Annika's POV
"Oh, anak.. Pagod na pagod ah?" si mommy sabay kuha ng mga dala kong pasalubong maliban sa isang supot.. Para kay Green kasi..
"Oo eh, andami kasing nakatambak na paperworks, tas yung boss ko, minamadali nya kami para magsubmit sa susunod na linggo.." malungkot na wika ko sabay marahas na umupo sa may couch..
"Kaya pala, anong gusto mong ulam? Sinigang na baboy ba?" napa-upo naman ako ng maayos tsaka masiglang tumango..
"Okay, pahinga ka na muna.. Ako na bahala.." tsaka tumalikod sya at nagpunta sa may kusina para magluto.. Teka, nasaan na yon? Himala at hindi nya ko sinalubong ng halik at yakap..
"Mom? Si Green po?" sigaw ko kay Mommy habang tamad na tamad akong kumilos..
"Nasa taas.. Baka tulog? Pakigising naman anak.. Kanina pa yon sa kwarto nyo.." sigaw rin nya habang busy sya sa kusina.. Kahit tamad na tamad akong maglakad ay pinuntahan ko na sya dala ang supot na pasalubong ko.. Kahit papano, namimiss ko ang damulag na yon.. Malayo palang ako sa kwarto namin, pero rinig ko na ang malakas na music na nagmumula kwarto namin..
"Green?" tawag ko sa kanya.. Pero hindi ito sumagot.. Kaya binuksan ko na ang pinto at nakita ko syang naka-upo paharap sa TV habang titig na titig sa babaeng kumakanta.. Rather, nahihipnotismo sya sa babaeng na sobrang galing nito kumanta.. Maganda sya, at sobrang gaan nga ng aura nito habang bumibirit..
"Again!" sabay pindot nya sa remote at pinihit ang rewind button.. At nagsimula na namang kumanta ang babae.. Hanggang sa matapos ulit ang babae.. irerewind na naman sana nya ang music video ng kinuha ko na ang atensyon nya..
"Ehem!!" tawag ko sa kanya sabay taas sa dala kong pasalubong.. Lumingon naman sya sa'kin at tumayo na agad..
"Annika!!! Ba't di ka nagsabi na anjan ka na pala.. Halika! Panoorin mo to oh!" sabay play na naman nya sa kumakantang babae.. Ngayon, ay sinasabayan na nya ito..
"Ang ganda nya ano?" tanong nya ng magsawa na sya sa pagkanta..
"Oo nga eh, anong name nya?" nag-isip sya sandali tsaka kinuha ang lalagyan ng dvd at ibinigay sa'kin..
"BabyLove! Sya si BabyLove.." natawa naman ako sa sinabi nya, may pangalan bang ganon? Halatang nainis sya sa sinabi ko kaya kinuha nya ang dvd..
"Hoyy Green.. Biro lang naman eh.."
"Tsk di nga po ako marunong magbasa, sinabi lang ni inday na kakaibabe ang nakalagay jan sa dvd.." nagtatampong turan nya.. Hindi ko naman matiis na magtampo sya ng ganon sa'kin kaya tumayo na rin ako at niyakap ko ang beywang nya ng mahigpit..
"Green.. Sorry na.." lambing ko sa kanya..
"Oo na.. Wala naman yon eh, bitaw ka na Annika.. Liligpitin ko muna tong kalat ko, baka magalit si Mommy Beth, magrounded pa ko.." mahinang turan nya pero hindi man lang ito nag-abalang hawiin ang pagkakayakap ko sa katawan nya..
"Ayoko ko! Mamaya na yan, miss pa kita eh.." lambing ko pa rin sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa katawan nya.. May naisip akong kapilyahan tsaka ko sya kiniliti sa may tyan.. Namiss ko talaga yung dating aso ko palang sya..
"A-annika.. More pa.." parang nasasapian wika nya sabay tumihaya sya sa may kama namin.. Hahahaha, nakakamiss talaga yung ganitong bonding naming dalawa, yung tipong kami lang ang nilalang sa buong mundo.. Hanggang sa natigil kami dahil biglang sumigaw si Mommy sa baba dahil kakain na raw..
"Tara na?" nakangiting turan ko sa kanya.. Tumango naman sya at akmang liligpitin ang kalat sa kwarto ng hinila ko sya papalabas sana ng kwarto.. Pero sa kasamaang palad, pakalat-kalat ang ilang damit namin kaya nadulas kaming pareho..

BINABASA MO ANG
Green's 3 Wishes (short story)
Short StoryWell, una sa lahat ngayon lang to pumasok sa isip ko eh.. Sayang kung bigla nalang mabura.. Short story lang to kaya pagpasensyahan nyo na kamamatay lang ng isa sa mga paborito kung aso.. So tribute ko to sa kanya.. Gxg pa din to ha? Pero may twist...