CS Chapter 3 - Behind the Scenes

4K 107 22
                                    

Danielle's POV

"Pre, aminin mo na kasi, may gusto ka kay Kath."

"Wala nga eh! Ba't ba kasi ang kulit mo? Saka wag kang sumigaw! Babaan kita ng phone dyan eh!" grabe tong si Katsumi. Tumatawag na nga na lang, makasigaw pa parang nakakain ng microphone eh. -_-

"Basta pre ha? Dyan sa set  niyo, magpakitang  gilas ka. Lalong lalo na kay Kath. Alam mo namang mainit pa din yung dugo nun sayo dahil sa ginawa mo."

"Pakitang gilas? Pre, natural na kaya sa akin yun. Gwapo ko kaya. Saka bakit kay Kath? Baka siya pa ang magkagusto sa akin." Napangiti ako sa sinabi ko.

"Nakakaloko ka naman pre eh. Humahangin na dito  oh. Try mo kayang magpakatino minsan?"

"Anong humahangin? Nasa bahay ka, humahangin? Isip isip din pre ha? Eh kung try kong alisin yang nerdy glasses mo?"

"Joke lang. bye na nga! Iloveyou! LOL." Pagkasabi niya nun eh binaba niya na agad yung call. Grabe yung lalaking yun. Nababakla na yata yun dahil sa kagwapuhan ko eh.

"Tss. May girlfriend naman pala, ginawa pa akong pagdisplay..." napatingin ako sa katabi ko. Si Kath. Nagtwitwitter siya sa iphone niya.

Nandito kasi kami sa Van. Papunta sa first taping namin sa Baguio. Sabay na kaming pumunta kasi isa naman ako sa ka-loveteam niya tapos yung isa pa yata eh nasa set na.

Ngumiti ako. "Paano mo naman nalaman na may girlfriend na ako?" napatingin naman siya sa akin. Gulay, ang ganda niya.

"Bakit? Sino pa ba ang mag-ii love you sa phone? Diba girlfriend?"

"Hmm. Di din. Puwedeng si Mama, Si Ate, yung kapatid ko---- teka nga lang, nagseselos ka ba?" grabe, nagseselos yata tong babaeng to eh.

"Huh, ako nagseselos? At bakit naman ako magseselos aber?"

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Kasi may gusto ka sa akin?"

"In your face Zachary! Kapal! Nakakabadtrip ka alam mo yun?" sabay palo sa akin then kabit ng earphones niya. Maparingan nga to.

Binuksan ko yung twitter ko at nag tweet. "@imdaniellezachary: Hindi ka naman magagalit kung hindi ka nagseselos."

Alam kong napatingin siya sa akin. Bakit? Natamaan siya? So, nagseselos nga siya?

Tumitingin ako sa mga mentions ko. Puro fan girls yung mga nagreply. Puro 'OMG. LQ sila ngayon ni Kath!' 'Grabe, kahit ganun yung tweet ni DJ eh nakakakilig pa din!' 'Shete! Ang cute nila!' Grabe tong mga to, makapagreact. Haha. Pero aaminin ko, nakakatuwa sila.

Nakita kong nagtweet si Kath. "@renaldikath: Wala naman kasi ikakagalit kung wala namang ginagawang masama."

Ano to? Indirect tweet? Ako pa ang naging masama? Lilingon na sana ako kay Kath kaso nagulat ako ng bigla niyang pinatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Sabi ko na nga ba eh may gusto ka sa akin-------" pagkatingin ko kay Kath eh tulog pala -_-

"DJ, wag kasing assuming." Napatingin naman ako sa manager ko na nakangiti ng nakakaasar. Problema nun? =_=

"Anong assuming?" sasagot na sana siya kaso nagring yung phone ko, napatingin naman ako kay Kath na nasa balikat ko pa din. Mahimbing tulog niya at para komportable pa. ^^

Celebrity Status [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon