The Impossible

383 21 10
                                    

Annika's POV

"Hindi si Green yan! Daddy! Alam mong hindi sya yan! Look at her, tao yan.. Habang si Green ko ay aso.. Maybe their eyes, may resemblance pero naman! Hindi sya yan.." nasasaktang turan ko sa kanya.. Ganon ba sya ka attached kay Green at pati kahit tao na nagkukumahog na pagsilbihan sya ay si Green ang nakikita nya?

"No ija, sya ito.. Look at her mannerisms.. P-pati na rin ang.."

"Stop it Nick! Just please stop it.. Alam nating pareho kung gano kamahal ng anak natin ang asong yun, at pati tayo nasaktan nung mawala na sya.. Pero Nick naman! Wag mong parusahan ang anak natin.. Alam mong kamamatay lang ni Green eh, at fresh na fresh pa ang mga sugat sa puso natin.. At ngayon, dadagdagan mo pa ng mas malalim na sugat?!" sabay tingin nya sa babaeng weirdo na naka-upo sa may lapag.. Kung kanina, nakalawit ang dila nitong nakatingin sa mga mata ni Daddy, ngayon ay nakayuko na ito.. Waring nasasaktan sya..

Napatingin naman ako kay Daddy na waring nasaktan din.. Kilala ko sya, sya yung tipo ng tao na hindi emosyonal, pero pagdating talaga kay Green, napapatawa sya, napapahalakhak pa.. At gaya nga nung nangyari, umiyak ito na waring isang anak nya ang nawala..

"Daddy Nick.." lambing ng babaeng yon sa Daddy ko.. Naman, nakikidaddy pa talaga sya?!

"Shhh.. Ok lang ija.. I-ikaw ba talaga si Green?" sabay haplos ni Daddy sa leeg ng babae.. Bigla kaming nagulat ng humiga ito ng patihaya na waring nagpaparub sa tyan nya.. Pero hindi ginawa ni Daddy syempre, nakaka-ilang kaya.. At hello?!!! Andito kami ng Mommy ko! Baka maging warfreak to at kumuha ng granada baka goodbye Philippines kaming lahat na andito.. Nang matanto nyang hindi irarub ni Daddy ang tyan nya, ay bumalik na din ito kakaupo na may disappointment sa mga mata nya.. Naman!! Parang si Green nga to kung umasta!

Ilang sandali lang kaming tahimik ng biglang napangiti ang Daddy.. Sumenyas sya na lumapit kami ng Mommy sa kinaroroonan nilang dalawa..

"May ideya na ko, kung pano namin mapapatunayan na si Green nga ito.." biglang salita ni Daddy, at mukhang confident na confident sya..

"Paano?" sabay na turan namin ng Mommy..

"Simple lang.. Kung si Green nga sya, malalaman nya ang tatlong bagay na narito sa duffle bag ko.." sabay wink nya sa'ming tatlo.. At ang babae? Sobrang excited na.. Kaya pagbibigyan namin sya..

"SA isang kondisyon.." si Mommy..

"Aalis ka rito ija, at hindi na muling magpapakita pa.. Naiintindihan mo ba?!" galit na wika ni Mommy.. Napawhimper naman ang babae na tila natatakot sa kondisyon ng Mommy ko.. Pero sa kalaunan, tumango nalang ito dahil wala naman syang magagawa eh..

"Sige ija, ano ang mga laman ng bag kong to?" sabay abot ni Daddy ng bag nya sa'min ni Mommy.. Hindi namin binubuksan ang bag baka kasi masilip nya o maamoy ang laman nun..

"I-isang high caliber na shotgun, Interstate Arms Hawk Model 982.. R-regalo ng kapatid mo Daddy Nick nung minsang umuwi sya ng Pilipinas.. S-sinama mo pa nga ako ng magpractice kayo ng firing sa isang private na subdivision.." di namin maiwasang magkatinginang tatlo dahil tama lahat ang sinabi nya.. Napangiti naman ng malaki si Daddy na waring nanalo sa isang pustahan..

"Okay, ang pangalawa anak.." nakangiting wika ni Daddy sabay haplos nya sa ulo ng babae..

"Wallet po.. Andito yung apat na ID nyo, dalawang original na registration ng mga kotse nyo, tsapa nyo, p-picture nyong mag-anak, pati picture ko nung puppy pa lang ako.." walang kahirap-hirap na nagsalita ito tungkol sa laman ng wallet ni Daddy..  

"Ang galing ng Baby ko!! Oh, pangatlo naman.." tuwang-tuwa na wika ni Daddy habang hinahaplos nya ang tenga nung babae.. Mas naging excited naman ang babae sa ginagawang yon ni Daddy kaya tumikhim na si Mommy na halatang nagseselos na.. Mabilis namang itinigil ni Daddy ang gingagawa nya..

Green's 3 Wishes (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon