Chapter One
"Kristen nakuha ka ng part time job diba?"
Sabi sa akin ng kaibigan kong si Nina habang nakain kami sa cafeteria.
"Oo. Kelangan eh, dagdag na rin yon sa pambayad ko sa upa ng apartment. Bakit mo nga pala naitanong?"
"May alam akong trabaho. Offer kasi yun sa akin kaso may raket din ako ng ganung araw."
Pareho kasi kami ni Nina na kapos sa buhay. Kelangan naming magpart time job para sa mga pangangailangan namin at makapag-aral. Working student kumbaga.
"Sige ako nalang. Sayang naman eh. Ano bang trabaho yun?"
Sabi ko sa kanya.
Tutal kailangan ko rin ng pera.
"Sa Biyernes may dadaluhang party sina Mrs. at Mr. Torres. Kelangan nila ng babysitter para sa kanilang mga anak."
Tapos ay inabot nya sa akin ang isang calling card.
"Yan yung calling card ng mag-asawa. Sabi nila tawagan ko na lang daw sila kapag tatanggapin ko yung trabahong inaalok nila. Sa iyo na yan , mukhang may balak ka naman."
Kinuha ko yung calling card na inaabot nya sa akin.
Miyerkules na pala ngayon. Buti nalang wala akong trabahong gagawin sa biyernes.
Pagkadating ko palang sa apartment na tinutuluyan ko, agad kong tinawagan ang numerong binigay sa akin ni Nina.
Nakausap ko si Mrs. Torres at sinabi nyang pumunta daw ako sa bahay nila bukas para ma-interview.
Iba talaga kapag mayayaman. Kelangan pang interviewhin para masigurong safe ang mga anak nila.
---
On the way na ako papunta sa bahay ng mga Torres.
Binaba ako ng tricycle sa harap ng isang malaking pulang gate.
“Wow!” sabi ko habang nakatayo sa harap ng gate.
Ang laki ng bahay ng mga Torres. Siguro ang cr dito kasing laki lang ng tinitirhan kong apartment o baka mas malaki pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/8192015-288-k471213.jpg)
BINABASA MO ANG
Babysitting Monsters (ON-HOLD)
Teen FictionWHOOOO! Kilig at kulitan!! Basahin nyo nalang wahahaha xD