JAZZTEEN POV
Seeing her crying doble naman ang sakit sakin. That fvcking asshole. Anong ginawa niya sa taong mahal ko? Simula umaga hanggang ngayon wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak sa gagong yun.
Panay lang ang iyak nito habang nagmamaneho ako kaya hindi muna ako nagtanong sa kaniya.
Ilang oras din akong nag-antay sa labas ng Village na yun para malaman kung nakauwi na ba ng maayos si Adi tapos makikita ko siyang umiiyak dahil sa gagong yun.
Ilang minuto ang lumipas pero iyak pa din siya ng iyak kaya itinabi ko ang sasakyan sa gilid ng daan.
I took a deep breath before speaking.
"What happened?" malumanay kong tanong.
Pinunasan muna nito ang kaniyang pisngi gamit ang likuran ng kanyang kamay bago magsalita.
"Gusto kong maglasing para mabawasan 'tong nararamdaman ko."
"Hindi alak ang solusyon, Adi."
"Kahit ngayon lang, Jazz. Please," bakas sa boses nito ang pagmamakaawa.
Wala naman akong magagawa kung yun ang makakapag pagaan ng loob niya.
Tumango ako at pinaandar muli ang sasakyan.
-BAR-
Nagpa reserved ako ng VIP Room may kasama na itong KTV Bar para kahit papano mailabas niya lahat ng saloobin niya. I know she's not okay and I'm here to accompany her. And this is my chance to be with her.
Nakakadalawang bote na siya ng Jose Cuervo kaya nakaalalay ako sa kaniya. Paminsan-minsan lang akong umiinom dahil nga nakatutok ang paningin ko sa kaniya sakali mang malasing siya.
"AT ANG HIRAP MAGPAPANGGAP PA BA AKO... NA AKO AY MASAYA... KAHIT ANG TOTOO AY TALAGANG WALA KA NA... AT KUNG BUKASSS.. PAGMULAT NG AKING MATA MAY MAHAL KA NANG IBAAAAAA.. WALA NA AKOOOONG MAGAGAGAWA.." birit niya.
Hindi ko lang alam kung may natatamaan ba siyang nota. Kahit ako hindi ko alam ang kinakanta niya.
Hawak nito ang mic habang nakatayo at nagkakanta.
Hinahayaan ko lang siya pero ang buo kong atensyon ay nasa kaniya lang.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila. Ayoko namang gamitin ang pagkakataon na'to para makapag-usap kaming dalawa nang ganito ang kalagayan niya.
I respect her.
"Jazz! Hindi ka naman umiinom, e! Ang daya mo naman!" lasing na sigaw niya sakin habang hawak ang mic.
Itinaas ko ang shot glass na nasa tapat ko sa kaniya para ipakitang umiinom ako.
"Kanina pa 'yan, e." parang batang usal niya kaya natawa ako. "Dapat ganito karami."
Lumapit ito sakin at nagsalin sa basong malaki na pinag-inuman niya kanina. Muntik na akong masamid kahit hindi ko pa kinukuha iyon sa kaniya.
Is she serious? Ganitong shot ang ipapainom niya sakin? Parang isang basong tubig na 'to, e.
"Inumin mo yan, ah?" ngising aniya.
Akala ko babalik siya sa pagkakanta pero nakatayo lang siya sa gilid ko at parang inaantay niya na inumin ko ang sinalinan niyang alak. Kinuha ko iyon at agad na nilagok ng diretso.
Fvck!
Ang pakla!
"Yeeeeeey! Very good! Isa pa!" akmang sasalinan niya muli ang baso ko kaya inilayo ko iyon sa kaniya.
YOU ARE READING
All about US (On going)
Novela JuvenilWe all have friendships throughout our lifetime some for a short period of time, and others for our entire lives. Some beginnings come out just right after being written once. But once in a while, a beginning appears out of nowhere and turns into so...