Green's POV
"Annika, okay na ba to?" nahihiyang tanong ko sa kanya dahil halatang kanina pa sya nagpipigil ng tawa..
"Yup! Pfft.." sabay takip nya sa bibig nya.. Napakamot naman ako sa may batok ko, halata kasing natatawa na sya..
"Hon, ba't dito kayo namimili sa may Filipiniana section? Oh my.." biglang natahimik si Frank dahil siniko sya ni Annika.. Medyo may kalakasan nga yon dahil napayuko na sya..
"Bagay sa kanya diba HON?" nanlalaki ang mga matang turan nya kay Frank..
"Yes! B-bagay na bagay Green!" sabay thumbs up pa nya.. Tsk..
"Okay, ito na Annika, ito na ang bibilhin ko.." nakangiting wika ko sa kanilang dalawa.. Napalunok naman si Frank dahil sa naging desisyon ko.. Mukhang may problema ang isang to.. O baka nagiging Trojan horse na naman? Gaya ng ginawa ni Troy kay Annika before.. Malaman ko lang talaga, papatayin ko sya sa kagat!
"S-sure ka ba jan Green?" mas lalo lang akong naguluhan dahil inapakan ni Annika ang paa ni Frank na naging sanhi ng pagsigaw nito..
"Oo, tara ito nalang.. Kawawa ka naman eh, kanina ka pa binubugbog ni Annika.. Tsaka, i trust her naman eh.. Diba Annika?" lambing ko na sa kanya.. Ngumiti naman sya ng malapad tsaka nya niya nilaro ang leeg ko..
"Moreeee.." at tiningala ko na ang leeg ko para mas mapagpala nya ng mabuti..
"Tama na, malelate ka nyan mamaya sige ka.." sabay kindat.. Damn! Mabilis ko namang kinuha ang mga damit ko at pumasok na sa loob ng fiiting room para makapagbihis na..
Pagdating sa bahay, ay tiyempo namang aalis na sina Mommy Beth at DAddy Nick.. Oo nga pala anniversary nila ngayon, at kelangan raw nila ng quality time..
"Oh Annika, Frank, kayo ng bahala sa kapatid nyo ha? Wag kayong umalis hangga't hindi natatapos ang date nila.. Annika, magpaka-ate ka.. Kahit nasa isang 21 years old ang katawan ni Green, ang isip nyan parang diyes anyos lang.." napakamot naman ako sa instruction ni Daddy Nick kay Annika.. Kelangan pa ba ang mga yon?
"Oo na po, ako ng bahala sa kanya.. Mag-enjoy na lang po kayo Dad! Mom, behave!" natawa naman si Mommy Beth sa tinuran nya at kinurot nya si Annika sa may beywang na waring kiniliti..
"Yes Boss! Sige na una na kami.. Ayusan mo ang kapatid mo ha? Baka magmukhang katulong yan! Sinasabi ko sayo Annika!" banat pa ni Mommy Beth bago sila tuluyang umalis..
"Ngayon.. Maligo ka na mahal na prinsesa at ng makapag-ayos ka na! Bilis!" at walang anu-ano'y pumanhik na ko sa kwarto namin at naligo na't lahat-lahat.. Pagkatapos kong maligo, inayusan na'ko ni Annika at parang hindi ata lumampas ng 20 mins natapos na agad kami.. Pagbaba namin, ay andun na pala si Frank at busy sa pagbabasa ng magazine..
"Ehem.. Tara na?" tawag ni Annika sa atensyon ni Frank.. Tumayo naman sya agad at tumingin sa'ming dalawa.. Napanganga naman ito at sa kalaunan ay napatampal sa noo nya.. Hinila nya si Annika patungo sa may kusina at kahit na sobrang hina ng mga boses nila ay alam kong nagtatalo silang dalawa..
"Wag mo kong paki-alaman Frank! Sinasabi ko sayo, ibebreak talaga kita!" banta ni Annika kay Frank..
"Tsk, Hon naman kasi, maawa ka naman sa kanya.. Wala namang ginagawang masama sayo yung tao eh.." teka, ako ba ang pinag-aawayan nila? Hanggang sa natapos na sila at ang lapad ng ngiti ni Annika habang si Frank naman ay nakayuko lang.. Mukhang wala rin syang nagawa eh.. That's my Annika!
Pagdating namin sa isang hotel, agad naman akong inakay ng isang valet pababa ng sasakyan..
"A-annika.." natatakot na turan ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
Green's 3 Wishes (short story)
Short StoryWell, una sa lahat ngayon lang to pumasok sa isip ko eh.. Sayang kung bigla nalang mabura.. Short story lang to kaya pagpasensyahan nyo na kamamatay lang ng isa sa mga paborito kung aso.. So tribute ko to sa kanya.. Gxg pa din to ha? Pero may twist...