Chapter 6: Vin's Girlfriend

61 9 1
                                    

Kaisha

"What? May nambugbog sakanya? At sa subdivision pa namin?" Nakakagulat naman ang mga sinasabi nitong si Jig tungkol kay aldwyn! "Yes yes yes. Yun ang dahilan kaya hindi siya nakapasok ngayon" Sabi niya sabay inom sa softdrink na inorder niya. Napadaan lang kami nila colly sa table nila para tingnan ng malapitan si Vin. Yun lang..

Aist. Sige na sige na gusto ko kasing magpapansin kay Vin! O'nasabi kona ang totoo. Bigla naman kaming tinawag nitong si Jig. At eto na nga ang pinagsasabi. Grabe naman talaga yang aldwyn na yan mababait kaya ang mga taong nakatira sa subdivision  namin! Baka siya lang nag amok ng away eh. Alam niyo na badtrip iyon. Walang kotse at pera eh. *Evil grin*

"Pano namannangyari yun? Kalampa lampa naman! Tsaka mababait kaya mga tao samin tulad ko!" totoo naman. Haha! Napaka magagalang at mababait ang mga nakatira sa subdivision namin. Maraming bumabati sakin kahit hindi ko nga kilala eh. Oh baka sadyang sikat lang talaga ako? Lol! Yabang mode hihi!

"Hahaha! Patawa talaga to. Si aldwyn lampa? Baka mapanganga ka pag nakita mo kung pano rumesbak yun." Ano ka ba Vin! Wag mong masyadong purihin yun! Alam nating lahat dito na mas hot at mas malakas ka dun sa ugok na yun! Lampa yun kakaaabi niyo lang nabugbog eh! " Hahahaha! Ano bang tawag sa mga taong nabubugbog sarado? Edi lampa hahaha." Lahat naman sila napatingin saakin. "Oh bakit? May nasabi ba ako?" Tapos tumuro sila sa likod ko. "Ano?" Curious na tanong ko. Haist. kala mong namaligno tong mga to. Ano ba kasing meron sa likod ko? Nakatalikod na lalaki. NakaJacket na silver. Tapos unti unting humarap. Akala mong mga Tv commercial ang peg! Nag sslow mo pa ah! Te-teka.. Si Aldwyn lang pala eh. S-si Ano?! "Ha? ALDWYN?!" Kanina pa ba siya? Narinig niya kaya ang sinabi ko? Bakit ka matatakot Kaisha totoo naman lahat ah. Lampa naman talaga siya! Nakukuhang mambabae lalampa lampa naman! "Oo" sagot niya. lumapit pa siya ng lumapit ng lumapit! Hanggang sa ung ulo ko bend na bend na sa may lamesa!Ang awkward promise! "Hoy! ano bang ginagawa mo ah!" Tulak ko sakanya. Ang kapal ng mukha talaga nito! Nagulat ako ng bigla.. bigla nalang siyang natumba saakin. Hala? Anong nangyari dito? "Hoy! Aldwyn! Hoy! anong trip to? Hoy!" Sigaw ko. Niyugyog ko naman siya. Wala talaga. Umayos na ako ng upo at tinulungan naman ako nila Vin. Infairnes ang bigat nitong si Aldwyn! Ang init ng katawan niya ah? Nilalagnat siya. "Hoy vin! Hawakan mo siya mainit siya diba? May lagnat siya!" Pagtapos ay inilagay naman ni Vin ang kamay niya sa leeg ni aldwyn. Tapos tumango. "Tara dadalhin natin siya sa clinic!" Napatayo naman silang lahat. Tinulungan ko nalang din si vin na buhati si aldwyn. "Bro! Kayo nalang ni Kaisha magdala sa clinic kay aldwyn, may exam kami ngayon e. Balitaan niyo kami ah" pagkasabi ay sinuntok niya sa may braso si vin. aw ganon ba ang way niya ng goodbye? Wow naman! "oh sige sige pare! Tara na kaisha" Pagmamadali ni Vin sakin. Omay! this is the moment! Ayos na sana eh. may aldwyn lang na asungot! Kahit kelan EPAL ang role niya sa buhay ko! EXTRA e.

Nakarating narin kami. pagdating na pagdating bungaran ka ba naman ng talanding nurse! "Papa vin! what happen? Napano si papa aldwyn? omaygad! ang hot hooot niya!" yung totoo? Maglulumandi nalang ba siya o papapasukin sa loob ng clinic? -_- Siguro hinuhubaran na nito sa utak niya si aldwyn. Okay lang naman un kung si aldwyn lang. Eh pati si vin nilalandi e! "Pwede papasukin mo na kami sa loob? nangangalay na kasi si vin oh." Pagkasabi ko nun ay tinitigan niya ako, well sorry siya. Wag na siyang mangarap ng mataas dahil ako lang ang magiging kontrabida niya! Mahiya naman siya halos doble na ata ng age namin ni vin to e! "Pasok na po sir." Binuksan niya ang pinto, nakapasok na si vin. Nung ano naang dadaan sinara niya bigla! as in tumama sa mukha ko! feeling ko nagkabukol ako! "Miss ayaw mo ba akong papasukin?!" Di ko na napigilang hindi magsalita. napipikon nako. nagulat naman si Vin sakin  pagpasok ko. "Anong nangyari?" nagsalitan naman sakin at sa nurse ang tingin niya. Naihiga na niya si aldwyn. "Ah. E sorry. akala ko hindi ka kasama." Sagot nung maharot na nurse at sinunggaban na si aldwyn!  I mean inayos na ang pagkakahiga. Ang kawawang aldwyn tunaw na tunaw na sa katititig niya! Hahaha. "Ayos ka lang? Teka namumula yang noo mo oh" Sambit ni vin. Lumapit siya at hinawi ang buhok ko. Hinawakan niya ang noo ko ang sakit ah! "Ah! aray ko!" ang sakit ah! kasalanan to nug maharot eh! "Miss may gamot ba kayo sa bukol?" Tanong naman niya dun sa nurse. Teka may gamot nga ba sa bukol? alamko yelolang katapat nito e. "Papa vin yelo lang katapat niyan. Tsaka mukhang balewala lang naman sakanya e. makapal naman ata mukha niya eh." Nagpantig ako sa sinabi niya kaya nasampal ko siya. malakas as in! Haters gonna hate! Napakabitter nito. Hawak hawak niya ngayon ang pisnge niya. Ang sakit ng palad ko ah. Kung makapal ung akin ano pa kaya ang mukha niya? " Aray ko! Feeling ko nasugatan ang kamay ko. Parang may mga natusok sapalad ko ah. Grabe!" Kitang kit kog naiinis na talaga siya. Tumayo na siya. And finally nagwalk out na siya. Yes! yan ang kanna kopang inaantay! "Bakit mo naman ginawa un" Vin kakampiha mo pa ba ang malanding yun kesa saakin. My god!

"Di ko gusto ang tabas ng dila niya" Nasabi ko nalang at umupo sa may gilid ng higaan ni aldwyn. Vin hindi pa nga tayo, LQ na agad? wag naman! Pakiligin mo nalang ako! :D

Oh cecilia your breaking my heart! ..

Yung phone niya tumutunog. Sino naman kaya tong isa pang asungot? Haist. "Ah. Sorry babe tama sige what? ngayon na? Hindi naman babe e sige na nga wait for me oo sige i love you more!" Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero may narinig akong babe e! Wag nyo sabihing girlfriend niya yun! WAG! AKO LANG ANG MAGIGING GIRLFRIEND NYA!

"Ahm kaisha.. Tunawag kasi ang girlfriend ko.."

"may girlfriend kana pala?" Ay hindi hindi. Tumawag nga daw ang girlfriend niya diba!

"oo. Im sorry kaisha. okay lang ba na ikaw muna ang magbantay kay aldwyn dito? nagtatampo lang kasi girlfriend ko e. Pasensya na ah " Kalma kaisha kalma lang. Wala kang karapatang magalit tungkol sa girlfriend niya okay?

"Ah.. eh.." Shock! nauutal ako! "Pasensya talaga babalik nalang din ako agad. bantayan mo yang si aldwyn ah bye!" Oh sige kalma pa. Wala akong karapatan sa paggigirlfriend niya pero.. Pero ang maiwan ditong mag isa kasama ang lalaking kinamumuhian ko sa buong mundo, Hindi maaari! "Ha? Wait! Iiwan mo akong mag isa dito? as in kasama ni aldwyn? vin naman oh!" Nakakaasar talaga! Ano to Malas day? Masakit na ngang malamang may girlfriend siya e.

"Sorry talaga. Pag di ako nakapunta,makikipagbreak sya saakin. sorry sorry. mahal ko yun kaisha babawi nalang ako.sige ha una nako" Ouch! MAHAL niya daw un T.T Ang sakit marinig mismo sakanya un. Pagtapos nun ay umalis na siya. Viiin! T.T

"May girlfriend na siy kaisha!" nasabi ko nalang habang sinasabunutan ang sarili ko. Waaah. Malas naman oh! Bakit ba pag dating sa pag ibig malas ako?

Naramdaman kong parang may natawa. Sino naman un? May gumalaw sa tabi ko.Si aldwyn? Ayokong lumingon. Wag niyo sabihing..

WAG NIYO SABIHING GISING SIYA AT NARINIG AT NAKITA NIYA ANG PINAGGAGAGAWA KO DITO!

"Si vin? wag mo sabihing.. Aha! wahahaha! Nakakadiri ka kaisha! hahahahaha" WAAAAAAAH =_= OH NO! Gising nga siya!

That Mutual ThingyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon