Chapter 1

152 8 0
                                    

CASSIA POV

"Naknampucha! Nagrereklamo kang pagod sa pag-aaral. Paano ba naman? Kumuha kuha ka ng Teacher e, wala ka ngang pasensiya samin sa mga magiging estudyante mo pa kaya?" usal ni Mya kay Kiera.

Nandito kami sa bahay nila Eli sa may parteng gazebo at nagka-ayaan nga ang mga kaibigan namin na mag-inom dahil may pasok na naman bukas. Two weeks na ang nakakaraan kaya wala kaming time together kaya naisipan ng iba kong kaibigan na uminom ngayong linggo. Talagang naisipan nilang uminom ngayon hindi man lang nila inisip na may pasok pa kami bukas.

Mahigit benteng bote ng soju ang binili nila kaya goodluck samin bukas.

"Ikaw nga nag Entrep, ni hindi ka nga marunong mag budget para sa sarili mo sa kompanya pa kaya." sagot naman ni Kiera sa kaniya.

Saming apat talaga sila ang palaging magka-away, walang araw na hindi sila nag-aaway o nagkakapikunan kaya ang ending kami ang way para magkabati sila uli. Minsan nga gusto ko silang pag-umpugin ng manahimik sila pareho. Hindi pa man din maawat ang dalawang yan.

"Kapag nakapag patayo ako ng kompanya ko hindi kita kukuhaning empleyado ko. Tandaan mo yan."

"Gago! Pakialam ko sa kompanya mo." bahagya naman akong natawa dahil don.

Kahit kailan talaga walang filter ang bibig nito.

"Tama na. Yan na naman kayo, e. Nandito tayo para magsaya hindi para mag-away kayong dalawa." sermon sa kanila ni Eli na inaayos ang lamesa.

Nakapaikot kami sa mesa kaya hindi nila maaabot ang isa't-isa kung magsabunutan man sila. Ugali pa naman ng dalawang yan mag physicalan at nagiging mabait lang sila kapag lasing.

"Nakakailang bote palang kayo parang tinamaan agad kayo." usal ko sa kanilang dalawa.

"Basta ako tinamaan don sa Dev Com na lalaki. Remember, Eli? Yung tinuturo ko sayo no'n." Mya.

"Syempre tatamaan ka talaga gwapo ba naman." sabat ni Kiera.

"Syempre aanhin ko ang kagandahan ko kung hindi ko gagamitin?"

"What about you, Adi?" baling ni Eli sakin kaya nilingon ko siya.

"What about me?" takang tanong ko.

"Uyy gagu! Kaklase mo yung Einjhel Carl Alejo 'diba?" napatayo pa sa inuupuan niya si Kiera para lang itanong yun.

"Mm.."

"Balita ko palagi siyang outstanding sa acads. Sabi ni Bryan sakin mukhang siya ang isasali sa colloquium this month." ani Mya na ang tinutukoy ay yung kaklase ko.

"Oh, e.. Ano naman satin kung siya ang isabak sa colloquium ? Hindi naman natin siya kaklase." pambabara naman ni Kiera.

"Sino naman yung Bryan?" tanong ni Eli kay Mya.

"Kaklase ni Adi."

"Kabahan kana kapag nakausap niya yung Einjhel."

"Tanga! Hindi ko type yun. Masyadong matalino at seryoso sa pag-aaral."

"Exactly hindi kayo bagay. Baka ikaw ang gawing testing sa laboratory nila."

"Dog lover ako pero hindi ako mukhang aso."

"Mas maganda pa nga sayo yung aso ko, e." sagutan nilang dalawa.

Napapailing na lang kami ni Eli sa kanilang dalawa. Noon pa man ganiyan na sila. Mabuti na lang nagtagal sila sa mga ugali nila. Kung si Kiera ay may pagka prangka ang bibig si Mya naman ay yun tipo ng tao na hindi basta-basta papatalo.

All about US (On going)Where stories live. Discover now