Chapter 14

31 4 0
                                    

KIERA POV

Wala nang bago sa pag pasok ko sa school araw-araw kaya mas gusto ko pang uwian na agad. Bukod sa nakakapagod mag-aral, nakakapagod din physically and mentally.

"Hey, Kiera."

Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sakin. Nung lingunin ko si Axel iyon, may hawak na cups ng coffee.

"Mm?"

"Coffee?" alok niya isa sa mga hawak niyang kape.

"No, thanks."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumabay naman siya sakin. Tahimik lang kaming naglalakad nung una pero agad niyang binasag ang katahimikan.

"How's your sister?" nilingon ko siya.

"Okay naman. Why suddenly to ask?" tanong ko.

"Uhh.. Wala naman. Bihira kona lang kasi siyang makita, that's why i ask about her."

"Nagpupunta ba siya sa bahay niyo?"

"Minsan na lang siya makapunta."

"Minsan?" takang tanong ko.

Huminto kami sa paglalakad. Madalas siyang wala sa bahay, akala ko nga nasa bahay nila Noah. Hindi ko na din kase nakakausap si Noah dahil na busy ako sa mga paperworks ko.

"Eh, si Noah? Hindi sila magkasama?"

"Diretso uwi siya."

Mas lalo akong nagtaka. No'ng nakaraan kase late na nakakauwi si Kia. Sabay pa silang dumadating ni Dad. Saan kaya siya nagpupunta after class? Hindi naman niya hilig ang mag-inom. Saming dalawa ako lang ang pala inom.

"Why don't you ask my cousin?"

"Sige tatawagan ko siya mamaya. May klase pa ako. Una na ako." paalam ko at naglakad palayo sa kaniya.

-ROOM-

Kanina pa hindi mapalagay ang isipan ko. Parang may mali akong nararamdaman. Nakakabaliw mag-isip parang masisiraan ako ng bait.

Lumilipad ang isip ko habang nagd diskusyon ang Prof ko kaya nahuhuli ako sa discussion. Minu-minuto akong napapatingin sa phone ko at parang may inaabangan na may tatawag sakin.

What the fvck.. Sumasakit ang ulo ko.

"Why is Rhetoric Important, Miss Sarai?"

Napakurap-kurap pa ako nang tawagin ako bigla ni Prof kaya dahan-dahan akong tumayo.

"Uhh.. because it is the art of effective communication and persuasion and.. It involves using language and strategies to influence, convince, or motivate others." sagot ko naman agad.

"Very good, Miss Sarai. You seem to be deep in thought. Are you okay?"

Shets. Napansin pa pala niya.

"Uhh.. I'm fine, Miss." paniniguro ko.

Nginitian ako nito at nagpatuloy sa pagd discuss.

-LUNCH BREAK-

"Huwag ka ngang manulak!" singhal ni Mya kay Cassi dahil pinapalapit nila ito sakin.

Hays. Gumagawa talaga sila ng paraan para magkabati kaming dalawa.

"Tagal mo kase, e." Cassi.

"Talaga naman pag di kayo nagkabati within this day iinom tayo magdamag." usal pa ni Elise.

All about US (On going)Where stories live. Discover now