Green's POV
Sa isang may kalakihang park, biglang may isang magandang kotse ang huminto.. At damn, pagbukas pa lang ng pinto umalingasaw na agad ang samyo ng pabangong gamit ng babae.. Medyo may pagkamayaman to, at napakasexy.. Halata kasi na well groomed ito at napakahaba ng legs.. May sout din ito na isang mamahaling bow na kulay pink sa may kaliwang tenga nya.. Nakukuha nyo ba ang imagination ko? Magagandang tubo ang mga balahibo nitong nakapalibot sa katawan na kulay abo at puti.. Pero ang nakakadagdag sa appeal nya, ay ang kanyang mga asul na mga mata.. And Ehemm.. That's Me! I'm Green.. Green da Silva.. Ganda ba ng intro ko? Akala nyo chix talaga ano?!
"Green!! Tara na!" ow that's my queue.. Oh by the way, amo ko yan.. Ang first love ko, the very pretty Annika.. Haaay.. Ang ganda kasi nya, lalo syang gumaganda kapag nakangiti.. Sana naman kahit ngayon lang wag na muna magpakita ang lalakeng yon! Kung hindi kakagatin ko talaga balot nya.. With matching budbud ng maraming asin at suka... Hmmm.. Balot..
"Green?" tawag ulit nya sa attention ko..
"Warrf!!" sagot ko agad sa kanya sabay sunod sa mga hakbang nya sa super sexy..
"Are you hungry?" sabay turo sa isang mama na nagbebenta ng hotdog.. I just paused and wiggle my tail in excitement..
"Well, let''s go!" sagot agad nya sabay nagpatiuna sa hotdog stand.. Bumili sya ng dalawa, akmang aalis na sya pero hindi ako sumunod..
"Ano?! Gusto mo pa ng hotdog? Tama na to.." i just whimper na sa pagmamaka awa ko sa kanya..
"Green naman.. Tas mamaya magpopo ka ng marami.."
"Warrrf!!!" sabay extend ko ng dalawang paws ko para iparating ang pagmamaka-awa ko sa kanya..
"Hay.. Two more manong, eto bayad.. Keep the change nalang po.." pagsuko nya sabay abot ng 200 kay manong.. Tumayo na ako at nagpasubo sa kanya ng hotdog at hindi naman ako nabigo..
"Ok.. Ok.. Calm down will ya?" natatawang turan nya sabay inilagay sa bibig ko ang isang buong hotdog.. Mabilis kong nginuya ang hotdog at sumunod ulit sa kanya.. Hanggang sa may makita kaming isang bench na bakante at doon sya naupo.. Mabilis akong tumabi sa kanya at tumihaya na parang bata..
"Rub me.. Rub my tummy.." Dasal ko sa isip ko.. Hindi nga ako nagkamali, habang kumakain sya, nirarub nya ang tummy ko and it is so much pleasure sa side ko kung nasaan ang ribs ko..
"You want more?" tukoy nya sa hotdogs ko.. Well, usually kasi, isa lang ang kanya at akin ang apat..
"Warrf!!" sagot ko sa kanya.. Waring naiintindihan naman nya ako kaya ibinigay nya ng buo ang isa.. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, at kinain ko na ang hotdog.. Until, naubos ko na ang lahat ng hotdogs at nilalaro na lang nya ang paws ko.. Hay life.. Akmang mahuhulog na ko sa bench ng bigla nyang inilipat ang ulo ko sa malambot nyang lap.. Damn! Ang bango nya! At ang kinis pa ng lap.. Hay..
Ilang minuto din kaming ganon ang posisyon hanggang sa napansin kong humihina ang pagrarub nya sa paws ko habang nakatingin ito sa may harapan nya.. Napa-upo naman ako ng maayos para matingnan ko ang tinitingnan nya.. Shit! Now now please! Umalis ka na muna g*go ka! Date namin to eh!!
"Grrrrrrrr.." growl ko sa lalaking panget na papalapit!
"Green! Stay!" pigil nya sa'kin sabay haplos ni Annika sa leeg ko.. Letse.. Too good, too damn good..
"Anong.. G-ginagawa mo rito?" naiiyak na naman nyang wika sa lalakeng pangit na may dalang mga malalaking pumpon ng bulaklak.. And god knows! Kung anong klaseng bahing ang dala ng mga mababahong bulaklak na to..
"Bhe, i'm sorry.." arte ni boy baho.. Hindi ako makaporma dahil sa mga bulaklak kaya panay ang bahing ko.. Alam kong sinasadya nya ang mga ito dahil allergic ako sa bulaklak.. At kahit nagkakahalo na ang amoy ng bulaklak at amoy naming tatlo ay hindi ko pa rin maiwasang maka amoy ng pang-apat na amoy.. Alam ko, alam kong may babae ang ugok na to..Amoy na amoy ko..
BINABASA MO ANG
Green's 3 Wishes (short story)
Truyện NgắnWell, una sa lahat ngayon lang to pumasok sa isip ko eh.. Sayang kung bigla nalang mabura.. Short story lang to kaya pagpasensyahan nyo na kamamatay lang ng isa sa mga paborito kung aso.. So tribute ko to sa kanya.. Gxg pa din to ha? Pero may twist...