Chapter 5

70 5 1
                                    

CASSIA POV

Sa sobrang excited kong gumising ngayong araw alas singko palang ng umaga gising na gising na'ko. Basta feel ko excited akong makita siya ngayon. Ang dami ngang pumapasok sa isip ko na possibleng mangyari na impossible din mangyari.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili lumabas na ako sa kwarto. Bumaba agad ako at nagtungo sa dining. Naamoy ko agad ang sinangag na niluluto ni Mom. Pero bago ako pumasok sa kitchen dumiretso ako sa sofa kung saan nakahiga si Yuna habang natutulog.

Haaaaaaaay nakaka inlove!

"Yunayaaa~" tawag ko sa kaniya kaya agad itong napabalikwas sa hinihigaan.

Mabilis itong pumunta sakin kaya sinalubong ko agad siya ng yakap. Yung sobrang higpit kaya bigla siyang na stress. Haha

"Good Morning sunshine!" hinimas ko ang ulo nito at yinakap uli.

Nang humiwalay ako ng yakap sa kaniya iniwan ako nito at bumalik sa sofa. Tumingin pa siya sa gawi ko na parang sina side eye ako na tingin. Ewan ko ba sa anak ko na 'to. Minsan napaka suplada niya iniisip ko nga minsan parang naiirita na siya sa ginagawa ko.

Dumiretso na ako papasok sa kitchen.

"Good Morning, Mom." bati ko kay Mom at nagtungo ako sa ref para kumuha ng gatas.

"Morning, darling."

"Where's Dad?"

"Pababa na yun."

Nagsalin ako ng gatas sa baso at nilagok bago ibalik iyon sa ref. Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Daddy na mukhang kakagising lang.

"Morning to my pretty ladies." bati ni Dad na hinalikan si Mom sa lips pagkatapos lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. "Morning, honey." malambing na bati nito.

"Morning Dad."

Nag sangkap siya ng sariling kape bago uli lumapit kay Mom at yinakap ito mula sa likuran. Napa ngiti ako. Sobrang hinahangaan ko si Daddy sa pagiging responsableng Ama at asawa samin ni Mommy. Halos kase ang mga kapatid niya may ugaling pambababae. Akala ko nga no'n magiging tulad niya ang iba kong Uncle. Everytime na nakikita ko silang masaya ni Mommy sobrang blessed ko na dahil meron akong sila na hindi mapapantayan ng kahit sinong tao.

"Adi, you okay?" napabalik ako sa aking diwa ng nagsalita si Mom.

"Opo, Mom."

"You sure? Baka naman iniisip mo yung guy na sinasabi mo sakin."

Bigla naman sumulpot sa likuran ko si Dad na naniningkit ang mata.

"Guy? Kailan namin makikilala ng Mommy mo yan?"

"Dad, crush ko lang naman hindi pa boyfriend."

"Whether it's a crush or boyfriend gusto naming makilala ang napaka swerteng lalaking yun, Honey."

Halaaaa! Crush palang naman bakit parang boyfriend na agad iniisip nila? Hindi pa nga alam ni Einjhel na crush ko siya, e.

●'⌓'●

"We will meet him soonest, anak. Let's eat na muna, Darling." aya ni Mom kaya dumiretso na kami sa dining.

Nag-umpisa na kaming kumain. Nagk kwentuhan naman sina Mom and Dad tungkol sa mga trabaho nila habang ako naman ay lumilipad ang isip sa kung saan.

Nang matapos kumain nagpaalam akong aakyat sa kwarto ko dahil nandon ang mga gamit ko. Nakita ko pang sumunod si Yuna sakin kaya hinimas ko na naman ang ulo nito at yinakap. Yun nga lang parang she's done with me na tingin ang ipinupukol niya sakin dahil sa pinanggagawa ko sa kaniya.

All about US (On going)Where stories live. Discover now