Chapter 7: Stranger kiss!

53 6 3
                                        

Kaisha's POV

Bakit ba lahat ng minamahal ko hindi ako magawang mahalin ng tama? Hindi ako masuklian ng tamang pagmamahal? Gusto ko lang naman mahanap si soulmate at magiging happy na kami forever.  Bakit ba ang tagal tagal niyang dumating? Si dora naman kasi! Hindi binigay ang mapa niya para mabilis akong mahanap e.

"Sis bakit ganon.. Palpak nalang ako palagi. Kung may hari ng sablay, ako naman ang reyna" -_- Napatigil naman sila sa paghigop sa slurpy nila. Nasa Seven eleven kasi kami walang pasok e. Bonding talaga namin to.

"Ganyan talaga. May perfect time para salahat girl! Nako kaisha ah wag kang magdrama dito, Kailangan nating magpakasaya ngayon" Halata namang nainis si colly sa sinabi ko. Sabi kasi nila sawang sawa na sila sa paulit ulit na kwento. Ang bait nila diba? -_-

"Mabuti pa may naisip ako! It's all about DARE! Baka dito mo makilala ang soulmate mo! " Sabay hampas ni xena sakin. Yung totoo? Pag excited siya kailangan saktan ako? -_- Masakit na nga ang puso ko sasaktan niya pa ako physically. Ts!

"Anong pakulo na naman ba yan?!" Irita kong tanong habang hinihimas ko ung balikat ko na hinampas niya. Infairness ang bigat ng kamay niya! =_=

"Black dare! Tara bilis! Sundan niyo ko!" Sundan daw siya pero kinaladkad niya kaming pareha ni colly. Kaibigan ko ba talaga to. :3

Sa pagkaladkad niya saamin nakarating kami sa labas ng Seven-Eleven. Matao masyado, tabing kalsada. Ano na naman bang naiisip nitong si xena, Wala na ata ito sa katinuan e.

"Wow talaga! Sarap ng kaladkad mo friend! Hindi ganito magpahirap ng kaibigan! Ibahin mo style mo teh!" Iritang irita na talaga ako sakanya >…<

"Hindi ah! Masyado lang talaga akong nagmamahal sainyo sis! Isipin niyo nalang pagmamahal yun! Hahaha!" Nakuha niya pang tawanan kami ano?

"Whatever! So what's with the black dare? siguraduhin mong ka-enjoy- enjoy to! Kundi kakalbuhin talaga kita xena!" Sigaw sakanya ni Colly. Siguraduhin niya lang talaga dahil ganitong mainit ang ulo ko! Nako!

"Oo na! I'm sure mag eenjoy kayo! Ganito kung sino mang unang makita nating nakablack na damit at nakashade ang dumaan sa harap natin, I-ki-kiss mo Colly!" Pabitin niya. Mukha namang nagustuhan ni Colly ang dare nitong bruha. Biglang nagbago ang awra e.

"At ikaw naman kaisha.. Yung taong kasama nung lalaking nakablack ang hahalikan mo! Ano? Walang angalan ha!" WHAT? Mukha naman ata kaming baliw nun!

"Ha? Ayoko! Ayoko nga!" Grabe noh baka manyak pa ang biglang dumaan dito magahasa pa kami ng dahil sa mga pakulo nito!

" I said walang angalan! Pag umangal ka pa, May mas malala pa akong dare na ipapagawa sayo! Kaisha wag ka namang  KJ!" Hanep naman oh dinaan pako sa galit niya. "Kaisha! It's just a dare!" Sigaw naman ni colly. Oo na may magagawa pa ba ako? Dalawa sila isa lang ako -_-

"FINE! OO NA! As if naman may magagawa pa ko!" Palagi naman nila akong pinagtutulungan! Ts.

"Oh ha! So deal na kami! Eh ikaw xena ano naman ang gagawin mo?" Oo nga siya wala namang binanggit na gagawin hanep!

"Hindi ko ba nasabi? Ganito, Pag nagawa niyong parehas ang pinagagawa ko. Paalala muna, dapat  atleast tig- 5 second kayo ng kiss tapos tatakbo kayo ah! Pag nagawa niyo nga yun pwede niyo akong utusan kahit ano! Pero pag hindi niyo nagawa, May isa pa akong dare! At yun ay malalaman niyo nalang later! Kaya dapat magawa niyo ah! Goodluck girls! Hahahahaha" Bakit ba kahit labag sa loob namin napayag parin kami? Napakaraming kalokohan nitong xena nato!

That Mutual ThingyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon