Chapter 10

37 5 0
                                    

KIERA POV

Panay ang pagsulyap ko sa bawat galaw ni Kiara habang kumakain kami kasabay sina Mama and Papa. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa na pulos date nila ang pinag-uusapan.

Mukhang napapansin ako ni Kiara sa ginagawa ko kaya parang nag-uusap ang tingin namin.

"Ang sabi ng Professor mo may colloquium campaign na magaganap. Hindi ka ba sasali?" panimula ni Papa kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

Pati ba naman Professor ko sinasabi sa kanila ang bagay na yun? Close ba sila?

"Hindi po."

"Why? Gaganapin daw sa Ateneo. Ayaw mo bang ma discover ng University nila?"

"Marami ho akong ginagawang paper works and reports sa school."

Napangiwi naman si Mama dahil don tila nasusuya ito.

"Huwag mo nang pilitin baka mamaya mapahiya na naman tayo sa buong school."

Napakuyom ako ng kamao sa sinabi nito. Talagang pinaalala pa niya yon? Kung alam niya lang ang nararamdaman ko sa mga oras na yun.

"What about you? Nag ditch ka daw ng class sabi ng Professor mo. Saan ka pumunta?" awtomatiko akong napatingin kay Kia.

Halos mamutla ito sa kinauupuan niya. Pati yon nalaman nila?

"Did you ditch your class?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

"Nagpatulong ako sa kaniya no'n." sabat ko kaya nilingon nila ako.

"At saan ka naman nag patulong?" Mama.

"Sa banyo. May dalaw kase ako non at hindi ako nakapagdala ng sanitary pad kaya tinawagan ko siya sa phone."

Mabuti na lang nakaisip agad ako ng alibi kung hindi mayayari na naman siya pag nagkataon.

"Dalawang beses nangyari." usal ni Papa at nang tingnan ko siya kunot ang noo nito.

"Sumagot ka para malaman namin." singhal sa kaniya ni Mama.

Shiit. Wala na akong mairarason baka magtaka din sila kung sasabat uli ako sa usapan.

Napansin ko ang panginginig ng kamay ni Kia at ang kabadong mukha nito.

"N-nilagnat po kase ako no'n." nauutal niyang sagot at hindi makatingin ng diretso sa kanila.

I know she's lying. Alam ko din ang dahilan niyang yun kahit hindi ko na itanong sa kaniya. Sa tuwing naiisip ko yun poot ang nararamdaman ko kay Mama.

"Oh, umuwi ka ba ng bahay no'n o nag lakwatsa?" pasiring na tanong ni Mama.

Tsk. Kung alam mo lang ang ginawa mo sa kaniya nung mga oras na yun.

"Umuwi po."

"Bakit hindi ka man lang nagsabi? Sana naipa check up ka namin." Papa.

"Nagpahinga na lang po ako no'n, Pa."

"Next time magsabi ka."

Napansin ko ang pag-irap ni Mama sa kawalan.

-SCHOOL-

Isinabay ko na si Kia sa pag pasok at habang nasa byahe kami kanina tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana kaya hinayaan ko na muna.

Nang maipark ko na ang sasakyan sabay kaming umubis.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa gate.

All about US (On going)Where stories live. Discover now