BM: CHAPTER FOUR :))

581 25 12
                                    

Chapter Four

"Masarap ka palang magluto kahit na uto-uto ka." Sabi ni Mr. Kulit habang nilalantakan ang pancake na niluto ko.

Sabihin nyo, compliment ba yon o inasar na naman nya ako?

"Pancake lang yan. =_____=" sabi ko habang pinapanood syang kumain.

"Oh bakit ka nakatingin? Ganun ba talaga ako kagwapo?"

Ang yabang din nito. 

"Hindi ba pwedeng ang amos na ng mukha mo? Para kang bata kung kumain."

Naku kung makikita nyo lang ang mukha ng lalakeng ito, punong-puno ng choco syrup ang gilid ng bibig nya.

Kinuha nya ang tissue na nakapatong sa gilid ng kanyang plato at iniabot sa akin.

"Oh ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Di ba halata? Tissue!" Pilosopo -_______-

"Alam ko, huwag mong sabihing......"

"Di ba sabi mo may dumi ako sa mukha? Iyan punasan mo." Pagpuputol nya sa sasabihin ko.

"Ano?!" Pati ba naman pagpupunas ng labi hindi pa nya magawa?

"Kaya ka nga hinire nina Dad para asikasuhin kami. Oh iyan ang tissue.... punasan mo ang dumi sa napakagwapo kong mukha." Tss! Hari ng katwiran.

Punong-puno talaga ng hangin ang utak nito. Arghh! Kung hindi lang dahil sa trabaho, naku kanina ko pa nilunod sa choco syrup ang lalaking ito!

Kinuha ko nalang yung tissue dahil wala naman akong ibang choice.

Dahil magkatapatan kami, tumayo pa ako at naglean para lang maabot ang mukha nya. Nakatingin lang sya sa akin habang pinupunasan ko sya.

 Pinupunasan ko na ang labi nya ng bigla syang tumayo at hinila ang kamay ko na naging dahilan ng pagkakalapit ng mukha namin. Halos magkadikit na ang aming mga ilong sa sobrang lapit. >//////<

"May dumi ka rin sa mukha." Mahina nyang sabi. Ramdam ko na ang kanyang paghinga sa sobrang lapit.

Huh?

Magkalapit na ang aming mga mukha pero bakit unti-unti pa syang lumalapit?

Paatras ako ng paatras pero hawak parin nya ang aking mga kamay at hinihila palapit kaya hindi ako makaatras masyado. Nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng aking puso, siguro ay dahil sa kaba.

Magkadikit na ang aming mga ilong pero palapit parin ng palapit ang mukha nya. Kahit anong gusto kong pag-atras ay hindi ko na magawa dahil naramdam kong parang nanigas na ang aking buong katawan at hindi na ako makagalaw. Dahil wala na akong magawa ay napapikit na lamang ako..

.

.

.

Ang tagal ko ng nakapikit ah. Bakit parang walang nangyayari?

.

.

Huh?

.

.

Ako----->>>>>>  O____<  .......   >____O ........  O_____O???

Nakita ko si Mr. Kulit na malayo na sa mukha ko. Nakatingin lang sa akin at nagpipigil ng tawa. 

"Pfft!" Pagpipigil nya ng tawa.

"A-ang sama mo!"

Nakakahiya >////< Pinagtitripan na naman nya ako.

"Hahahahha hindi ko na kaya!! Hahahahha!! Kung makikita mo lang ang mukha mo! Hahaha!"

Mangingiyak na sya sa kakatawa.

Pero kahit na tumatawa sya napansin kong nakahawak parin ang kamay nya sa kamay ko.

Napansin rin siguro nya na nakahawak pa rin sya sa akin kaya bigla nyang binitawan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Namumula ba sya?

"K-kung nakita mo yung mukha mo, sobrang pula. Uto-uto ka kasi!" At dinilaan ako.

"Isip bata!" Pang-aasar ko sa kanya. 

"Uto-uto ka lang talaga at i....." naputol ang sinasabi nya ng biglang may nagsalita.

"Ang ingay."

O__O

"R-reus!" Mahina kong sabi.

Napatingin ako kay Zai. Hala naging seryoso ang mukha nya.

"Tumabi ka dadaan ako." Sabi ni Reus at hinawi sa daan si Zai.

Kinakabahan na ako. Hala paano kapag nag-away ang dalawang ito? Anong gagawin ko?!

Pumunta si Mr. Sungit este Reus sa ref at binuksan ang isang lata ng gatas. Si Zai naman ay nakatayo lang at poker face na nakatingin kay Reus. Hindi ko mabasa kung galit ba ang tingin nya o hindi.

Ako naman nakatayo lang sa kabilang side ng table. Ang heavy ng paligid at ramdam na ramdam mo na may tensyon na namamagitan sa dalawang ito.

"What are you looking at?" Medyo maangas na tanong ni Reus.

 Naku Lord 'wag naman sana mag-away ang dalawang ito. Y____Y

Nakita kong magsasalita na si Zai.

Naku-naku! Zai 'wag ka sanang magsabi ng ikakagalit ni Reus.

"RE....US...... ang gwapo mo pala?"

 Ha? Ano daw? O___O??

"Matagal ko ng alam." Sagot naman ni Reus.  

Yung totoo, anong nangyayari sa dalawang ito?

"Pero....." nagsalita na naman si Zai.

"Mas gwapo ako!" Tuloy pa nya at....

Sinugod nya si Reus ng suntok!

Napapikit ako dahil hindi ko kaya ang makakita ng suntukan.

Pero bakit ganon? Walang sound effects? Wala man lang akong nakikinig na tunog.

Minulat ko ang aking mga mata.

"Wow!" Yan lang ang masasabi ko sa nakikita ko ngayon.

Si Reus.... ang lakas nya. Nasambot nya ang suntok ni Zai gamit ang isang kamay. Sa itsura ni Reus hindi mo aakalaing ganyan sya kalakas.

"Hindi ka parin nagbabago Zai. Lampa ka pa rin." Sabi ni Reus at sinuntok si Zai gamit ang isa nyang kamay na naging dahilan ng pagtaob nito.

"Zai!" Sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang ba?.... ah dumudugo ang labi mo!" Tapos ay tinulungan ko syang makabangon.

"Tch!" Sabi ni Zai at pinunasan ang kanyang labi.

Mukhang may balak pa syang gantihan si Reus.

"Ikaaaww!!!!" Tumayo si Zai at hinigit ang upuan mula sa table na nasa gilid ko.

Pero pagka-angat nito......

*Bogsh!!*

Huh? Bakit parang may tumama sa akin? Nagdidilim yata ang paligid.

"Ms. Uto-uto!"

Zai bakit nagffade ang boses mo?

Parang inaantok na ako.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter four updated!!!

Hahaha alam nyo na naman po ang nangyari siguro kay Kristen kaya sya nahimatay. xD Sa mga nagbabasa po ng BM at nag-aabang ng update, thank you po :DD 

Vote po kayo kung nagustuhan nyo yung update at comment din po kayo ng insights nyo sa update :DD

Babysitting Monsters (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon