Chapter 4: Monster Dad!

70 8 3
                                        

Aldwyn's POV

Nandito na kami ngayon sa bahay. Inaantay namin si Dad. Itong babaeng kasama ko hindi mapakali. Kanina pa daldal ng daldal! Hindi ko nalang sya pinakinggan.

"Ano ba?! Hoy! Inip na inip nako dito ah!" Reklamo na naman nya.

Anong magagawa ko? Nasaan na ba kasi si Dad.

Dialing dad..

Ringgg.. Ring.. Ring..

Ano ba. Sagutin mo naman dad! Palagi nalang syang busy.

"Hoy! Bahala ka! Uuwi nako!" Pagkasabi nya non ay tumayo na sya. Mapalit na sya sa pinto. Lalapit sana ako para pigilan sya pero biglang bumukaw ang pinto sa harap nya.

Si Dad. Dumating din sya!

Tiningnan ko ang mukha ni Kaisha. Nakakatawa sya. Gulat na gulat bigla syang tumungo.

"Buti naman at dumating kana dad." Bati ko sakanya at lumapit sabtabi ni Kaisha.

"Pst. Sya ba ang daddy mo?" Buling sakin nitong katabi ko.

"Dipa ba halata sa pagtawag ko ng Dad?" Grabe wala syang common sense.

Pagkasabi ko nun. Tumitig lang sya ng masama.

"Ano ba ang importanteng sasabihin mo? Alam mo bang may meeting pang nag aantay sakin. Sinasayang mo ang oras ko!" Sigaw ni Dad saakin. Palagi namang ganyan yan. Sinanay ko nalang ang sarili ko.

"Dad. I just want you to meet my girlfriend. Dad, konting oras lang please." Malumanay ako pag sya ang kausap ko. Takot ako kay Dad. Dahil alam ko ang mga pwede nyang gawin.

"Ano pa ba ang magagawa ko diba?" Sagot nya habang naglalakad papunta sa sala. Umupo sya. At sumunod ako na higit higit tong si Kaisha. Please lang sana umayon lahat sa plano ko.

"Hoy! Ayoko na! uuwi nako. Nakakatakot ang daddy mo!" Mahinang sabi sakin ni Kaisha habang papunta kami sa tapat ng kinauupuan ni Dad.

"Hindi pwede! Umayos ka." Sagot ko sakanya. Umupo kami sa upuang katapat ng kay dad.

"Oh ano nga ulit ang pag uusapan?" Tanong ni Dad.

"Dad, Meet my girlfriend. Kaisha" Pagkasabi ko nun tumayo ako at hinigit ko si kaisha para tumayo din. Nakasimangot na sya. Tinapakan ko nga sya. Napatingin sya sakin. Tiningnan ko sya ng masama. Nag okay fine face sya saakin. Mabuti naman.

"Maggreet ka naman!" Bulong ko sakanya patalikod.

"Nag sisimula nakong mainis. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko!" Sagot nya. Wala akong pakialam sa inis nya!

"Umayos ka tandaan mo deal to!" Sagot ko ulit sakanya.

"Whatever! Like father like son talaga!" Muli nya pang sagot. Diko na sya pinansin.

Tinitigan ko sya ng masama.

"He- hello po" nauutal pa nyang sabi kay dad. Mabuti naman at marunong din namang gumalang to. Itinaas nya pa ang kamay nya para makipagkamay kay dad. Tiningnan ko naman ang reaction ni Dad. Ang sama ng tingin. Tiningnan nya lang ang kamay ni Kaisha.

"o-okay. NICE to meet you po." Sabi nya na talagang diniinan ang pagkakasabi ng NICE. Napatingin tuloy bigla si Dad sakanya. Tinitigan sya nitong mabuti.

"Ito ba ang pinagmamalaki mong ipapakilala sakin ALDWYN?!" Sigaw ni Dad sakin habang kay Kaisha parin nakatingin. Tiningnan ko si Kaisha. Mukhang nagulat sya sa sigaw ni Dad.

That Mutual ThingyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon