Kaisha's POV
Lahat talaga gumugulo dahil sa lalaking yun! Palagi syang umeepal sa buhay ko. Pagka bitter bitter ba naman!
Heto tuloy ako ngayon, Mag isa -_- At palagi nalang akong napapa office. At alam nyo ba ang mga dahilan? Pareparehas lang, Lahat dahil sa babaerong mokong na yon! Dapat hindi malaman ng parents ko to dahil baka ilipat nila ako sa ibang University. Nakiusap lang kasi ako na dito ako pumasok dahil sa mga kaibigan ko.
Haist. Ang gulo gulo ng utak ko ngayon. Isipin nyo broken hearted na nga ako tapos napa office pa! Pagbabayaran to ng gunggong na yun! Tsk.
Makapunta na nga sa office ni Mam. Pakikiusapan ko nalang si Mam.
Aldwyn's POV
"So where is Kaisha? Bakit ikaw lang?" Tanong sakin ni Mam Ladao. Andito nako sa office nya.
"Sabi nya po ayaw nyang pumunta" Hahaha. Lagot ka sakin ngayon babae!
"WHAT?!" Galit na tanong ni Mam Ladao.
"Opo mam. Kaya pwede ba bilisan nyo na po kung anong sasabihin nyo" Dipwedeng makaabot ang babaeng yon!
"I need to talk to your parents! Bukas na bukas din! At si Kaish-- KAISHA!" Nasigaw si mam sa likod ko.
Pagtingin ko. Oh well! Dumating pa sya. Tsk. Humanda sya saakin.
"Miss Kaisha! Dumating kapa? akala ko ba ayaw mong pumunta? Pwes ayaw kitang makausap. I need your parents. Sila ang kakausapin ko sa Attitude mo ngayon! Go!" Sigaw ni Mam. Aha! Galit na galit si Mam sa kanya! Hahaha.
Tulalang tulala sya. Hahaha!
"Mam? Pero mam. No hindi po pwede. Mam please kahit ano po gagawin ko please wag nyo lang po silang papuntahin. Please." Pagmamakaawa nya. Akala mong anghel! Buti kung madala pa nya si Mam sa paganyan ganyan nya. Hahaha.
"No! Parents mo ang kailangan ko. Bukas na bukas din. So both of you! Go out to my office now! NOW!" Parang nasapian si Mam sa sobrang lakas ng sigaw nya kaya lumabas na ako at dali dali namang sumunod tong babaeng to. Nakakatawa amg itsura nya. Magderederecho na sya sa paglalakad. Pero pinigilan ko sya.
"Heeep! At saan ka pupunta? May kasalanan ka pa saakin remember?!" Pigil ko sakanya. Hinawakan ko ang braso nya baka tumakbo na naman eh.
"PWEDE BA? Sa pagkakaalam ko! IKAW ang may atraso saakin! Kasalanan mo lahat to! Dahil sayo baka magalit saakin ang parents ko!" Sigaw nya at hinila ang kamay nya. Kaso mas malakas ako kaya hindi sya makakawala.
"Ikaw ang may kasalanan nito! You need to pay for this!" Sagot ko sakanya tinignan ko sya ng masama!
"Ako?! Ako pa ngayon! Palagi kang nanggugulo! Ikaw ang epal sa buhay ko eh!" Nakipagtitigan din sya sakin.
Napatingin sya sa likod ko. Napatingin din ako. At hulaan nyo sino ang nakita nya? Ha-Ha-Ha! Ang boyfriend nya na may kaakbay na babae lang naman.
Nagulat ako at bigla syang tumabi saakin. At binulungan ako.
"Makinig ka. Akbayan mo ako! Bilis!" Utos nya saakin.
"Pano pag ayoko?" Sabi ko sabay ngise sakanya.
"Quits na tayo pag ginawa mo yun! Bilis na!" Pilit nya sakin.
"Ayoko nyan. Pag ginawa ko ang utos mo ibig sabihin uutusan rin kita. Deal?" Hahaha. May naiisip akong plano!