CS Chapter 2 - Pretending is easy enough

4.1K 95 14
                                    

Danielle's POV

 

 

Kakatapos lang ng contract signing ko sa ABS CBN. Star magic artist na ako sa wakas. Bakit? Kasi nanggaling ako sa pamilya ng mga artista. Lahat sila nandito, ako lang yung nasa kabilang network. At ngayon, may project na agad ako. Ang Always and Forever.

Kwento siya ng isang babae na naghahanap ng true love. May dalawang lalaki dito, si Best friend at si Close friend. Parehas silag may gusto sa babae pero dahil naghahanap si babae ng true love, hindi niya alam na malapit na sa kanya ang true love niya. Manhid siya – oo. Pero sa huli, ang makakatuluyan niya ay si Close friend, which is me. Kasi pag nagkatuluyan sila ni bestfriend, mawawala na ang friendship nila. Kaya that is how the story goes.

Hindi ko din alam kung sino partner ko. Dahil wala pa naman akong masyadong kakilala dito --- naalala ko nanaman yung babaeng unexpected na nakipag duet sa akin ng 'lucky'. Hindi ko talaga inaasahan yun. It surely did surprise me

 Magaling naman din siyang kumanta pero kailangan pa din ng practice. Maganda din siya, morena at nakakaamo yung mukha. Magaling siyang makisabay sa flow--- I think para hindi masira yung event. Shete, hindi ko matanggal yung itsura niya sa. Parang, parang, nakakita ako ng anghel?

URGH DJ! UMAYOS KA NGA!


"DJ, nakikinig ka ba?"
tanong sa akin ng manager ko.

"Ah, ano? Ano nga ulit yun?" sabi ko the nagkamot ng ulo. Malay ko ba kung ano pinagsasabi nito. =,=

"Sabi ko, kung gusto mo bang mag libot muna sa building. Mamayang 3 pa naman yung Press Con niyo eh."

"Sino kasama ko? Ako lang? Paano pag nawala ako?" sunod sunod kong tanong.

"Anong mawawala? Ano ka bata? Isip nga DJ! Kala mo wala kang kasama--------" hindi niya na natuloy yung sasabihin niya kasi biglang bumukas yung pinto. Napangiti ako.

"Bro! Sa wakas! Kapamilya ka na! Hindi ka na kapuso! Wohoo!" bati sa akin ni Lester.

Yung Parking 5. Yung banda ko. Nakakatawa nga isipin na ako yung leader pero ako pa yung nasa kabilang network eh.

"Oo nga dude! Matagal din kaming naghintay ah!" Katsumi.

"Swerte mo pre! May project ka na agad! Tapos ang ganda pa ng leading lady mo! Chicks yun pre!" Seth.

Bakit alam nila kung sino leading lady ko? Ako nga yung may movie eh ako pa yung walang alam sa partner ko.

"Ayan na pala sila eh, so, Parking 5, samahan niyo muna si DJ maglibot sa buong building, takot daw kasi siya mawala eh."

 

 

"ANO TO? BATA?!" sabay sabay pa nilang sagot sa manager ko. Tumawa lang siya.

"Bro, halika na. leggo! C'mon vamonos everybody let's go!" sabi ni Lester at inakbayan na ako palabas.

Aaminin ko, maganda ang building ng ABS, mas maganda pa sa dati kong network. Para siyang hotel na hindi mo maintindihan, kahit alam kong mga studios ang mga nasa loob ng mga kwarto eh hindi halata kasi maganda talaga yung pagkakagawa. Light colored yung mga walls at may mga nakasabit na pictures ng mga artist nila. Ng biglang may nahagip yung mata ko.

Yung nakipagduet sa akin, may picture siya doon na I think sa Star Magic Catalogue 2013 to. Grabe, ang ganda niya.

"... Agree ako sa'yo pre." Napatingin ako kay Katsumi na may sinabi yata kaso hindi ko narinig.

Celebrity Status [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon