Katherine's POV
"Kath! Choose Danielle!"
"Choose Albie, Kath"
"Muling ibalik! KathBie!"
"KathNiel! KathNiel! KathNiel!"
"KathBie VS KathNiel! Ohmy!"
"Go KathNiel!
"Go KathBie!"
Parang nasa basketball game lang eh noh? Napatingin ako sa kanila na naghihintay ng sagot ko. Paano na to? Pag si DJ ang sinagot ko, parang magmumukha akong goody-faithful girlfriend. Pero pag si Albie ang sinagot ko, para ko namang tinalikuran si DJ at sabihin pa nila eh mas gusto ko yung dati kong ka-loveteam.
Teka, may storycon pala kami ni DJ ngayon para sa movie namin for 2013! Putek! Nakalimutan ko! amp!
"DJ! May storycon pala tayo ngayon! Patay!" sabi ko. Nanlaki naman mata ni DJ noong maalala niya yun.
"Santa Barbara! Oo nga!"
"Uhm, Albie? Sorry pero nakalimutan namin na may storycon kami ngayon. Sorry talaga. Babawi ako next time. Promise." Sabi ko. Ngumiti lang siya.
"Okay lang, Kath. Sige, alis na kayo. Parang late na kayo eh. Ieexpect ko yan ha." Sabi niya. Ang swerte ko na naging bestfriend ko si Albie. Super understanding.
"Thanks talaga Al ha? Sige, mauna na kami."
"Sige bro. Mauna na kami." Sabi ni DJ at nag apir lang sila at lumakad na kami papalayo.
Natigilan kami ng may sumigaw. "KATHNIEL WINS!" nginitian lang namin siya ni DJ at nagpatuloy ng maglakad.
Bago ako makapasok ng kotse ni DJ eh nakita ko si Zharm sa isang sulok, nakatingin lang siya sa amin. Expressionless ang mukha niya. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na lang. Tahimik lang kami sa kotse.
"Anong 'babawi ako next time'?" biglang tanong ni DJ. Napatingin naman ako sa kanya.
Binalik ko yung tanong sa kanya. "Anong 'babawi ako next time'?" nagugulhan ako dito sa lalaking to. Weird.
"Don't pretend, Kath. Yung sinabi mo kay Albie kanina. Na babawi ka."
"Ah. Syempre. Lalabas kami. Itretreat ko siya. Its been a long time since we last hang out." Nagulat ako ng bigla siyang promeno. Kung wala lang akong seatbelt eh sumubsob na ako sa front eh.
"Problema mo? May pusa ba?"
Tumingin lang siya sa akin na halatang naiinis. "WHAT?! Lalabas kayong dalawa na kayong dalawa lang?! Hindi mo baa lam kung anong puwedeng mangyari sa inyo? Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Albie, Kath!"
"Ano ka ba, DJ. Bestfriend ko si Albie. Kaya itigil mo na yan kung ano man ang iniisip mo ngayon." Sabi ko.
"But still."
Napakunot ako ng ulo at tinignan siya. "Bakit ba ha? Nagseselos ka ba?" sabi ko at ngumiti ng nakaasar.
Pinaandar niya na yung sasakyan. "Tss. Bakit ako magseselos? Kay Albie pa? Mas gwapo kaya ako doon." Sabi niya. Tinignan ko na lang siya at ngumiti.
"Talaga lang ha."
STORY CONFERENCE
Nandito na kami sa storycon. Grabe, After 24/7 inlove, Sisterakas, meron agad na movie? Hindi ko talaga alam kung ano magiging reaction ng mga tao dito. First movie ko to with DJ at hindi ko alam kung magiging maganda ang kakalabasan.
Ito na kasi yung dream movie ko. Romance-Comedy ang theme.
At ngayon, may nagiinterview sa amin about sa movie.
"Ano nararamdaman mo ngayon, Kath na meron kang sarili movie this coming 2013 with Daniel?"
"Di pa rin nagsi-sink in sa amin 'yung sinasabi nila sa amin, na sinabi nga nila na from 24/7 In Love, Sisterakas, to this movie na kami na talaga ang bida," sabi ko."Medyo pressured syempre kasi movie ito. Happy na binigyan kami ng project na dream naman talaga namin 'yon, kami ni DJ, pero medyo kinakabahan."
Sumagot naman si DJ. "Nung una di pa ko kinakabahan tapos nakikita ko si Kat parang di na nagsasalita, parang biglang nag-sink in sa akin, 'Oh my gosh, magkakaalaman na tayo dito."
Magsasalita na sana yung isang reporter ng nagsalita ulit si DJ. "Pwede bang bumack-out muna? Pwede bang maghanda muna? Pero hindi. Alam mo 'yun, napi-feel mo na dito na magkakaalaman. Ito na ang magiging basehan pero siyempre kahit anong mangyari ibibigay namin lahat, kung positive man o negative 'yung mangyari." Napatawa kami sa sinabi niya. Grabe, ganun din nararamdaman ko ngayon.
"Bakit gusto niyo yung rom-com?"
"Feeling ko magandang simulan ang launching movie namin sa hindi muna masyadong mabigat, for age namin; about growing up para hindi mamadali." Sagot ko.
"Ayoko nung iyakan, lungkot, bigat sa puso. Ayokong makaramdam nun, ka-bad trip. Gusto kong maramdaman masaya lang ako parati. Masaya 'yung rom-com kasi kinikilig ka na, masaya ka pa. Saan ka pa, 'di ba?" sagot naman ni DJ.
Marami pa silang itinanong about sa amin ni DJ. Yung mga tinatanong nga nila eh paulit ulit na lang. minsan nga eh nakakasawa na.
"Ano ang ineexpect niyo sa isa't isa dito sa gagawin niyong movie?"
Nagkatinginan kami ni DJ. Ano nga ba ineexpect ko sa kanya? Mang asar ng mangasar?
"Uhm, actually, hindi ko pa alam eh. Kasi depende naman yun kung ano yung atmosphere pag nagtataping na. So, ieexpect ko na lang sa kanya na ano...galingan niya at ganun din ako. Ibigay yung best. Ganun." Eh sa wala akong masabi eh. -_-
"Ganun din ako. Ibigay lang yung best. Saka wag magpapaaffecto kung ano naman yung feedback ng mga tao sa story namin." Napangiti ako sa sinabi ni DJ. For the first time, ang ayos ng sagot niya.
"Abangan niyo po yung movie namin ni DJ this coming 2013. We hope na you support us till the end. Mahal na mahal po namin kayo at salamat sa pagsupporta."
---------------------------------------
Bitin? Walang kilig? I know.
Like this Chapter? VOTE.
Reactions? COMMENT.
Dedications are based on your comment. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/2138907-288-k402219.jpg)
BINABASA MO ANG
Celebrity Status [Hiatus]
Fiksi RemajaTwo stars. Two worlds. Because of one misunderstading, two opposites collide. How long can they hide their little secret when they know in the world of fame, every secret is revealed.