Eleven

273 8 0
                                    

"Stop it. You look crazy. Ikaw lang ang nakangiting bagsak na nakilala ko."

Pinag-isang linya ko ang labi ko nang sawayin ako ni Georgina. She's as frustrated as me because of what happened on our last class. Biglaan na lang kasi nagpalong quiz ang Professor namin sa Applied Calculus. It's a pre-long quiz for the next prerequisite course related to the subject. Pare-parehas kaming bagsak dahil lahat kami ay wala pang masyadong alam sa mga susunod na topics.

I could've avoided that if only I studied in advance like what I usually do before whenever I have free time. Pero ngayon kasi si Dark na ang kasama ko sa lahat ng oras na libre ako kaya nawalan ako ng oras sa pag-a-advance reading.

"Hindi naman recorded yung score, so it's okay." Nakangusong bulong ko.

She's pissed because like all of us, she failed the quiz. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na score, which is almost 50% of the total score, but she's not satisfied. Kanina pa siya inis na inis dahil doon. Samantalang ako ay mabilis na nakamove on kahit pa sobrang baba ng score ko. I didn't even reach 40% of the score! Kung nangyari to sa akin noon, I might feel frustrated like Georgina. Pero ngayon wala lang 'yon sa akin dahil din hindi siya magre-reflect sa grades namin.

And I'm too happy to mind my failing score. I'm happy kasi crush din ako ng crush ko!


From: Dark

It's lunchtime. I'm still on my class kaya hindi kita masasabayan. Eat a lot, and let's see each other before you go home later.


Binaba ko ang hawak na libro sa Obligation and Contract para mareplyan ng maayos si Dark. Nandito kami sa Library ngayon para maibsan ang inis ni Georgina. She made a goal to do an advance reading in Calculus, and I'm here to support her. Katatapos lang namin maglunch sa canteen kaya ganado kaming magbasa dito. Not until I received a text from Dark.


To: Dark

I already ate lunch with Georgina. I had chicken curry and vegetable salad. How about you? Have you eaten lunch yet? It's past noon now.


I hit send and waited for his reply. Nangalumbaba ako habang nakatitig ng matiim sa screen ng cellphone ko.

"You know what, I get it. Dark likes you back and you're dating him now. But before that, you're a student." Nalipat ang tingin ko sa kaibigan. "Just because you're dating the man of your dreams, doesn't mean you will forget studying for your primary dream. Baka hindi mo napapansin na napapabayaan mo na ang pag-aaral mo kakasama mo palagi kay Dark?"

Unti unti akong napaayos ng upo. What she said hits me so hard on the gut. Pumasok sa isip ko lahat ng pagkakataon na iniiwan ko ang assignments at project na kailangan kong tapusin para lang makasama si Dark. Kung noon ay pulido at super effort ko sa mga projects ko, ngayon ay may mapasa lang ayos na.

What am I doing?

"I'm not against your love life. I'm against you, ruining your life for love."

Tumatak sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Georgina. It hits me so hard that I went home straight instead of meeting up with Dark like how we plan our day would end. I'm feeling guilty for myself dahil tama si Georgina.

Hindi ko namamalayan na napapabayaan ko na ang nag-iisang goal ko. Or maybe I know it at the back of my head. But I'm ignoring it because I'm contented whenever I'm with Dark.

But that's wrong, right? Hindi ko dapat gawin 'yon.

"Is something the matter?"

Umiling ako at tipid siyang nginitian. Today would be our first date. Dahil sa sinabi ni Georgina, natauhan ako at sinigurado ko muna na tapos lahat ng gawain ko bago ang araw na ito. We had to postpone this date because I was busy. Now I'm guilt free to date him dahil talagang inuna ko ang pag-aaral ko bago makipagkita sa kanya.

Capricorn (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon