Annika's POV
Hindi naging maramot ang pagkakataon sa'kin na makamove on kay Troy.. Thanks to my very sweet and very loyal na kaibigan, si Green.. Isa sya sa mga naging sandalan ko nung mga panahon na nagpakatanga, at umiiyak ako dahil sa lalakeng yon.. At ngayon nga, sobrang dami ko palang namiss dahil nakakulong ako sa hawla ni Troy, salamat kina Mommy at Daddy na laging anjan kapag kelangan ko silang dalawa.. Lalong lalo na kay Green na walang sawang naging unan, panyo, comforter at kaibigan na laging sumasalo sa'kin kapag nalulungkot ako..
"Mga anak, kakain na.." tawag na ni Mommy mula sa ibabang bahagi ng bahagi.. Aalis na sana si Green sa ibabaw ng kama ng bigla ko syang hinila upang mas mauna pa sana ako sa kanya..
"Ayyy.." sabay kaming natumbang dalawa at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakadikit ang labi nya sa labi ko.. Halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa sobrang pagkabigla, at nasa ibabaw ko pa talaga sya.. Aalis na sana ako ng bigla nyang inipit ang ibabang labi ko gamit ang mga labi nya.. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, at di ko maiwasang tumitig sa asul nyang mga mata..
"S-sorry.." at akmang aalis din sya ng ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg nya.. At ngayon, ako na ang sumulong para mahalikan ko sya.. Ewan ko, pero it really feel so right..
"A-annika.." mahinang bigkas nya sa pangalan ko.. Ang sexy pakinggan ng pagkakasabi nya kaya mas lalo lang akong naengganyong halikan sya.. Ilang minuto din kaming nasa ganong posisyon, ng biglang umalingawngaw ulit ang boses ni Mommy sa ibabang bahagi ng bahay.. Agad naman kaming napatayo at nagtawanan dahil sa nangyari.. Ramdam kong masaya si Green, halata kasi sa mga ikinikilos nya..
"Tara?" sabay lahad ng malambot nyang kamay.. Tumango naman ako atsaka hinawakan ang kamay nya..
Halos manlaki ang mga mata nila Mommy at Daddy ng makita nila ang magkadaop naming kamay..
"Anong meron?" sabay turo ni Mommy sa mga kamay namin..
"Eh, ito ba? Matagal naman po kaming naghahawakan ng kamay ah.." nahihiyang wika ko sa kanilang dalawa..
"Oo nga, pero not like that.." natatawang turan ni Mommy.. Hay, grabe naman, magkadaop lang ng kamay eh, big deal agad..
"May hindi ba kami alam ha?" natatawang wika ni Daddy..
"Po? Daddy Nick naman.." nahihiyang wika ni Green sabay hila sa upuan ko.. Napapailing na lang sya dahil sa mga tinginan namin na kulang nalang ay mag-apoy kaming dalawa dahil sa sobrang init nito..
"Ehem, kain muna, bago titig kasi.." natatawang wika ni Mommy kay Green na halatang ayaw pang kumain kahit na kumpleto ang hotdogs na nasa pinggan nya.. Gamit ang kaliwang kamay nya, kinapa nya ang platong nasa harapan nya para kunin ang hotdog na hindi man lang nagbebreak sa mainit naming tinginan.. At ang mga kamay namin sa ilalim ng mesa? Nagmistulang clamps na ayaw ng magkahiwalay pa.. SA totoo lang ang awkward ng dating, pero ewan ko ba, at nagiging at ease kami sa harapan ng parents ko..
"Hotdog?" parang engot na wika nya sabay wagayway nito sa harap ng mukha ko..
"Ah s-sige.." nakakahiya naman kasi sakanya kung tatanggihan ko sya.. Kumagat lang ako ng konti tsaka naki-usap na akong bitawan nya ang kamay ko para makakain na ko.. Buti at madaling kausap si Green kaya nakakain na rin kaming dalawa ng maayos..
Habang masaya kaming kumakain, may biglang hindi inaasahang bisita ang dumating.. Nasa pinto palang ang bisita at akmang kakatok pa lang, habang ang katabi ko naman ay sobrang aligaga na.. Waring sinisilaban ang pwet nito sa sobrang likot nya..
"Green, bakit?" nag-aalalang tanong ni Mommy.. Hindi kasi sya ganito kalikot eh.. Lalo na nung aso pa sya.. Sobrang bait nga nya at isang utos mo lang makikinig na sya..
BINABASA MO ANG
Green's 3 Wishes (short story)
Short StoryWell, una sa lahat ngayon lang to pumasok sa isip ko eh.. Sayang kung bigla nalang mabura.. Short story lang to kaya pagpasensyahan nyo na kamamatay lang ng isa sa mga paborito kung aso.. So tribute ko to sa kanya.. Gxg pa din to ha? Pero may twist...