Chapter 5: Bugbugan!

51 9 1
                                        

Aldwyn's POV

"Hoy! Bayad mo daw sabi ni Manong!" Sigaw sakin ng baliw na babaeng to. Hindi ako sumasagot dahil wala talaga akong pera. Wala akong cash.

"Ano- Bayaran m-mo nga muna. Wala akong cash dito eh!" Sigaw ko. Nakakahiya ka aldwyn! Napatingin tuloy sakin yung driver. Paano! Kasalanan nya to eh. Kung hindi nya sinagot sagot si Dad edi sana may pera ako at sana nasa akin na ang kotseng inaasam ko!

"Hanep! Sasama sama ka! Ang lakas ng loob wala palang pera! Ts." Sumbat nya. "Oh heto ho manong ang bayad NAMING DALAWA. Nahiya naman ho ako sa kasama ko eh!" Dagdag nya pa habang sakin din nakatingin. Sinamaan ko nalang sya ng tingin. Bakit nga ba ako sumama dito?

Ah.

Oo. Gusto ko ring gumanti sa ginawa nyang pagsagot sagot sa Dad ko. Nakakainis eh! Wala tuloy akong pera dahil sakanya!

"Hoy ano ba talagang plano mo at sumama kapa?!" Tanong nya. "Simple lang. GAGANTI." Sagot ko sakanya atsaka naunan nang maglakad papalapit sa gate nila.

"What?! Anong gaganti?! Hoy! FYI plano mo yun kaya wala akong pakialam kung pumalpak! Kasalanan mo yun noh!" Sigaw nya sabay harang sa dadaanan ko. Sakto namang lumabas ang guard.

"Mam. Ano pong nangyayari dito?" Tanong nya. "Wala ho. wala. Andyan ba si Mom at dad?" Tanong nya dun sa guard.

"Opo. Kanina pa po kayo hinahanap. San ho ba kayo nagpunta?" Tanong sakanya. Kita mo sa mukha nya ang pag aalala.

"Kasalanan mo to eh! Pag ako talaga napalipat ng school dahil sayo nako! Sinusumpa kitaa!" Sigaw nya. Ano bang pinagsasabi nya? Ang layo nya sa sinabi ng Guard ah. Ang pagkakarinig ko lang kasi kanina pa daw sya hinahanap ng parents nya. Anong connect sa paglipat ng school?

"Ha?" Yun nalang ang naitanong ko sakanya. "Haist! Umuwi ka nanga! Baka lalo pa akong mapagalitan dahil sayo!" Sigaw nya saakin. Galit na galit.

"KAISHA!" Biglang may sumigaw mula sa loob ng bahay. Nagulat kami at napatingin. Isang lalaking mga kasing edad ng daddy ko. Formal syang tingnan. Malamang siguro daddy nya. Kita mo sa mukha nyang galit na galit sya. Dito yata nagmana tong babaeng to eh.

"Daddy mo?" Mahina kong tanong sakanya. Inirapan nya lang ako at binalik ang pansin sa nagsalita. Malamang nga daddy nya.

"Ahhm-Daddy. Dad.. Sorry sorry po. sorry po kung ginabi ako daddy." Sambit nya. Papalapit ng papalapit ang daddy nya saamin. Saakin naman ngayon nakatingin. Makatingin akala mong mamamatay tao ah? Parang may ginawa akong masama?

"Sino na naman yan?! Boyfriend na naman?! Hindi kana nadala!" Bulyaw nya kay Kaisha. Boyfriend na naman? No way.

"Ah mawalang galang napo. Hindi nya po ako boyfriend." Sagot ko. Kinurot naman ako ni Kaisha. Napatingin ako sakanyaxat binulungan nya ako." Huwag ka ngang sasagit sagot! Di mo kilala ang Dad ko!" Mahina nyang sabi.

"Ikinakaila mo pa ang anak ko?!" Sabi niya pa saakin. Ha totoo naman eh. Ano ba naman to.

"Dad totoo po. Hindi ko sya boyfriend dad." Malumanay na paliwanag ni Kaisha.

"Pati ikaw? Ikaw bata ka natututo kanang magsinungaling! Pumasok ka nga sa loob! Kanina pa nag aalala ang mommy mo sayo!" Sigaw sakanya ng Daddy nya. Pagtapos ay pumasok narin sa loob ng bahay. Hindi manlang nila ako inimbitahang pumasok sa bahay nila noh?!

That Mutual ThingyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon