Mourning

290 21 0
                                    

Annika's POV

Halos wala akong tulog sa sobrang lungkot ko dahil sa nangyari kay Green.. Pati nga sina Mom at Dad, waring namatayan ng anak sa pagluluksa nila.. At ako?! Namatay lang naman ang bestfriend / girlfriend / kapatid / anak ko.. Sya lang ang tanging nagpapasaya sa tuwing malungkot ako, sa tuwing may hindi magandang ginagawa si Troy sa likod ko.. Green! Please, kung nasaan ka man, sana'y maraming hotdog jan! SAna may mas masarap pang magluto kesa kay Mommy na willin kang ipagluto kahit anong oras mo man gusto!

"Ija, tama na.. Wag ka ng umiyak.." pagpapatahan nilang dalawa sa'kin.. Eh kung mas tutuusin mas grabe pa silang umiyak..

"M-masaya sa sya dun ija, atsaka maraming hotdogs dun.. Akala mo ha.." nagpapatawang wika ni Daddy habang hinahagod ang likod ko..

"P-pero Mom, Dad, mamimiss ko talaga sya.. Wala ng makulit at sobrang thoughtful na aso.. S-sana! Andito pa din sya.." hindi ko na naman maiwasang humikbi pa habang hawak ko ang collar nya pati na rin ang pink bow tie na pinasadya pa talaga naming ipagawa para sa kanya.. Miss ko na talaga sya..

"Ah.. Bhe.." napalingon kaming tatlo ng biglang may tumawag sa atensyon namin.. At oo, ang boyfriend ko.. Si Troy.. Naramdaman kong nawala ang gana nila Mommy dahil dumating sya.. Kaya umalis na sila ng wala man lang pagbati sa mahal ko.. Oo, mahal ko to kahit minsan g*go.. I mean palagi..

"Sorry sa nangyari.. Hindi ko alam kung pano ko ipapahiwatig ang kalungkutan ko sa inyo.." ramdam ko naman ang sincerity nya sabay abot ng mga bulaklak.. Napangiti naman ako, at least hindi na yung mabaho.. I'm sure matutuwa si Green nito..

"Ok lang.. Salamat nga pala dito.." sabay kuha ko sa inaabot nyang bulaklak.. Inilagay ko naman ito sa may altar.. Sa tabi ng litrato ni Green habang may subong hotdog.. Hay, ang cute nya talaga..

Nag-usap lang kami ni Troy at makalipas ang ilang oras, nagpaalam na ito.. Dahil gumagabi na rin, mahirap na sa panahon ngayon..

"Ija, matulog ka na.. Alam kong pagod na pagod ka na, buong araw ka ding nag-entertain ng mga bisita eh.." oo, inalayan talaga namin ng padasal at kung anu-ano pa si Green.. Kahit ganon un, itinuring na rin naming isang kapamilya sya..

Naghalf bath lang ako saglit bago naisipan kong mahiga.. Napatingin naman ako sa lapag, kung saan nakakalat ang mga laruan ni Green mula nung puppy pa sya.. Mula sa chew toy nya, sa chew bone.. Hanggang sa mga leash nya.. Hindi ko talaga maiwasang maging emosyonal dahil sa pagkawala nya..

"Sana nandito ka pa!!" sigaw ko sa kawalan.. Napahiga nalang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.. Hanggang sa may maliwanag na tumatama sa mukha ko.. A-ano yon? Mabilis kong inapak ang mga paa ko sa sahig at sinundan ang maliwanag na bagay na nasa labas ng bintana ko..

"Ang ganda!!!" parang humahalik ang buwan sa mukha ko sa sobrang laki nito.. Habang ina admire ko ang malaking buwan bigla na lang akong napapitlag ng may kung anong hayop na nagbabagang puti pababa sa buwan..

"Woaaah!!" hindi ko mapigilang ma amused sa nakikita ko.. Ang akala ko, sadyang maliwanag lang ang buwan kaya nagmumukhang may mga aninong puti na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko.. Pero hindi..

"T-tabi Annika!!" sigaw nito habang mabilis na tumatakbo sa ere papalapit sa kinaroroonan ko..

"A-anong.." hindi ko na namalayang nagcrashed sya sa harap ko.. At parehong nauntog ang mga noo namin..

"Awww!!!" parehong turan namin sabay haplos sa mga noo naming dalawa..

"Halaaa.. Nasaktan ka ba?! Sorry mahal ko!! Hindi ko sinasadya.. Naman kasi, sabing bukas na kita pupuntahan eh.. Dahil alam kong gabi na! Sorry ha?" malambing na turan nya sabay dila sa noo kong nasaktan.. Mabilis ko syang naitulak sa sobrang taka ko at ang pinakanakakagulat?! Hubo't hubad lang naman sya habang titig na titig ang asul nitong mga mata sa mukha ko.. Damn! Ang ganda ng katawan nya! Mas maganda pa kesa sa katawan kooo.. Nakaka-insecureee:(

Green's 3 Wishes (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon