BM: CHAPTER THREE :))

657 27 9
                                    

Chapter Three

“Ten may naghahanap sayo!” tawag sa akin ni Nina.

“Ha? Sino daw? Anong kailangan?”

Hindi ko pa nga pala nababanggit sa inyo na dito rin nagtatrabaho si Nina. Nadito kasi  kami ngayon sa trabaho sa coffee shop. Nasa kusina ako kasi duty ako ngayon sa mga hugasin.

“Aba malay ko. Ikaw ang hanap eh. Lumabas ka nga muna.” Sabi sa akin ni Nina na parang nagmamadali.              

Lumabas ako at nakita ko sa counter ang isang lalaki na maputi , matangkad, nasa 30’s na ang edad pero gwapo at matikas parin ang pangangatawan.

Napatingin naman sa akin yung lalake.

“Ikaw ba si Kristen?” taong nya sa akin.

“Ako nga po. Bakit po?”

Bakit kaya?

Parang familiar sa akin ang mukha ng mamang ito.

“Hindi ba sa iyo nasabi ni Jean?” tanong na naman nya.

Jean? Sino si Jean?

‘Ano ka ba Mam Jean nalang ang itawag mo sa akin. You’re Kristen right? Kristen Garcia?’

Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Mrs. Torres.                         

“AHH!! Oo nga pala!! Anong oras na?!”

 natataranta na ako kasi dapat 9 nasa bahay na ako ng mga Torres.

Tiningnan ko ang aking wrist watch at nakitang 8:33pm na.

“Relax Kristen.” Natigilan ako ng nagsalita muli ang lalakeng nasa harapan ko.

Alam ko na kung bakit parang nakita ko na sya. Sya iyong nasa picture na kasama ni Mrs. Torres, siya si MR.TORRES!

Naku nakakahiya! >__< Pumunta pa dito si Mr. Torres para palalahanan ako. Bakit ba kasi hindi ako na conscious sa oras?

“hahaha don’t worry. Kaya nga ako pumunta dito kasi sabi ni Jean baka daw wala kang masakyan papunta sa bahay.”

Waahh! Ang bait talaga ni Mrs. Torres.

“Pasensya na po talaga.” Sabi ko at yumuko sa harap nya.

“Ayos lang. Magbihis ka na. Naipagpaalam narin kita sa boss mo.”

Hindi na ko nagbagalbagalan pa at agad na nagpalit ng damit. Sumakay ako sa kotse ni Mr. Torres at pumunta na sa kanilang bahay.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Mrs. Torres. Ang ganda nya ngayong gabi at hindi mo aakalaing may anak na sya. Nakasuot sya ng blue dress with matching necklase and earings. Pangsosyal talaga ang pupuntahan nilang party.

“Oh Lucas, magpalit ka na ng damit tutal nadito na naman si Kristen.” Sabi ni Mrs. Torres kay Mr. Torres. Agad namang pumanhik pataas si Mr. Torres para magpalit ng damit na kanyang susuotin sa party.

“Sandali lang Kristen ha? ikukuha lang kita ng maiinom.” Sabi ni Mrs. Torres at pumunta na sa kusina.

Parang may iba ngayon sa bahay nila. Bakit parang wala na akong nakikitang katulong?

Noong unang punta ko, may nakita naman akong maid… isa. Yung nagpapasok sa akin. Pero bakit ngayon kahit yung maid na iyon wala? Ang tahimik ng bahay nila.

“Oh Kristen uminom ka muna ng juice.” Nakabalik na si Mrs. Torres at binigay sa akin ang isang basong orange juice.

“Salamat po.” Sabi ko at kinuha ang baso mula sa kanyang kamay.

Babysitting Monsters (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon