Chapter 9

45 5 0
                                    

CASSIA POV

Nandito kami sa Mall ni Einjhel, pagkatapos kasi ng mga klase namin nag-aya siyang mag date. First date daw namin ito. Pinapili niya ako kung saan ko daw ba gusto kaya eto kami ngayon sa Mall. Maganda kase ang view dito and maraming artista ang dumadayo. Balak ko nga sana mag hunting ng artista pero baka magalit naman si Einjhel.

Bumili siya ng makakain namin at ako naman ay nags search ng endearment namin. Gusto ko kase may endearment kami, for me kase ang panget naman kung pangalan lang namin ang itatawag namin sa isa't-isa 'diba?

Ang daming lumitaw sa google:

Buttercup, Honeybunch, Cutie Pie, Honey, Baby
Cakes, Babe, Love.

Masyadong cringe para sakin. May isang endearment ang umagaw sa atensyon ko.

Luvs

Pwede! Parang mas nice' to. Pero magugustuhan kaya ni Einjhel?

"What are you doing?" nilingon ko agad si Einjhel na may mga dalang paperbags ng foods.

Halos pagkain ata lahat. Dalawa lang kaming kakain pero yung dala niyang paperbags nasa anim siguro.

"Ahhhh.. Wala."

Itinago ko agad ang phone ko sa bulsa at hinarap siya.

Hindi niya dapat malaman.

"Tss. Are you hiding something?" panghihinala niya.

"Wala, ah."

"Bakit itinago mo agad ang phone mo?"

"Ahhhh.. basta. Pahingi ako." akmang kukuhanin ko ang isa sa mga paperbags ng bahagya niyang ilayo ito sakin.

"No."

"Bakit?" takang tanong ko.

Para sa kaniya lang ba 'yang mga binili niya at walang balak na mag share man lang sakin?

"Can i see your phone first?"

"Bakit?"

"Anong bakit? Patingin muna ako bago ko ibigay sayo 'to."

"Eh... Huwag na kase."

"Tss.. Bahala ka." naupo ito sa tabi ko pero tinalikuran ako.

Luh. Akala ba niya may itinatago ako sa kaniya? Eh, ayaw ko lang naman makita niya yung sinearch ko sa Google, e. Baka pagtawanan niya ako okaya magalit.

"Bahala ka din." mataray kong sagot at tinalikuran din siya.

Nang mapatingin ako sa mga tao halos nakatingin sila sa gawi namin. Yung iba kinikilig pa. Ehhh?? Anong nakakakilig jusme.

"Tsk.. Ang ending ako pa manunuyo." dinig kong bulong niya pero hindi ko siya nilingon.

Nagitla na lang ako nang marahan niya akong pinaharap sa kaniya.

"Okay fine. Forget it." he surrender kaya palihim akong napangiti. "Here, eat this." abot niya ng isang paperbag.

Kinuha ko naman agad iyon at binuksan ang laman. Waaaa! Gimbap!

Nilingon ko si Einjhel na salubong pa din ang kilay habang binubuksan ang mga paperbags na hawak niya pagkatapos ilalagay sa harapan ko. Ang cute niya talaga.

"Kain na tayo." aya ko sa kaniya.

Napapansin ko ang pagdadabog niya kaya kinompronta kona siya.

"Nagdadabog ka ba?"

"No."

Edi no. Huwag pilitin ang ayaw umamin baka magalit pa. Kakain na lang ako at uubusin ko lahat yan.

All about US (On going)Where stories live. Discover now