CS Chapter 8 - Sisterakas

3.8K 96 18
                                    

Katherine's POV



"Oo, Gino."



"CUT! Teka, kinikilig ako." Nagkatinginan kami ni Gino---este, Danielle na nakangiting wagas.

"Tama naman yung scene ha?" tanong ko kay Direk Dennin. Ngumiti lang siya at kinilig.

"I know. Masyado lang akong kinilig. Bukas na natin gawin yung wedding proposal mo, DJ." Nanlaki yung mata ko.

"Este, Gino pala. Ikaw naman Kath, feel na feel mo. Kaloka ka, girl." Pagkasabi ni Direk nun eh inutusan na niya yung mga staffs na mag pack-up.

"Siguro, Kath, hinihintay mo lang yung wedding proposal ko noh?" napatingin ako kay DJ na hinapit yung beywang ko palapit sa kanya. Teka, parang kinilig ako sa sinabi niya.

Pinilit kong wag ngumiti. "Excuse, Zachary, anong wedding proposal? Hindi ka si Gino Dela Rosa. Kaya puwede ba? Tigil tigilan mo ako."



Kakalas na sana ako kaso niyakap na niya yung buong beywang ko. Shems. Baka hindi ko na maitago yung kilig ko.

"Alam mo, Katherine, mag hintay ka na lang puwede? Deny ka pa e. Saka hayaan mo, magpopropose rin ako sa'yo. Soon." Sabi niya at nilapit yung mukha sa akin. Putangenes. Namumula na ako dito.

"Kath! DJ! Mamaya na yang pag momoment niyo dyan! May interview pa kayo sa SIR! Mga bata nga naman oo, konti na lang, halos lagyan na ni DJ ng mighty bond si Kath para hindi makaalis sa tabi niya eh." Napabitaw kami sa sinabi ng manager ko.

"Panira lang teh?" sabi ni DJ sa manager ko.

"Bwiset ka alam mo yun?" sabi ko at pinalo si DJ. Unfornunately, hindi ko napalo kasi nahawakan niya yung kamay ko.

"I love you, bave." Sabi niya at nilapit nanaman yung mukha sa akin.

"DJ! KATH! Ano ba? PBB TEENS lang? Hindi makapag hintay? Sasabihin ko na ba sa management na hindi kayo makakapunta kasi may GINAGAWA pa kayo?" bigla akong kumalas kay DJ.

Shit. Ba't kasi ang sweet nito ngayon? Noong nagpaulan ba si Lord ng kasweetan eh sinalo niya lahat?

"Halika na nga." Sabi ko at iniwan na siya. Naiilang tuloy ako.

"Alam mo, Kath. Hindi ka pa ba nasasanay sa akin?" sabi niya sa akin at inakbayan ako.

"Alam mo, DJ. Konti na lang eh masasapak na kita."



"Try mo." Tangka ko nanamang sapakin siya sa pisngi kaso nagturn siya kaya naman nakissan niya yung kamay ko.

"Try talaga Kath ha?" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Urgh! Ano ba nakain mo at ang sweet mo ngayon?" napatigil ako sa sinabi ko.

"Tignan mo, kunwari ka pa eh. Naa-apreciate mo naman din pala yung mga kasweetan ko." sasagot na sana ako kaso ninakawan niya ako ng halik sa cheeks. Namula naman ako.

"Sino nagsabing puwede mo na akong halik-halikan?" pagtataray ko para maitago yung kilig ko.

"Boyfriend mo yan, Kath." Napatingin ako sa manager ko na kinikilig sa amin.

Celebrity Status [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon