VOTE BEFORE YOU READ THIS CHAPTER!!!PASENSYA NA KUNG MAY MGA TYPO!!!
CRIZA'S POV
"Ano na? Bilis guys! Maghahanap pa tayo ng mapapasukan natin!"pairap na sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Babe akin na yang mga gamit mo,ako na magdala niyan"presensya ni Ken ang boyfriend ko.
"Okay"nakangiting sambit ko at inabot sa kanya ang maliit na maleta.mga damit at iba pang kakailanganin ko ang dinala ko lang."Thank you,babe"dagdag ko.
"Basta ikaw"nakangiting aniya"oh guys tapos na ba kayong mag imapake?"baling niya sa tatlo.
"Tapos na ako!"ani Geo.
"Ako rin! Zoe bilisan mo diyan!"ani Ashly.
Pero hindi man lang siya sinagot ni Zoe.kakaiba rin tong si Zoe akalain mong tahimik pero nakikisabay rin siya sa mga trip naming magkaibigan.Hindi pala salita dahil raw masasayang lang ang laway niya sa kakausap sa mga walang kwentang tao.Sa aming magkakaibigan si Zoe ang pinakamatalino siya ang nag iisip ng plano kung ano ang aming dapat na gawin.Siya rin ang nakapag isip kung saan may pwede pa kaming makapag aral.Sa Cavite,don namin naisipan na mag aral at nagpasalamat kami dahil okay lang sa kanila na ganito kami.Inalis kasi kami sa dati naming pinasukan sa Batangas.Akalain mong pinag bintangan kaming mamamatay tao? Ikaw ba naman ang pagsabihan non? Buti nalang at pinigilan ako ni Zoe na hayaan nalang sila.kung hindi baka sa burol ang abot niya!
"Tara na!"biglang sulpot ni Zoe sa harap namin.
"What took you so long?"bagot na sambit ni Ken.
"Sorry"iyun lang ang nasabi niya.
"Ken"mahinahong baling ko sa kanya para pakalmahin siya.
Dati namang ganito si Zoe ah? Palagi siyang nahuhuli kapag may aasikasuhin kami.eh pano kasi habang kami ay busy sa pag iimpake at siya naman ay tulala,pinag iisipan kung tama nga bang pumasok kami roon.
"Okay lets go guys!"pagbasag ni ashly sa katahimikan.
"Akin na yang maleta mo"presenta ni Geo kay ashly.
"Sure,thank you"nakangiting ani ash.
"Basta ba sasagutin mona ako"nakanhising ani geo kaya binatukan siya ni ash.natawa nalang din ako.at sinulyapan si Zoe na tiningnan niya ang aming maleta na nasa mga boys sabay irap.
"Tara na nga!"bagot na aniya at napangiwi.ganito talaga siya samin minsan hindi niya maitago ang inggit.dahil saming magkaibigan ay siya itong walang lovelife.eh pano kasi pag may nagpakilala sa kanya at manliligaw ay sinusungitan niya kasi raw hindi niya type.aisshh ewan ko ba sa kanya ang Arte lang?.
"Dahan dahan"mahinahong sambit ni ken at inalalayan akong makasakay sa kotse niya.nasa unahan kami sina Zoe,ash,at geo naman ay nasa backseat.nasa ginta si Ash nasa gilid naman ang dalawa.si zoe bagot lang na nakatingin sa labas ng bintana.Agad na inistart ni ken ang kotse at sinimulang magmaneho.
"Malayo paba?"tanong ko kay ken sa gitna ng byahe.
"Don't worry babe,malapit na tayo"nakangiting aniya.napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang kagwapuhan niya lalo nat ngumingiti ito at lumalabas ang biloy sa ibaba ng bibig niya.
"Nandito na tayo"rinig sambit ni ken"babe wake up,where here"hindi ko namalayan na sa gutna ng byahe namin ay nakatulog na pala ako.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang mukha niya.
"Nandito na tayo?"humihikab na tanong.natawa naman siya.
"Yep!,UY Guys ano? may balak ba kayong bumaba diyan?"inis na sambit ni ken dahil sa bagal nilang kumilos lalo na si zoe.
"Woa!"
"Wow! Ang ganda,hindi ko alam na ganito na pala ang hitsura ngayon ng Cavite,picture tayo guys!"exited na sambit ashly nung makalabas na siya ng kotse.agad niyang kinuha ang camera sa bag niya at pumwesto sa harap namin ni ken para kunan kami ng picture.
Nilingon ko si ken na natatawa na ngayon.agad akong ngumiti nung sawayin niya kami."1 2 3 smile"nakangiting sambit niya.
"Ano? Gwapo ba?"mayabang na ani ken kaya hinampas ko siya sa braso.
"Umayos ka"saway ko sa kanya na humahalakhak na.
"Kidding,pero in fact! Gwapo naman ako ah?"kunot noong aniya.ang cute.kinurot ko ang pisngi niya.
"Oo naman"taas noong sambit ko.nakanhiting inakbayan niya ko at humarap uli sa camera.
"Ash kunan mo nga kami"utos ni ken.
"Sige ba,1 2 3 smile"
"Lets go"biglang sulpot ni zoe sa harap namin.ang hirap din nitong si zoe.bigla bigla nalang sumusulpot sa harap namin.panira tuloy ng happy scene.
"Oh? Anong tingin tingin niyo diyan? Pumunta tayo rito upang maghanap ng matutuluyan natin hindi yung puro picture nalang"banat niya ito na naman ang pagigibg sarkastikong dating niya.kakaiba ang kanyang pagiging sarkastiko.nakakahanga.
"Tsk para picture lang"bulong ni ken.
"Umayos ka nga"natatawang bulong ko."bilisan na natin"dagdag ko at binilisan ang paglalakad dahil iniwan na kami ng tatlo mokong nayun.
"Excuse me ma'am bagong lipat?"biglang may nagsalita sa harap namin sa gitna ng maghahanap namin ng apartment.
"Hmm,yes po"magalang na ani ashly.
"May maitutulong ba ako sa inyo?"nakangising ani ng magandang babae na agad akong kinalibutan.hindi ko alam kung bakit kakaibang tao ang kaharap namin ngayon.sa boses at tingin niya palang ay parang kakain ng buhay.
"Ah,naghahanap po kasi kami ng apartment,ate"pagbasag ni Zoe sa gitna ng katahimikan.
"Oh? Really?"sarkastikong ani ng babae na parang sinasabing sigurado kayo?.
"Opo"si ashly ang sumagot.
"Thats all?"ani ng babae.
"Opo"si ashly parin ang sumagot dahil parang may bumara sa lalamunan ko nung lingonin niya ako at nginisihan.
"Dito rin po kasi kami mag aaral,kaya napag isipan naming dito nalang rin maghahanap ng matutuluyan para hindi na malayo ang byahe namin"biglang sambit ni geo.kumunot naman ang noo ng babae.
"Oh its that so?,fine!"tumaas ang kilay ko sa inasta niya.may kinuha siyang cellphone sa sling bag niya at nag dial.
"Excuse me"suminyas siya na lalayo muna.
"Yes,nandito na sila"iyun lang ang narinig ko na ikanagulat ko.
"Im so excited!"masayang sambit ni ash.wala siguro silang napansin na parang may kakaiba sa lugar nato.sa pagkalaki laking lugat ng cavite ay parang kami lang ang taong nasa labas.O ako lang siguro tong sobrang OA kung makapag isip.
Sinulyapan ko si zoe na kunot na kunot ang noong nilibot ang paningin gaya ko ay nagtaka rin siya.
"Sumunod kayo sakin"biglang sulpot ng magandang babae na kausap lang namin kanina.Sumnod kami sa kanya at kahanga hangang ang linis ng buong paligid wala kang makikita na ano mang dumi.
To be continued..
Thanks for reading
Vote and comment
YOU ARE READING
One Night Hell (ON-GOING)
RandomIsang gabing puno ng lagim,Isang gabing puno ng kababalaghan,Isang gabing puno ng patayan,Isang gabing madami ang namamatay,..at Isang gabing puno ng katanungan... Meet Ken Marquez ang lalaking boyfriend ni Criza Hale na walang ibang minahal kundi s...