The Last Part 2: Khareincutie's way

285 19 2
                                    

Annika's POV

"Annikaaaa.. Please gumising ka na! Anjan na si Frank!" sigaw ni Green sa pagmumukha ko sabay yugyog sa katawan ko.. Naman! Pagod na pagod ako kasi naglinis kami ni Green ng buong bahay kanina..

"Oo na.. Teka, sabihin mo maliligo lang ako.." humihikab na wika ko sa kanya.. 

"Sorry pero, ah.. Pinapasok ko sya rito.." natigilan naman ako sa sinabi nya tsaka napatayo na ako sa sobrang gulat.. At doon nga sa may sulok, isang nakagapos na Frank ang nabungaran ko.. At may busal pa talaga ang bibig nya..

"Green!!! Anong ginawa mo?! Ba't mo sya ginapos?! Tsaka binusalan mo pa ang bibig!" inis na wika ko at pinuntahan ko na si Frank at kinalagan..

"Eh, natutulog ka pa kasiii.. B-baka gapangin ka nya.." nahihiyang wika nya tsaka tinulungan na nya akong kalagan si Frank..

"Ok lang, masaya palang kalaro itong si Green.." halatang tensyonado sya sa pagsasalita.. At si Green? Halatang gulity..

"Ayoko ng mangyari ito ha? Green?" kalmadong turan ko sa kanya.. Ngumit naman sya at nagthumbs up..

"Basta ba di ka nya sasaktan, wala kaming problema.." tsaka ito naggrowl..

"Down girl.. Down.." takot na wika ni Frank sabay tago sa likod ko.. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa, isang super protective, at isang napakalampa.. Ewan ko kung saan ako lulugar sa kanila eh..

"Oh sya, maliligo na ako.." paalam ko sa kanilang dalawa..

"Ok, tara na sa baba!" si Green sabay hila sa kwelyo ni Frank..

"Hoy dahan-dahan naman! Bagong bili tong polo ko eh!" reklamo ni Frank habang nakasampa na sa may sahig..

"Wapakels.. Tara na.. Baka bosohan mo pa si Annika.." at wala na ngang nagawa si Frank kundi ang magpahila kay Green gamit ang kwelyo ng damit nya.. Hay, grabe talaga si Green, halos araw-araw na nandito si Frank kelangan na andun rin sya.. Di tuloy kami makapag-usap..

Tumuloy na ko sa banyo ng makalabas na sila ng kwarto ko.. Hay, date sana namin ngayon ni Frank, kaso, SANA lang.. Kasama si Green eh, utos ni Daddy.. 

Pagpasok namin sa isang medyo may kamahalang restaurant, agad na pinaghila ako ni Frank ng upuan..

"Thank you Hon.." Uupo na sana ako ng..

"Eheeem.." tawag ni Green sa atensyon ko sabay turo sa upuan na nakaprepare para sa'kin.. Napatingin naman ako kay Frank, na nagkakamot sa batok nya.. 

"Sige na Hon, dun ka na.." nanghihinayang na wika nya.. Padabog nalang akong naglakad patungo kay Green tsaka padabog na umupo sa upuan..

"Good boy Frank.. Good boy.." pang-aasar pa ni Green sa kanya.. Kinurot ko ang beywang nya, tsaka sya hinila payuko sa kina-uupuan ko..

"Sa bahay na tayo mag-usap! Susumbong kita kay Mommy!" singhal ko sa kanya.. Pero ang walang hiya?! Ngumiti lang ng nakakaloko tsaka ito naupo sa tapat namin ni Frank..

"Ah.. Annika, pili ka na?" sabay abot sa'kin ng menu.. 

"Thank.. Green!!!" tili ko dahil inagaw nya sa kamay ni Frank ang menu, kaya nabasag ang ilang mga wine glass.. Mabilis namang rumesponde ang ilang waiter na andun at nilinis ang nagkalat na mga bubog..

"Ako na ang pipili.." sungit nya sa'kin.. Ansarap nyang patayin!!!! Sa kurot!

"Waiter.. Lahat ng nakasulat rito sa first page, yun ang akin.. Kay Annika, itong page 2 hanggang page 5.. Sa lalakeng panget na yan, isang truck ng toothpick! Sya din magababayad nito lahat..  Eto tip mo.." sabay bigay ng isang supot ng candy sa kamay ng waiter.. 

Green's 3 Wishes (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon