Chapter 8: Oh no!

24 6 1
                                    

Kaisha's POV

Bakit ba iniisip ko parin ang lalaking yun? Haist!

"Kaisha? Ang lalim ata ng iniisip mo? Andito na tayo baby." Sabi ni Mommy. Hinatid niya kasi ako ngayon.

"Ah wala mommy, exam kasi namin e. Sige mom baba napo ako. I love you ingat po sa pagddrive"

"Sige baby mag aral ng mabuti ha. Goodluck sa test. Bye I love you anak" Nginitian ko lamg siya at isinara na ang pinto ng kotse.  Ganyan talaga ka sweet ang mom ko.

Naglakad na ako papasok sa school. Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng lahat. Bakit?Ano bang meron? Madumi ba ang mukha ko?

Kinuha ko ang salamin ko sa bag ko. Tiningnan ko ang mukha ko, Wala namanh dumi? Maganda parin ako.

Ngayon lang ba nila na-appreciate ang natural beauty ko? Ang hirap naman pag pinagkakaguluhan oh.

Nagdere- derecho nalang ako sa paglalakad. Bakit ba hindi ko makita sila colly at xena? Nakakainis naman baka late na naman yung dalawang yun. Si mommy naman kasi e. Ang aga aga akong hinatid -_-

Pumasok nalang ako sa room ko. Pero nagulat ako sa nakita kong nakasulat sa board.

KAISHA! HUMANDA KA SAAKIN! MANYAKIS!

Tiningnan ko nang masama lahat ng kaklase ko. "Sinong nagsulat nito?! Magsalita kayo!"

Pero ni- isa walang nagsasalita. Hindi kaya si Aldwyn? Teka asaan ba si aldwyn?

"Si aldwyn ba ang nagsulat nito?! Umamin kayo!" Sigaw ko parin kinalampag ko na ang desk sa harapan. Talagang naiinis na ako!

"Hindi siya." Sigaw ng isa kong kaklase. Nilapitan ko naman siya.

"Kung hindi si Aldwyn, e sino?!"

"May mga pumasok lang ditong mga outsider at hinahanap ka. May nagturo na dito ang klase mo tuwing umaga. Tapos ayan nagsulat yung isa sa board. Pagkasulat niya umalis na sila" Sabi nung katabi niya. Sino naman yung mga yun?!

"Ha? Sino naman ang mga yun?!"

Teka..

Hindi kaya,

Yung..

OH NO!

/(*^*)7

Hindi pwede! Hindi pwedeng siya yun! Papaanong nalaman niya kung saan ako pumapasok! Pusang gala naman oh! Lagot ka sakin xena!

Lumabas agad ako ng room! At nagtatakbo palabas, tatawagan ko sana si xena kaso nasalubong ko na siya.

"Xena!"

"Oh? Kaaga aga badtrip ka? kaharap mo lang ako kung makasigaw ka naman!"

"Paanong hindi ako mababadtrip! Yung kahapong lalaki! Hinanap niya ako kanina dito sa school! Alam niyang dito ako nag aaral! Lagot ako nito! kasalanan mo to e!" Pangbubulyaw ko sakanya.

"Really? So! what happened? Buti nalang walang ginawa sayo!"

"Xena! Hindi ko na sila naabutan! Nalaman lang nila ang room ko at nagsulat sa board! Pagnagkataon na bumalik sila at makita nila ako, Patay na talaga ako!" Gulong gulo na ako! Anong gagawin ko?! Baka kung anong gawin saakin ng mga yun! Hindi pwede!

"Pwede ba sha! Please calm down! Umayos ka nga. Hindi yan. Hindi ka nila makikita tiwala lang." Ha? ano bang pinagsasabi niya? Nalaman na nga nila ang pangalan ko at kung saan ako pumapasok e!

That Mutual ThingyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon