sa kaniya." sagot niya na humihikbi pa.
"Wala tayong choice. Sige na gagawan kita ng reviewer, intindihin mona lang. Alam ko naman sa ating dalawa ikaw ang matalino."
Humiwalay ito ng yakap sakin at nginitian ako.
"Napaka humble mopa."
"Tsk. Mahiga ka muna diyan sa kama magpapahinga lang ako saglit tyaka ko gagawin yung reviewer mo."
Naglakad ako papasok sa banyo at nag bihis. Paglabas ko nakaupo sa study table ko si Kia at may isinusulat na kung ano.
"May quiz kami bukas kaya gumagawa ako reviewer." usal niya.
Dumiretso ako sa mini fridge ko dito sa kwarto at kumuha ng ice cube. Kumuha din ako ng towel at inilagay don ang ice cube. Pagkatapos lumapit ako kay Kia.
"Oh," abot ko sa kaniya ng hawak ko.
"Thank you, Ate."
"Next time gumanti ka." biro ko at agad naman siyang napairap.
"No way. Para akong sinampal ng dalawang beses back to back sa sobrang sakit."
"Tsk."
Naupo ako sa gilid ng kama para mag selpon muna sana pero bumukas ang pinto at iniluwa ang Nanay kong sobrang bait.
"Pvtangina! Selpon na naman kayo ng selpon! Bumaba na kayo at kakain na."
High blood na naman.
"Busog pako. Kia, kumain kana muna bago ka mag review." tawag ko kay Kia.
Tumayo naman agad ito.
YOU ARE READING
All about US (On going)
Teen FictionWe all have friendships throughout our lifetime some for a short period of time, and others for our entire lives. Some beginnings come out just right after being written once. But once in a while, a beginning appears out of nowhere and turns into so...