BM: SPECIAL CHAPTER :)))

204 4 4
                                    

It is a hot and sunny morning indeed. Summer na nga talaga. Wew! While walking by the sidewalk, I can see posters of swimming pool ads. Kung may pera lang sana ako, nakapunta na ako sa mga ganyang pools.

Nang makarating ako sa shop, sarado ito.

"Eh?"

10 am na pero sarado parin ang shop. Masyado ba akong napaaga? Pero dapat bukas na ito ng ganitong oras.

I tried pumunta sa likod kasi baka bukas ang back door. Pagpihit ko ng door knob, hindi iyon naka-lock.

Madilim sa buong paligid pagpasok ko kaya naman binuksan ko yung ilaw. Laking gulat ko nang may nakita akong anino sa may cashier.

"Nina? Mich?" Tawag ko pero walang tumugon sa akin. Dahil doon, nakaramdam ako ng kaba.

Baka may ibang tao dito. Di kaya...

Kinuha ko yung mop na nasa storage room at unti-unti lumapit sa may cashier.

In case na sugudin ako ng magnanakaw, may pangprotekta ako sa sarili ko.

"May tao ba dyan?" Tawag ko ulit. Sa pangalawang beses ay walang tumugon sa akin.

Medyo nanginginig na ako sa kaba dahil baka nga may nakapasok na magnanakaw.

Dahan-dahan akong lumapit...

"Yah!!"

"Meow..meow.."

Phew! Pusa lang pala -_-.

Masyado lang akong naging OA. Nang pabalik na ako sa likod, may nabangga akong kung ano kaya naman napaupo ako.

"Aray naman!" Sabi ko habang nakahawak sa pwet ko.

Sa pagtingin ko sa baba ay may nakita akong paa na naka-bunny slippers. Inangat ko pa ang tingin at laking gulat ko na may lalaki-- may tenga na parang kuneho, naka-pink na tshirt, nakapantalon na brown maputi at gulat ring nakatingin sa akin.

"S-s-sino ka?!!! Ahhhh!!"

"Ahhhh!" Sigaw nya pabalik sa akin.

Dahil sa taranta ay bigla syang tumakbo. Nahulog naman nya ang isang pocket watch.

Hindi ko alam pero pinulot ko yung nahulog nya at sinundan yung weirdong lalaki..ay kuneho pala.

"Sandali!" Tumakbo sya palabas ng shop kaya naman lumabas rin ako. Luminga-linga ako sa paligid.

Ang bilis naman nyang nawala.

Yung totoo?! Nagha-hallucinate ba ako sa sobrang init? Imposible namang may taong kuneho. Namamaligno ba ako?

Nilock ko na yung shop dahil mukhang wala namang may balak magtrabaho ngayon. Ang weirdo ng araw kong ito.

Naglakad-lakad ako sa papunta sa paradahan. Napansin ko namang parang walang tao sa paligid. Yung mga nadadaanan ko rin na mga shop ay sarado.

End of the world na ba?

Bigla naman akong napatuwid ng tayo.

Ganito yung eksena sa movie ni Will Smith na I am Legend ah? Walang tao sa paligid at tanging sila lang ng aso nya. Hala! Baka may malalang sakit na kumalat at ako nalang ang taong di pa affected? 

"BAKIT?!!!! Huhuhuhu!" Sigaw ko.

"Bakit di nyo pa ako sinama sa inyo? Mahirap kayang maging loner!  Nina! Mich!!!"

"Ang ingay mo!"

Laking gulat ko na nasa harapan ko na pala ang lalaking kuneho.

"I-ikaw yung kanina!"

Babysitting Monsters (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon